Thursday, 31 January 2013

let's get physical!

Posted by iya_khin at 00:26 11 comments

Yeeeaah!! ewan ko pero excited much ako!! parang may bulate sa wetpaks ko na parang may kiti-kiti at di ako mapakali!

Adik ako! oo, adik daw ako sabi nila, adik na ako kakagym and everything! Ayoko na maging majomba kaya last year kinareer ko na talaga ang pagkuskos sa mga baby fats ko. Actually tagal ko ng plan magpapayat ever since the world began?! Pero last year lang talaga pinag-isipan kong mabuti at dibdiban kong ginawa.

Halos araw-araw laman ako ng gym kulang nalang ilipat ko lahat ng gamit ko at dun na ako tumira, ganto routine ko every week:

6am - gigising to prepare myself to work

7am - sasakay ng metro dubai train at makikipagsiksikan at balyahan! joke

8am to 5pm - workaholic churvaness ek-ek kunyari

6pm to 10:30pm - patayan blues sa gym #extremeworkout

and oooppss every tuesday nasa park ako ng 7pm to 8:30pm nakikipaghabulan at takbuhan sa mga hunky-punky dun sa loob ng paikot-ikot na maze! nakakahilo! :p

thursday - cheatday at lumalablayp?!! lels

friday - labada and linis mode at ito yung quality time namin ng best friend ko, depende din kasi minsan sa hapon pag feeling namin eh para kaming stagnant eh kakaripas kami ng takbo, saan pa eh di sa gym!

ganto lang layp namin, gym dito gym doon ganun daw pag walang lablayp o kung by schedule ang lablayp! dito ko lang nalaman na meron palang ganung by schedule!! kaloka! Anyway, masaya ako kasi may nagpapatibok ng puso ko..eheeem! ily yellow! :*

Pero pansin ko lang, 80 percent ng may mga issue sa layp, lablayp ect.ect eh nasa loob ng gym! takbuhan daw 'to ng mga sawi o depressed o yung mga naghahanap ng lablayp at kung ano-ano pa. Ako sa totoo lang gym din ang outlet ko pagdepressed at pagsinusumpong ako ng kaemohan at topak ko. Mas nag-eenjoy ako kasi full force ako dun hanggang sa lumawit dila ko. minsan sa totoo lang di ko na ramdam pagtibok ng puso ko dahil sa pagod.

Maximum weight na na-gained ko from my 5yrs stay here sa abroad is 74kg! kulang nalang ng 1 para maging pasang awa. naexperience ko din mag-mild stroke dahil sa super duper kakyutan ko dati at ang mas masaklap eh favorite kang asarin at kutyain ng mga taong mapang-api sa paligid-ligid. kaya pag umuuwi ako sa bahay lagi akong humaharap sa salamin at ito lagi sinasabi ko..."bukas luluhod ang mga tala!" Paksyet kayo pag ako pumayat di ko na kayo papansinin!!! :p

napapagod na ko magtipa..eto nalang sample ng bunga ng aking pag-papagal at patayang pag-eehersisyo..

BEFORE
jordan 2011
desert safari, dubai 2011
me and bff bino @saranggola blog awards 2011
axl,xander,anciro,cj,zyra and me..yung isa sorry nalimutan ko name.. :(

AFTER


me and my best
mga Feeling Group! lels
fitness first Running Club
marathoners
i'm sexy and i know it! :p
Maraming nagsasabi sa akin dati hindi ko daw kaya, they're all wrong! Kaya ko! Kinaya ko! and no doubt makakaya nyo din! Kung gusto maraming paraan kung ayaw eh kayo din ang mapag-iiwanan. Sobrang hirap talaga pero kung isasapuso mo magagawa mo, remember ikaw din mismo magsusuffer sa mga pang-aabuso mo sa katawan kaya mag-isip isip ka.

