Wednesday, 20 July 2011

RE-DO

Posted by iya_khin at 14:02

You never know how strong you are, until being strong is the only choice you have....

Ang buhay nga naman parang layp..di mo talaga alam kung anong mangyayari sayo bukas, sa makalawa o mamaya..walang katiyakan wala din kasiguraduhan. Di mo din maiaasa sa mga manghuhula ang iyong tadhana kaya nga tinawag na manghuhula kasi hinuhulaan lang nila, in short walang kasiguraduhan pawang kathang isip o haka-haka lamang...

Minsan ang buhay ay mapaglaro din, para kayong nagtataguan, magugulat ka nalamang dahil sa bigla nalang bubulaga sayo ang mga bagay na di mo inaasahan..mga bagay na di ka handa pero kailangan mong tanggapin at kailangan mong harapin. Ihahalintulad ko dito sa bloggy world, di ka pwedeng magskip read dahil pag-ginawa mo ito wala kang matututunan o di mo maiintindihan ang kabuo-an ng storya..hindi mo pwedeng sabihing "eh alam ko na yan eh" nakakasiguro ka ba? eh paano kung nagkakamali ka pala? Pero maari ka naman magbackread, para malaman mo kung saan nagsimula ang mga kaganapan, kung anong naituro at naidulot sayo at kung nasaan kana ngayon.

Sa buhay ko marami akong pagkakamali, marami akong naging kasalanan, marami akong pagkukulang na di ko nagampanan ng maayos, marami akong palpak. Lagi kong sinasabi sa sarili kong mahina ako, di ko kasi kaya, boba ako, etchetera at etchetera...totoo ba kayang mahina ako o talagang pinili ko lang na maging mahina? Tama ka..pinili ko..kasi walang taong mahina..may choice naman ako diba?

I wanna start all over again...fix my life..clean my mess...gussy up...alam kong di ganon kadali pero I will try, di lang para sabihin nagpapakasanto at banal ako, pero kailangan para na rin sa sarili ko at sa alam kong ikakabuti....by His grace alam kong makakaya ko at malalagpasan ko ito.

I maybe sad once in a while, pero i'll make sure na di ako mapupull down o madradrag ng kalungkutan ko...this is the right time na ma-test ang kakayanan ko..kung anong magagawa ko higit pa sa mga inaakala kong di ko makakaya.


Alam kong sanay na kayo sa kaemohan ko..kaya alam kong naiintindihan nyo ako.


Cheers to all!



23 comments:

khantotantra said...[Reply]

it's ok to be down. Its part of life. it's okay to cry. What matters is that you stand up, move on and be tough once you are okay.

Anonymous said...[Reply]

kung nandyan lang ako, ihahug kita.

iya_khin said...[Reply]

@khanto tama! salamat

@bino ang malamang nakikinig ka lang sapat na yun sa akin..maraming salamat..appreciate it a lot

Anonymous said...[Reply]

Hugs.

Lahat naman tayo, nagkakamali. Nagkakasala. Nagkakaroon ng mga down moments.. ng mga self-pity moments. Yung mga what ifs at mga if onlys.. siguro, parte lang yun ng buhay. Kailangan lang siguro marealize na hindi tayo dapat malunod sa self pity. Learn and do it again. Get up and move on. As they say nga.. it is never too late to start over again.

Never lose the faith.

Good morning, iya. :)

iya_khin said...[Reply]

@leah ulit!!! misdeal! thanks!

bulakbolero.sg said...[Reply]

you are lucky that you can start all over again (re-do ika mo). most of the time, we want to do that but we can't... there's no chance... its already late... or worst, no way to fix it.

so as what you've said, it is not easy but you'll try to move forward.

nice iya! keep on rockin' \m/ i am just 1 buzz away. sorry if sometimes im occupied with my work.

ngaps, may draft ako sa blog ko na medyo ganito topic pero contrast sa sinasabi mo. about tats move. di ko kase matapos kaya di ko mapost.

EngrMoks said...[Reply]

Tulad ng napagusapan natin sa Twitter at mga DM natin sa isa't isa, alam mo na yun! Mag-isa ka man, nandito lang kaming virtual friend mo... dalawang dangkal lang ang pagitan ng mukha mo sa mukha natin, monitor lang ang pagitan.

