Tuesday, 28 June 2011

ets nat abawt da mane-mane-mane!

Posted by iya_khin at 05:24 22 comments

Lately I have had this strangest feeling,
with no vivid reasons here to find.
Yet the thought of losing's been hanging, round my mind...

Balisawsaw talaga ang utak ko lately kaya di ko alam kung ano ba ang maikwekwento ko sa inyo, ala naman kasing bago eh tsaka di ako naiiyak ngayon napagod na ako kakangawa..i need time and space to breath…charoooos!

Well kwento ko nalang sa inyo about dito sa opis namin..tipikal na mga kaganapan…hmmm…..

Si Amo ko late pumasok ngayon, kaya nakatikim sya sa akin, pinagalitan ko nga! ano na naman?! Pumasok pa eh anong oras na?! tas nagpaliwanag naman sya kase galing daw sya sa besnes trep nagpunta sya sa pabo…ano english ng pabo?! ang boring ko lang!  

So to make this non-sense story short..medyo natuwa naman ako sa kanya kasi may pasalubong syang dala!! O ha ako na ang may pasalubong galit pa ako nyan! Nang binuksan ko na ang dala nya, na pa WOW ako, ganda kasi ng packaging! Hmmm mukhang ok ‘to ah sa isip-isip ko..tas ng makita ko na kung anong laman….

waaat daaaaah.............MANE???!!

Naman Amo nagdala ka pa eh meron ako nyan! Tsk tsk tsk! Haaaisst akala ko pa naman something special! Hmmp!

So na badtrip ako sa kanya kaya nag-excuse muna ako sabi ko punta lang ako ng washroom..o ha sosyal, washroom talaga hindi kubeta! Pagkubeta kasi name palang ang baho na!

So eto na, pasok ako sa banga..ni-unzipped, binaba ang dapat ibaba tas naupo sa trono…ahhhhhh...kinikilig-kilig pa…sabayan pa ng BG sounds na Baby you're a firework come on let your colors burst Make 'em go "Oh, oh, oh!" You're gunna leave 'em fallin' down-own-own………sarap!!! Nam-nam-nam!

Nang matapos na syempre need ko ng tissue…..inabot ang tissue pamunas…sige mag imagine kayo dyan kayo magaling! so hinipo at pinunasan……

MY GAAAADDD!!!!!!! ANG MANEEEEEE!!!!

  
napagtanto ko….

dinudugo din pala ang mane……

source


Monday, 27 June 2011

si nena

Posted by iya_khin at 05:29 15 comments
si nena ay baby pa
ang sabi nya ay
umm..ummm..
ummm aah aah!


aaahhh! :p

sensya po ala akong maisip eh kailangan ko siguro magrefresh! #lels


Saturday, 25 June 2011

PAKULO

Posted by iya_khin at 12:26 30 comments
Dahil sa hindi talaga ako sinuswerte sa mga PAKULO dito sa blogspera at kahit ilang padasal pa ang aking iginawad at ilang santo na aking tinawag eh wala pa din nangyayari....tsk tsk tsk...ako na ang loser...

kaya dahil dito ay naisipan kong gumawa ng sarili kong pakulo...

kaya heto...

MAG PAPAKULO AKO!

galing kay ka-google

O ha!! kala nyo ha!

ano gusto nyo tea or coffee?



Thursday, 23 June 2011

sabaw

Posted by iya_khin at 00:54 25 comments

"Kahit gaano kasarap ang mainit na sabaw pagnapaso ka nakakawala ng gana."

may maipost lang! :p



Monday, 20 June 2011

left

Posted by iya_khin at 01:42 21 comments

Sunday, 19 June 2011

kissing you....

Posted by iya_khin at 05:31 7 comments

Pride can stand a thousand trials
The strong will never fall
But watching stars without you
My soul cries

Heaving heart is full of pain
Oooh, oooh, the aching
'Cause I'm kissing you, oooh
I'm kissing you, oooh

Touch me deep, pure and true
Give to me forever
'Cause I'm kissing you, oooh
I'm kissing you, oooh

Where are you now
Where are you now
'Cause I'm kissing you
I'm kissing you, oooh

Friday, 17 June 2011

sa aking pag-iisa...