Great changes may not happen right away, but with effort even the difficult may become easy. 
-- Bill Blackman

Decide carefully, exactly what you want in life, then work like mad to make sure you get it!
-- Hector Crawford


Tuesday, 29 January 2013

patawad

Posted by iya_khin at 00:20 9 comments

papalubog na naman ang araw
liwanag sa kalangitan di na naman matanaw
kasabay ng pagdilim nito'y sya namang pagdaloy
mga luha sa aking mata'y tuloy-tuloy.

ilang beses na ba akong nagmahal?
ilang beses na ba akong nasaktan?
ilang beses na akong nadapa?
tila takot, katauhan ko'y nababalutan.

patawad kung magmahal ako'y labis
patawad kung ako ma'y nagmalabis
patawad kung kita'y nasasaktan
di ko sadya, takot lang muling maiwan.

araw-araw sa isipan ko'y ikaw
bawat pintig ng puso ko'y syang sinisigaw
ngunit tila sa aki'y unti-unti ng lumalayo
tila nagsawa na, wala na ba akong magagawa?

papalubog na naman ang araw..
muli na nman ba mag-iisa?


Wednesday, 16 January 2013

mamatay kana!!

Posted by iya_khin at 04:25 10 comments
message from FB 10:54pm (dubai time) 2:54am (philippine time)

bunso :ate
na balang kami ni mark
nakuha ung pang tuition ko.
pati cellphone ko
tae

wala na sakin
cellphone ko
nakuha
d kami naka galaw ni mark
may mga dalang kutsilyo
bnigay ko na lahat
buti ung kay mark d nakuha
ung akin lang nbigay ko
pati pang tuition ko
nakuha nila
kakain kasi sana kami.

inaya ako n mark kumain
muntik na ko masaksak
bnigay ko nalang
lahat


d kami pinasok
nasa labas kasi
kami
kakain
Tsk


Sunod-sunod na mensahe ng bunso kong kapatid at yung tinutukoy niyang si mark...anak ko. Halos atakihin ako sa puso ng nabasa ko 'tong mga messages nya sa telepono ko. Hindi ko alam ang gagawin ko, parang sinisilaban ang pwet ko sa sobrang nerbyos! Sinubukan kong tawagan kapatid ko sa phone, enggot lang kasi nakuha nga pala telepono nya pero sinagot pa talaga ng mga holdaper! kaloka!

Nakakapanghina... I thank God kasi walang nangyari sa kanilang masama, I thank God yun lang kinuha sa kanila at hindi ang buhay nila, ikamamatay ko na talaga.

Di ko alam kung bakit ganto nangyayari sa akin ngayon, hindi ko alam kung hanggang saan ako tatagal...nanlulumo na ako pero need kong tumayo para sa anak ko...para sa anak ko nalang..

May mga bagay na sadyang di ko maintindihan at mahirap maipaliwanag kung bakit sa dinami-dami ng tao parang sa akin ibinato lahat ng gantong mga pangyayari... ewan...

Ang hirap na din magtiwala, dahil pati yon binasag na ng mga taong mga mapang-abuso kahit yung pinakamalapit sa buhay mo na akala mong mapagkakatiwalaan mo, yun pa ang susungab sayo.

google
ganto gusto kong gawin sa mga taong walang hiya!!!! sobra na talaga!!!!

ayoko munang mag-blog.



Monday, 14 January 2013

Lyrics " Pag ayaw mo na"

Posted by iya_khin at 04:56 5 comments
google

"May ibang lungkot
Akong nakikita sa iyong mata
Di mo man sinasabi
May ibang galaw
Na di maipaliwanag ng isip ko
Kahit ano pang isipin....."

Bino, namiss kita... ang tagal din natin di nagkita simula ng.....uummm..kamusta kana pala? Natapos mo na ba lakarin yung mga papers mo para sa Canada? animo'y di makahinga sa kaba habang kausap ni Zen ang kasintahang halos siyam na buwan hindi nila pagkikita.

Ok naman ako medyo naging subsob lang talaga sa trabaho, alam mo naman na ako lang inaasahan sa pamilya. Yung sa Canada naman unti-unti ko na din natatapos ang mga requirements, sana nga magtuloy-tuloy na 'to para at least bawas din sa sakit ng ulo. Eh ikaw, ok ka lang ba? sabay yuko habang nagtitipa sa kanyang telepono.

