Monday 18 April 2011

MASID (ikalawang kabanata)

Posted by iya_khin at 02:02

(Babala: ang inyong mababasa ay pawang kathang isip lamang. Lahat ng karakter sa kwentong ito ay hinatak ko lang at dinamay ng wala silang kamalay-malay. Tabi-tabi po sa mga kumakain at mahihinang puso, huwag pong ituloy pag di kaya ng powers nyo.)

Surprise!!! Magiliw na bati ni EMPI kay Lhuloy. Oh you’re here….biglang simangot at parang namutla ng makita nya si Empi sabay lingon kay Kiko. Your dad asked me to drive for you guys para naman daw alam nyang safe kayong makakapagbakasyon dahil kasama nyo ako. Isa si Empi sa mga pinagkakatiwalaan ng daddy ni Lhuloy at isa din sa masugid na manliligaw nya. Pare, nililipad ako may bagyo bang dumating? sabay angas ni Akoni at akbay kay Kiko. Tawanan.

Sya nga pala, ito si Keatondrunk sasama din sya sa atin para kung mayroong aberya sya ang expert dyan. Pagpapakilala ni Empi. O my gosh! Akala ko ba tayo lang ba’t ang daming sabit?!! Pagtataray ni Jhengpot. Hayaan mo na atleast marami tayong body guard sabi ko sa kanya . Oo nga para naman may gagawa para sa atin if ever may kailangan tayo, pagsang-ayon naman ni Kamila. Whatever! Pagsusungit pa din ni Jhengpot.

Nagsimula na silang maglakbay. As usual sobrang ingay sa loob ng van, harutan at tawanan. Magkakatabi kaming girls sa front seat habang ang mga boys ay di magkamayaw sa likuran.  After 3 and ½ hours na byahe kailangan pa naming sumakay ng pamboat papunta sa resort nila Lhuloy. Nahihilo ako, sabi ni Kamila, dahilan sa maalon ng araw na yon at medyo uulan pa yata. Ako din nasusuka! Pag amin ni Musingan. Ano ba yan! ang hihina naman ng resistensya nyo di kayo tumulad sa akin! Pagyayabang ni Leonrap. Huwag ka ngang mayabang dyan, eh kanina ka pa nga pasimpleng sumusuka dyan! Supalpal ni Jhengpot sa kanya. Habang kami naman ay tahimik na nakaupo lang. Ok ka lang? pagtatanong ni Banjo sa akin. Oo naman, ok lang ako. Tugon ko sa kanya habang nakatanaw ako sa karagatan.

Magtatakip-silip na ng makating kami sa pangpang ng isla. Isang lalaki ang sumalubong sa amin. Kamusta Mang LordCM? bati ni Empi. Maayos naman ako iho, masaya ako at nakadalaw ka uli. Sagot ni Lordcm habang nakatingin sa aming lahat. Nagkakilala silang dalawa dahilan sa minsan ng naisama si Empi ng daddy ni Lhuloy ng ipaaayos nila ang resort. Senyorita Lhuloy, buti naman at sa unang pagkakataon ay nakapasyal ka dito, tama lang din ang pagdating ninyo at tapos na ang mga pag-aayos ng mga kwarto. Good! Matipid na tugon ni Lhuloy. Hali na kayo at mag gagabi na mahirap pag-maabutan tayo dito ng dilim. Pagmamadaling paanyaya ni Lordcm.

Sa di kalayuan may isang nilalang na taimtim nakamasid sa kanila. Isang nilalang na nagkukubli sa dilim at tahimik na nakikiramdam sa bawat galaw ng magkakaibigan. Waring kay tagal ng naghihintay, dumadaloy ang pigil na pagkasabik sa kanyang katauhan na sa bawat galaw ng mga bisita’y tumatagos sa kanyang laman……………..


itutuloy


17 comments:

eMPi said...[Reply]

ang yaman pala ni lhuloy... may sariling resort.


sino yong nagmamasid? rapist? kriminal? wolf?

Diamond R said...[Reply]

para ba itong twilight? ibang klase ang kwentong ito punong puno ng kayamanan at kababalaghan coming soon.