Posted by iya_khin at 03:34 14 comments

Sa aking pag-iisa
ikaw lang ang hinahanap ko
kay tamis na isipin
ng mga alaala

Sa aking pag-iisa
ikaw lang ang tinatawag ko
di ako mapalagay
kapag ako’y nag-iisa

Kung nalalaman mo lamang
na ako sa ‘yo’y naghihintay
lagi kitang inaasahan
na magbalik sa aking buhay

Sa aking pag-iisa
ikaw lang ang panaginip ko
hanggang kailan
kaya ako mag-iisa

Kung nalalaman mo lamang
na ako sa ‘yo’y naghihintay
lagi kitang inaasahan
na magbalik sa aking buhay

Sa aking pag-iisa
ikaw lang ang panaginip ko
hanggang kailan
kaya ako mag-iisa …


 
 
Cinderella - Sa Aking Pag-iisa
 

Thursday, 16 June 2011

i'm not......

Posted by iya_khin at 01:24 8 comments

Each day I wake I see you
I watch you while you sleep
So peaceful and so calm
My one and forever love

So many years we spent together
Through ups and down we grew stronger
Though storms of life drags us down
We remain standing still hand in hand

Now time flies so quickly
Never have I imagined this
Every second counts
Every minute we’re losing our grip

Don’t want to be alone
Can’t live on my own
Can’t stand without you
Knowing this makes me feel so blue

I’m not strong enough…
I’m not strong enough…
I’m not strong enough…
I’m not strong enough…


“Love knows not its depth till the hour of separation.”















Tuesday, 14 June 2011

Naka 2 kana!

Posted by iya_khin at 23:04 20 comments

Parang kailan lang hindi ko namalayan matagal-tagal na pala tayong magkasama. Noon medyo ilang pa tayo sa isa’t-isa pero ngayon kita mo naman halos lahat ng kadramahan at kaemohan ko sa buhay alam na alam mo na! kaloka! Heniweyzzz…salamat sayo at di mo ako iniwan na kahit sa pinakamadilim kong anik-anik eh nanatiling nandyan ka sa ere..ako pa nga ang nang-iwan sayo..sorry naman….pero salamat at tinanggap mo pa din ako nung bumalik ako sayo…

Daming pasakalye hmmmp!! Cge na nga!! 

Happy Blogsary sayo Iya! Naka 2 taon kana!! Ay Lab Yu!!


Can't Live A Day Without You

Posted by iya_khin at 00:35 18 comments

I could live life alone
And never fill the longings of my heart
The healing warmth of someone's arms
And I could live without dreams
And never know the thrill of what could be
With every star so far and out of reach
I could live without many things
And I could carry on, but

I couldn't face my life tomorrow
Without Your hope in my heart I know
I can't live a day without You
Lord, there's no night and there's no morning
Without Your loving arms to hold me
You're the heartbeat of all I do
I can't live a day without You

I could travel the world
See all the wonders beautiful and new
They'd only make me think of You
And I could have all life offers
Riches that were far beyond compare
To grant my every wish without a care
Oh, I could do anything, oh yes
But if You weren't in it all

Jesus, I live because You live
You're like the air I breathe
Oh Jesus, oh, I have because You give
You're everything to me

I love you loves.......  






Monday, 13 June 2011

Silly n Fun xoxo

Posted by iya_khin at 01:33 12 comments

"Tag! You're it!"

Betchabygollywow!!  Do I have to answer this in english format?!! I’m kinda dizzy right now and I can’t utter and stroke a single word to answer your questions…blah blah blah! Lels

Ms. Sweet and Spicy Gorgeous Leah so happened tagged me to her Q&A portion..ahhmm is this an entry for Ms. beauty  queen pageant?! Pity me!