Hindi alam ni Zen kung paano sasagutin ang tanong ng kasintahan, hindi nya alam kung magugustuhan ba nito ang kanyang magiging sagot o kung makikinig ba ito. Isang simpleng tanong na lalong nagpapasakit sa kanyang kalooban.

Siyam na buwan parang kailan lang, sariwa pa ang mga sugat at pinipilit na maghilom, paano nga ba?

"Mga titig mo
Wala na ang tamis tulad noon
Di ka na gaya ng dati
Wala na ang lambing
Ng pagtawag mo sa pangalan ko
Di kita masisisi"

Zen ang dami ko na ngang problema sumasabay ka pa, hindi ka nakakatulong! Ano ba talaga gusto mong gawin ko?! Lagi ka nalang ganyan nasasakal na ako sayo! Galit na bulalas ni Bino.

So lumabas din ang totoo! Yun pala ang tingin mo, sinasakal kita?! Palibhasa kasi hindi mo iniintindi yung nararamdaman ko, akala mo kasi puro kadramahan lang ako! Bino, mahal na mahal kita ano pa ba gusto mong gawin ko para paniwalaan mo yun? Natatakot lang akong mawala ka kung bakit ako nagiging ganito, natatakot akong mag-isa. Pahagulgol na sagot ni Zen. Tila sasabog ang kanyang dibdib sa tuwing magkakasagutan sila ng ganito ng kasintahan. Pilit pinipigil ni Zen na pumatak ang kanyang mga luha ngunit sadyang kusa itong dumadaloy.

Si Zen, isang babaeng nababalutan ng takot, takot na idinulot sa kanya ng nakalipas, mga bangungot ng nakaraan na tila hanggang ngayon hindi sya makawala. Simula ng pagkabata'y lagi lang siyang naiiwang mag-isa o di kaya nama'y inihahabilin ng kanyang nanay kung kani-kaninong kakilala para makagbantay sa tindahan ng kanyang tiyuhin sa palengke. Madaling araw palang umaalis na ito at hating gabi na kung makauwi, madalas nakakatulog nalang syang may mga luha sa kanyang mga mata sa kakahintay sa kanyang ina.

Lumaki din syang hindi lubusang kilala ang kanyang ama, nasa sinapupunan pa lamang siya simula ng mag ibang bansa ito sa Saudi.

Palipat-lipat ng lugar, palipat-lipat ng tirahan, kung kani-kanino nakikisama, kung saan-saan napapadpad. Maraming beses umibig ngunit laging bigo, sumubok makipaglaro para lamang hindi mag-isa, subalit lagi pa din talunan.

Ngayon may bagong pag-ibig....

"Sawa ka na yata
May iba na bang nakita
Isa lang naman ang aking hiling....."

Bino, alam kong marami akong hinanakit sa buhay alam kong hanggang ngayon nakatali pa rin ako sa nakalipas ko, tulungan mo ako..kailangan kita, pero tila hindi na kita nararamdaman..kailangan mo pa ba ako? mahinang bulong ni Zen sa kawalan habang patuloy itong lumuluha.

You're so near, yet so far....sana nagkakamali lang ako.

Ok ka lang ba? muling tanong ni Bino.

"Tinatanong sa sarili
Nagkulang pa ba ako
Basta't ang alam ko ay
Ginawa kong lahat
Basta't para sayo

Pag ayaw mo na
Sabihin mo lang
Di ko matitiis na
Ikaw pang mahirapan
Kase, pag ayaw mo na
Ako nang lilisan
Di rin magtatagal

Pag ayaw mo na nga..."

(song lyrics by Yeng Constantino)

-END


Sunday, 13 January 2013

liars go to hell!

Posted by iya_khin at 03:55 4 comments
google


“There were lies we told to save ourselves, and then there were lies we told to rescue others. What counted more, the mistruth, or the greater good?” ― Jodi Picoult, Handle With Care

2013 goodbye na talaga 2012...

Pero pagpasok palang ng taong 'to ang dami ko na agad sablay...haaaaiiiist... ang dami ko na agad palpak at ni hindi pa nga nangangalahati ang buwan ng enero. Paksyet talaga! Kaasar!

Naaasar ako sa sarili ko, kung pwede ko lang sana irewind kaso hindi...