TAMBAY said...[Reply]

wow.. naeexcite ako.. ang galing ng twist ha..

isang blogger din ung nilalang na yun.. sino kaya sya hahaha...

at iya.. magkakatuluyan ba tayo dito hahaha... :)

si lhuloy sobrang yaman.. :)

Akoni said...[Reply]

sabi na eh musical story to....pero parang dalawa ata narrator? hehehe...maganda to iya, parang pang TGIS at GIMIK lang..haha..

PS

sa susunod damihan mo ang exposure ko.

Rap said...[Reply]

wow... daming characters... masaya to!

gusto ko ung batuhan namin ni jengpot! ahaha...

Anonymous said...[Reply]

ayon, nakakatakot na kwento pala, kaya masid ang title kasi may nakamasid naaaaaaaaaa momo hehe! kakaiba din ito iya,tuloy mo lang..

ibalik mo ako soooooon sa eksena.. hehe

Bino said...[Reply]

sino kaya ung nakamasi? sana killer hehehe joke!

Yanah said...[Reply]

island adventure..
hehehe

natatawa ako sa "mang lordcm" hahaha sorry..


hmmm salamat nga pala.. alam mo na yun..

Superjaid said...[Reply]

sino kaya ang misteryosong nagmamasid sa kanila?more more sis!=)

jhengpot said...[Reply]

nakakatakot pala ito, ayuko na basahin ang kasunod.haha. Pero feel na feel ko talga ng tlgang totoo ang storya kung sa unang episode e parang tabing ilog barkada, mukang magiging spirit warriors pa ata ang datingan. Nakakatuwa, pasok na pasok sa realidad ang mga eksena sa tropa! epic ka!

iya_khin said...[Reply]

@empi abangan mo lang marami pang mangyayari.

@istambay hmmmm abangan mo din kung sino o ano sya! magkakatuluyan?! hahaha! hmmmmm abangan! hahaha! apir!

@akoni anong ibig mong sabihin na dalawa ang narrator?! tsaka masyado kang demanding ah! hahaha

@leonrap di lang batuhan ang mangyayari dyan! hahah!

@mommy natatakot kana po wala pa naman. dont worry mommy mag aapear ka uli dyan relak lang.

@bino basta secret yun nasa loob pa sya ng utak ko.

@yanah hahaha! wala kasi akong maisip na babagay na karakter eh! heheheh ingat lagi

@superjaid kasali ka din dito!! abangan mo! hahaha! damayan na to!

@jhengpot hahahah! apir!! maraming adventure pa ang mangyayari

Sey said...[Reply]

nabasa kungunang episode. akala ko mauuwi sa love story pero parang horror-adventure pala. ano kaya ang kakahantungan pero napoapaisip ako kung sino ang nakamasid sa kanila.

LordCM said...[Reply]

Mang LordCM?!!! Di na kita bati!!! lolzz at si Empi tinawag kong Iho?! eh mas malake pa sa akin yan saka balbon pa! bwahahaha,

sige na, ok lang, sa resort naman ako nag-i-stay eh :D

Anonymous said...[Reply]

may kontrabida ata sa outing na ito...

i think killer sya..

wag naman sana..:)

David said...[Reply]

Mga blogger din pala characters ng kwento, kala ko kung sino sino lang. Happy Holidays folk!

http://arandomshit.blogspot.com/

iya_khin said...[Reply]

@sey hahahah! maraming nakamasid! lol love story?! tingnan natin....

@lordcm sabi ko na at aapila ka! haahah! wag naman bati tayo! kasi ikaw ang naisip ko na nakatira sa isla kaya ikaw nilagay ko dyan! hehehe

@Jay abangan mo baka kasali ka din dito! hahaha

@Denase hehehe! para maiba naman! Happy holidays din sayo

Kamila said...[Reply]

Ate ang ganda mo magsulat ang tuloy tuloy lang ng wave ng story.. pero kinilibatutan naman ako sa mga huling linya!

At walang magdedelete ng blog!

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review