Cge na nga..nahihirapan na akong uminglessshhh!!! (madiing EESSSHHH with talsik laway)

Let’s get the parteee started!

Question: Do you think you're hot?

Answer : HHHOOOTT?!! Am I?!! I can only say that I’m hot blooded….lagi kasi akong nag-iinit..chhooooss! Nag-iinit ang ulo!! wag mag imagine nakamamatay!  Actually I really don’t know if I am..lagi lang naman akong nasa backstage eh..di ko din masabi, depende din siguro sa kausap at kaharap ko…pero mahilig akong makipag-eye contact tas nagiging bato ang matitigan ko! Wahahah! Does that count me as one?!! You be the judge! lol

Task: Upload a picture of the wallpaper you're using as of the moment.

oo desktop ko!
Action:  organized akong tao..gusto ko malinis at maayos..walang bakas ng ibedensya!hmmmm… I really hate messy desktop and I want everything in order…di halata ‘no?!

Question: When was the last time you ate chicken meat?

Answer: ahhhh chicken meat……..site blocked is this really included in your questions?! I can’t remember when was my last time hmmmm….. Last week ata.. I really can’t remember eh puro fish kasi kami ngayon..bawal ang MEAT nakakapanghina kasi makolesterol! J

Question: What is the song that you last listened to?

Answer:  DISTURBIA by Boyce Avenue..i’m so in love with this acoustic band..nakakalaglag  !#@$#%
I like this song too co’z I like the way they wrote the lyrics...nakakarelate?!

Sneak peak

No more gas in the rig, can't even get it started
Nothing heard, nothing said, can't even speak about it
All my life, on my head, don't wanna think about it
Feels like I'm going insane, yeah

It's a thief in the night to come and grab you
It can creep up inside you and consume you
A disease of the mind it can control you
It's too close for comfort


 
Question: Do you have nicknames?

Answer:  Iya nga diba sinabi ko na! kulet! bitter

Question: What are you thinking while you're making this post? Be honest.

Answer: I’m thinking greeeeeen…..as in greeeen…kasi puro alikapok at buhangin ang natatanaw ko while answering this eh…so para maanswer ko ng maayos think green! O ha! madumi  na naman ang utak nyo! Pumepetiks ako habang ginagawa ko ito kaya kunwari busi-busihan ako! Wahaha!

TAG A BLOGGER:

As per Ms. Sweet n Spicy Leah I have to tag this to 8 bloggers…but same as her….i’m gonna break the rules! Wahaha! So I will only tag 2 bloggers which I’m not sure if they’re going to comply to this Q&A..ASA pa!

Anyway here it goes!!!!!

Tag! You’re it!  Bolero of Bulakbolero@sg. I found Bolero whom I prefer calling him as Biboy..shock sya nung una ko syang tinawag na Biboy kasi akala nya daw baboy! Lol.. I started to get curious about him dahil dun sa mga post nyang naka PW protected na akala ko kung anong meron at bakit kailangan pang may password so ayun ask ko sya sa mga PW tas binigay nya naman….tas we started tweeting each other..tweet lang ha walang malisya so dun na nagstart ang fwendship namin..tas sya din ngayon ang star ng KM2 dahil sa kanyang critic na si Anonymous at ang kanyang defense na si Epal kay Anonymous..to know more about him click nyo po ang link sa taas! Next time gawan ko sya ng blog! Lels!

Tag! You’re it! Kayren of Karen and Stuff. We don’t know each other that well pero I like her..and we have something in common.. TO READ BOOKS! I like the way she does her reviews to a certain book kulang nalang ikwento nya na lahat! Ahaha! Madalang lang sya sa bahay ko pero she assures that she will leave a mark which mapapaisip ako..about sa Canada..pag-usapan natin! Hahaha! Hope to know you more kaya eto…tag tag tag kita!!!