Just the other night and dami kong narealized bigla, para akong binuhusan ng napakalamig na tubig na bigla akong napabalikwas. Ang gaga ko talaga...kung hindi pa muntik ng mabaon ang kaliwang paa ko sa hukay hindi pa ako magigising.

I'm not a perfect person you think I am, hindi ako mabait at lalong hindi ako santa. Kahapon nung nasa mall ako may nakita ako dun sa window ng isang store na nakaagaw pansin sa akin, title ng book..  "Trust me, I'm Lying: Confessions of a Media Manipulator" by Ryan Holiday. Wala po akong alam kung anong nilalaman ng book na 'to ang concern ko lang ay yung title.

"Trust me, I'm Lying" yeah I lie and I lied...sa araw-araw ng buhay ko nagsisinungaling ako, kayo ba naisip nyo ba yon?! May araw ba na hindi ka nagsinungaling? Kahit sa pinakamaliit na bagay?! Halimbawa sa pakikinig sa kaibigan mong paulit-ulit ang kwento at wala ka ng ganang makinig dahilan sa nakakaumay na, at pagtinanong ka ng kaibigan mo kung nakikinig ka sa kanya tas sasagutin mo lang ng oo kahit hindi, diba kasinungalingan na yon?!

Magmasid ka sa paligid mo, wala ka bang napapansing nagkukubling mga kasinungalingan?! O sadyang nagbubulag-bulagan lang tayo sa katotohanan?

Nung bata pa ako laging panakot sa akin para magsabi ako ng totoo eh, liars go to hell daw! Sino ba gustong mapunta sa hell?! kaloka! Pero kung iaapply mo yun in reality, wala na sigurong matitirang tao dito sa earth, nasa hell na lahat!

Gusto kong ilublob ang sarili ko sa kumukulong tubig kung ito lang ang paraan para maalis ang kasinungalingang nababalot sa katauhan ko...

Hindi pa naman siguro huli ang lahat para baguhin ko ang landas na tinatahak ko, hindi pa naman siguro huli para baguhin ko ang pananaw ko sa buhay, hindi pa naman siguro huli para makinig naman ako sa payo ng mga taong totoong nagmamahal at nagpapahalaga sa akin, at hindi pa naman siguro huli para mahalin at irespeto ko ang sarili ko..

Ayoko na...

Tama sila...

Mali ako...

Pinagsisisihan ko na talaga...

oo, nagsisisi na ako..

 pero mananatili pa din akong magsisinungaling para sa ikabubuti ng iba...

ang gulo...

ewan....

patawad...


Friday, 4 January 2013

Panimula

Posted by iya_khin at 13:19 12 comments

Isang taon na naman ang nakalipas
Tila ba isang magnanakaw na kumaripas
Ni hindi ko man lang namalayan
Mga araw ko ba'y sadyang nasayang?

Balik tanaw sa nagdaan
Nanunumbalik sakit sa dibdib kong tangan
Naglahong mga pangako
Heto ngayon patuloy pa din nag iisa sa isang dako.

Umasa't buong pusong nagmahal
Ilang ulit sumubok kahit nasasaktan
Buong tapat kahit nahihirapan
Ngunit tila pinagkakait di ata ako karapatdapat.

Bagong taon na't bagong pag-asa
Bukas, sa isang araw o sa makalawa
Tila ba nakakatakot na ano ba ang kahihinatnan,
Kahit sarili ko'y kay hirap ko ng pagkatiwalaan.

Nakaraang panahon ano ba ang nagawa?
Para akong kandila patuloy pa din lumuluha
Pinipilit magbigay ng liwanag sa gitna ng dilim
Pikit mata animoy nakakapit sa patalim.

Hangad ko'y pagmamahal at hindi ang kaawaan
Aanhin ko ang mga ito kung wala rin naman saysay
Bukas o sa makalawa makakaya ko pa ba
Hanggang kailan maghihintay, aasa pa ba?

Bagong taon, madadapa, babangon
Tangin dasal ko lamang sanay patuloy akong makaahon
Sa hamon ng buhay sana'y di magapi
At sana'y sa pag gising ngiti sa labi ko'y mamutawi.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review