Smile and Cheer Up!

iya_khin said...[Reply]

@bulakbol ur comment caused my nose to bleed!!lol thanks also for ur tym na madalas kinukulit kita khit nasa meeting ka! Go on and go forward lang tayo!

@moks salamat din ikaw na ata nagiging tatay ko,sumbungan at taga payo ko! Nakakataba ng puso! :D

egG. said...[Reply]

parang ako lang nung nagsusulat ng entry iya.. pareho tayong emo... char.. hahahahaha... kalerki....

hay bkit pa kasi me word na C_H_O_I_C_E_ pero you need a choice pa din...

Makina ni Monik said...[Reply]

“Why is everyone here so happy except me?”

“Because they have learned to see goodness and beauty everywhere,” said the Master.

“Why don’t I see goodness and beauty everywhere?”

“Because you cannot see outside of you what you fail to see inside.”

— Anthony de Mello

parang ganito po ba. . .

(^___________^)

Anonymous said...[Reply]

huwag masyadong emo iya.... nakakahurt ng feelings yan.. hehehe

iya_khin said...[Reply]

@monik lalim naman....but so true...so very true..

kae said...[Reply]

emo ka ngang talaga, pati picture, emo. hehe.. hmm, its normal naman to feel that way, wag lang parati. iba na yun. baka maging manic-depressive ka nyan hehe (;

Diamond R said...[Reply]

Power hug Iya.Sama kita sa prayer ko sa kung ano mang nagbibigay sayo ng bigat sa iyong puso.

Humahanga ako sayo dahil nailalabas mo ito ng sa paraang doon ka magaling ang pagsusulat.

Anonymous said...[Reply]

yan dapat ang buhay, kong ano man ang dumating kailangan tanggapin kahit gaano kasakit ito, basta wala taung naapakan tao, kaya natin ano mang pagsubok ang dumating.. Mommy-Razz

Anonymous said...[Reply]

I am happy for you...Hindi emo ang post mo na ito, nakakangiti lang dahil ipinapakita mong lumalakas ka. :D

iya_khin said...[Reply]

@egg nakakarelate?! oo marami tayong choices pero suma tutal dalawa lang ang choice..sa ikabubuti o ikakasama..yun lang!

@kiko eto trying so hard na nga!

@kayren don't worry dear di tayo aabot dun!

@diamondr salamat kaibigan! salamat din sa pagsubaybay sa bahay at buhay ko! tama ka di ako proud dito pero dun ako nakakalikha ng isang akda at my lowest point sa buhay ko..emo much

@mommy salamat po...salamat din sa mga concern mo! love u po!

@anonymous ramdam kita...i smell you..salamat alam kong di mo ako matitiis...

isp101 said...[Reply]

I wanna share this to you, if you have a Bible, please, read Proverbs 3:5-6. Cheer Up! God bless! =)

eMPi said...[Reply]

That's life!

Pray ka na lang and allow God to enter your heart and you'll be fine. Banal banalan ako. Hehe


*hugs*

none said...[Reply]

ate i feel quite the same... sorry ngayon lang nakadalaw pagkatapos ng makalibong pananahimik. Hayyy.. minsan feeling ko may kulang pa din sa buhay ko.. minsan feeling ko tanga lang talaga ako.. fickled ako alam mo yan... pabago bago ng isip sa blog sa kung anu ano... hayy... pero may chance pa rin naman araw araw.. na magbago at magpatuloy... :) lab youu ate! :)

Anonymous said...[Reply]

pasasaan darating ang panahon na ,puro masasaya naman ang mararamdaman mo...


HUGGGZZZZ!

iya_khin said...[Reply]

@isp101 amen...thanks sa reminder

@empi hahaha! yun talaga ang dapat...

@kamila baby! ok lang yun, bukas ang bahay at puso ko lagi para sayo! ayiii! love u much! cheers din sayo!!

@jay bagong pic ah! tama...there's a rainbow always after d rain..

Anonymous said...[Reply]

soulmayt, isang magic patola for you!!!

surprise ko para sumaya ka na. :) hehe.. cheer up and be happy..

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review