Saturday, 11 June 2011

360 +++

Posted by iya_khin at 23:39 13 comments


Biyernes araw ng pahinga sa trabaho ng mga taga-disyerto, araw na laging inaabangan ng halos lahat ng tao mapa-pinoy man o ibang lahi…

Lablayp: labs gising…aalis tayo…
Ako: hmmmm…ano ba antok pa ako…
Lablayp: may pupuntahan tayo samahan mo ako…
Ako: whhhaaaaaattt??!! Naman eh!

So ayun backstroke ang beauty ko..alas syente ng umaga parang papasok lang sa opisina tumayo akong pupungay-pungay.

Jobfair…sa apat na taong inilagi ko dito sa Dubai 1st tym kong makadalo sa ganitong programa para sa mga OFW. Pagdating namin doon saktong 8:30am late ng 30minutes sa pag aakala namin na di pa naman agad magsisimula, so tambay sandali sa labas ng stadium. Syempre majority puro kabayan ang nandun kaya chika-chika muna sandali..ako na ang Ms. Congeniality!  Mga ilang minuto pa ay niyaya na ako ni Lablayp pumasok sa loob. Sa may lobby sobrang tahimik aakalain mong wala pang tao, pero nung makarating na kami mismo sa loob ng basketball court…HOMAAAYYGAAAADD!!! Ito ang aming dinatnan.....




Nung una aakalain mong nasa tyangge ka or yung mga sale pag may fiesta dahil sa dami ng stands. Nagmasid-masid ako sa paligid……nagsimulang madurog ang puso ko……

Pinoy…lahat gagawin para sa kinabukasan ng pamilya..lahat nangangarap..lahat nagbabakasakali…lahat nag-aabang..lahat umaasang ito ang paraan para makaahon sa kahirapan at makamit ang kaginhawaang inaasam-asam…sa totoo lang nakakaawa….

Habang nakaupo kami doon at nag-aabang na matawag ang kanya-kanyang numero napansin kong lahat nakangiti, pero kahit anong tago nila sa tunay na nararamdaman bakas parin ang kalungkutan at umaasa na baka sakaling dito nila makuha ang trabahong hinahangad. Naiiyak ako…kung bakit naging ganito ang kapalaran ng mga kabayan ko..nandyan ang mga naka visit visa, terminated sa trabaho, takas sa malulupit na amo at kung ano-ano pang dahilan kung bakit sila nandidito ngayon.

Bakit pa kailangan lisanin ang bayang sinilangan, sino ba talaga ang nagkulang? Bakit kailangan pang magsakripisyo na malayo sa mga mahal mo kung ang kapalit naman nito ay walang kasiguruhan…bakit kailangan pang humantong sa pag-iibang ibayo? Sabihin na nating oo nandito nga ang mag-aahon sayo…pero hindi ba’t ang dami din nawasak na mga pamilya dahil dito? Ano ba talaga ang mas mahalaga?

Ang daming tumatakbong katanungan sa isip ko, kung bakit kailangang pang humantong sa ganito ang kalagayan ng mga kababayan ko…at isa na ako dun…nakakapanlumo..isama mo na ang mga walang awang kurakot sa ating gobyerno..ginagatasan ang mga kababayang masahol pa sa kalabaw kung magtrabaho..at eto pa ang masaklap..wala pa ngang trabaho peperahan na agad bago ka muna makalabas ng Pinas! Saan ka pa?! Sarili mong bayan winawalang hiya kana, kaya siguro mas ninanais pa ng mga kabayan na balahurain sila ng ibang lahi kesa sa atin na wala kang mapapala..tsk..tsk..tsk…

360…numero ni Lablayp..nag-aantay..nagbabakasakali…paano pa kaya ang sunod sa kanya +++?….reyalidad..lahat nag-aabang..umaasa na isang araw maabot din nila ang kinang at talim ng tala…

sila kuya posing ng pag-asa

Wednesday, 8 June 2011

KM2: LIHIM

Posted by iya_khin at 02:32 34 comments

Maharlika?! Ito ba ang inakala mong kawangis ko? Lingid sa inyong kaalaman isa akong nilalang na nagkukubli sa  kadilim-dilimang yungib, isang bukanan na tagusan daang impyerno….

Kabilugan ng buwan ako’y papalaot, mga kalalakiha’y nag-aabang na sa aki’y nahuhumaling. Sabik na malasap ang tamis ng aking halik, mga hubad na katawa’y napapaindayog sa tinis ng aking halinghing. Di nila alintana sila’y magiging pa-in sa isang hayok sa laman na handang lapain ang kanilang pinagmamalaking kuyukot na kanilang pinagkaingat-ingatan.

Lugami at pagal doon ako nasadlak, kung bakit naging ganito ang tadhanang aking nakagisnan. Sa bawat hipo ng mga lalaking mangmang, animo’y dikyang nakakapit sa aking balat nasa sobrang sakit handang-handa na akong pumaslang.

Bahay aliwan, kahalintulad sa isang pulot-pukyutan, masalimoot, malaswa, mapanganib, mga panauhi’y sa umaga’y kay banal waring masahol pa sa halimaw pagbinalot na ng kadiliman. Panibugho ko sa inyo’y umaalingawngaw, di nyo ba batid ang bakas ng peklat sa aking katauhan? Yaong niyurakan at nilapastangan..poot at galit sa aki’y namumuo at kayo’y humanda sa bangis ng aking paghihiganti!

Adhika ko’y mairaos ngayong gabi na ang pagkauhaw ko ay iyong mapunan, at luwalhati kong pasasalamatan na ng dahil sayo’y sikmura ko’y nagkaroon na naman ng laman. Bago ko iwanan ang nakahandusay mong bangkay, isang pirasong laman aking hugot sayong kalamnan, upang sa gayo’y may pang-almusal kinabukasan.

Paalam sayo mamang timang, ako’y napapagal na mga mata’y nangagalumata, salamat at nakaraos din ang gabi ng lagim...

Manananggal....oo ako nga at ikaw ay ang aking sunod na bibiktimahin.


opisyal na artikulo para sa patimpalak ni Mang Kulisap



Monday, 6 June 2011

BRB

Posted by iya_khin at 23:17 11 comments



BRB…

Kalimitan ko itong mabasa sa mga social networkings.

B – e
R – ight
B – ack

Bakit  nga ba madalas natin itong gamitin pag may kausap tayo sa chat or kahit saang forums? Hmmm…

Dahil bored ako ngayon at wala akong magawa at naka set ang body language ko sa tamad mode as always naman ay biglang may nag TING! Sa utak kong balisawsaw.

Gumawa ako ng survey dito sa sulok-sulok ng aming opisina at nagsaliksik sa kada-drawer ng aking mga ka-opismayt nagbabakasakaling may pagkain at sinagot naman ako ng mga alikabok!

Ito ang kadalasang dahilan kung paano ginagamit ang BRB…

….









deadair




BRB..


..............

Posted by iya_khin at 03:54 11 comments

I guess I’m getting tired chasing after you….
You're always taking me for granted..
I had enough..
So this time I’ll be running around without you.…




 





Saturday, 4 June 2011

don't mess with IYA

Posted by iya_khin at 02:50 15 comments

I may be far
But it doesn’t mean I can’t smell that you stinks
I may be blind
But it doesn’t mean I’m weak
I may be out of reach
But it doesn’t mean I can’t grip your neck

Don’t tell lies when your mouth is full of flies
Don’t act like an angel as you’re from hell……

Hurt me
Tear me
Ruin me
Break me
Anything as you please..but don’t touch THEM!

Co’z I’ll hunt you
I’ll bring you to your grave
I’ll reap you and tear you apart
I’ll cut you into pieces ‘til you breath no more.

Mess with them and I’ll mess your life
I’ll drag you down into the pit
I’ll show you the hell you’re looking for
Drown you into the fire where you belong.

I’ll be watching you……..


Thursday, 2 June 2011

don't be...

Posted by iya_khin at 04:25 18 comments


i've done nothing wrong....
don't be fooled by what you hear....
by what you see...
by what you think...
by what you feel....



see....
i'm innocent......


LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review