Saturday, 11 June 2011

360 +++

Posted by iya_khin at 23:39


Biyernes araw ng pahinga sa trabaho ng mga taga-disyerto, araw na laging inaabangan ng halos lahat ng tao mapa-pinoy man o ibang lahi…

Lablayp: labs gising…aalis tayo…
Ako: hmmmm…ano ba antok pa ako…
Lablayp: may pupuntahan tayo samahan mo ako…
Ako: whhhaaaaaattt??!! Naman eh!

So ayun backstroke ang beauty ko..alas syente ng umaga parang papasok lang sa opisina tumayo akong pupungay-pungay.

Jobfair…sa apat na taong inilagi ko dito sa Dubai 1st tym kong makadalo sa ganitong programa para sa mga OFW. Pagdating namin doon saktong 8:30am late ng 30minutes sa pag aakala namin na di pa naman agad magsisimula, so tambay sandali sa labas ng stadium. Syempre majority puro kabayan ang nandun kaya chika-chika muna sandali..ako na ang Ms. Congeniality!  Mga ilang minuto pa ay niyaya na ako ni Lablayp pumasok sa loob. Sa may lobby sobrang tahimik aakalain mong wala pang tao, pero nung makarating na kami mismo sa loob ng basketball court…HOMAAAYYGAAAADD!!! Ito ang aming dinatnan.....




Nung una aakalain mong nasa tyangge ka or yung mga sale pag may fiesta dahil sa dami ng stands. Nagmasid-masid ako sa paligid……nagsimulang madurog ang puso ko……

Pinoy…lahat gagawin para sa kinabukasan ng pamilya..lahat nangangarap..lahat nagbabakasakali…lahat nag-aabang..lahat umaasang ito ang paraan para makaahon sa kahirapan at makamit ang kaginhawaang inaasam-asam…sa totoo lang nakakaawa….

Habang nakaupo kami doon at nag-aabang na matawag ang kanya-kanyang numero napansin kong lahat nakangiti, pero kahit anong tago nila sa tunay na nararamdaman bakas parin ang kalungkutan at umaasa na baka sakaling dito nila makuha ang trabahong hinahangad. Naiiyak ako…kung bakit naging ganito ang kapalaran ng mga kabayan ko..nandyan ang mga naka visit visa, terminated sa trabaho, takas sa malulupit na amo at kung ano-ano pang dahilan kung bakit sila nandidito ngayon.

Bakit pa kailangan lisanin ang bayang sinilangan, sino ba talaga ang nagkulang? Bakit kailangan pang magsakripisyo na malayo sa mga mahal mo kung ang kapalit naman nito ay walang kasiguruhan…bakit kailangan pang humantong sa pag-iibang ibayo? Sabihin na nating oo nandito nga ang mag-aahon sayo…pero hindi ba’t ang dami din nawasak na mga pamilya dahil dito? Ano ba talaga ang mas mahalaga?

Ang daming tumatakbong katanungan sa isip ko, kung bakit kailangang pang humantong sa ganito ang kalagayan ng mga kababayan ko…at isa na ako dun…nakakapanlumo..isama mo na ang mga walang awang kurakot sa ating gobyerno..ginagatasan ang mga kababayang masahol pa sa kalabaw kung magtrabaho..at eto pa ang masaklap..wala pa ngang trabaho peperahan na agad bago ka muna makalabas ng Pinas! Saan ka pa?! Sarili mong bayan winawalang hiya kana, kaya siguro mas ninanais pa ng mga kabayan na balahurain sila ng ibang lahi kesa sa atin na wala kang mapapala..tsk..tsk..tsk…

360…numero ni Lablayp..nag-aantay..nagbabakasakali…paano pa kaya ang sunod sa kanya +++?….reyalidad..lahat nag-aabang..umaasa na isang araw maabot din nila ang kinang at talim ng tala…

sila kuya posing ng pag-asa

13 comments:

pmm012 said...[Reply]

sana palarin ang lablayp mo sa kanyang paghahanap... mabuhay kayo!

kae said...[Reply]

hays.. 4years ka na pala dyan. nakakadepress pag ang layo mo sa family mo. ako nga kakagraduate ko ng nursing at kakapasa ng licensure last year. magvovolunteer muna ako ng isang taon o higit pa dun para makapagabroad as a nurse. magaabroad talaga ako kci walang kapag-a-pag-asa ang isang registered nurse sa pinas. im actually thinking na wag na lang magvolunteer at dumiretso na lang sa middle east. hays. kaso, ayun nga, kakatakot mawalay sa loved ones. you're so strong naman, 4 years ka na dyan huhu.

nurse ka ba dyan? you know what andaming mas magandang opportunities for you and your family. learn about how to migrate in Canada. madadala mo buong family mo, hindi mo kalaban ang homesickness. i will be so willing to assist you, kci i happen to be working sa canadian immigration consultancy. (; hehe. nagmarket ba naman. pero im serious, canada na ngayon ang patok for immigration. if you're interested, just tell me. hehe

nyways, good luck sa boyfie mo.. tiis lang. lahat naman tayo na hindi pinanganak with a silver spoon, nagdadan talaga sa ganyan. (;

Anonymous said...[Reply]

parang tsangge-an lang talaga sa dami ng tao.. sana palarin si lablayb.. GOOD LUCK LABLAYP!!

Diamond R said...[Reply]

Ganyan ka dami ang nakikipag sapalaran na makakuha ng trabaho dito. Nakakapanlumo naman ito Kung titingnan mo sila hindi alam ng lahat kung makailang beses na ang mga yan nag exit sa kish at nakipagpatentero kay kahirapan.

na appreciate ko ang post na ito. ang tunay na mukha ng mga kababayan sa UAE.sana naman 1- 360 nabigyan ng siguradong pagasa at humigit pa.

Anonymous said...[Reply]

Wow! Andaming tao. Usually, kapag job fairs talaga, andaming pumupunta.. Which only means that many of our fellow kababayans (may it be here sa Pinas or outside the country) are unemployed. Tsk.

I've never been to a job fair.. ever. Namiss ko yata ang excitement. hehehe...

Good luck to your lablayp.

Unknown said...[Reply]

sana matanggap si lablayp. Ganyan din naman ang itsura ng job fair dito sa pinas. hindi ko pa narasan mag join sa mga ganyan pero nakakita na ako sa mall dati.

ang ganda ng mensahe ng post na ito iya. Ako talaga sobrang humahanga sa mga OFW. Hindi ko kasi talaga kayang iwan ang pamilya ko (SA NGAYON) para mag trabaho sa ibang bansa. Sana nga dumating ang panahon na hindi na natin kailanganin pang lisanin ang ating bayan at pamilya para maging maginhawa.

eMPi said...[Reply]

may job fair din pala dyan.. kala ko sa pinas lang meron nyan. hehehe

MG said...[Reply]

nakaklungkot isipin na tayong mga pilipino ay sa ibang bansa nagbabakasakali at nakikipagsapalaran para lamang kumita ng pera. hehehe. sana nga yung lablayp mo makuha^_^ Godbless

musingan said...[Reply]

hilang beses din akong nakipag sapalaran sa Jobfair nayan.. at ilang beses din akong natangap.. minsan.. kapag maynakikita akong jobfain.. kahit di ko kailangan ng trabahi.. eh nagaapply ako. kai minsan... may libreng jolibee sa mga magaapply.. nyehehehehe...

Bino said...[Reply]

ang daming nagapply! ang daming pinoy! wish ko na maging maginhawa mga buhay nila

emmanuelmateo said...[Reply]

vah ang daming tao..nakikipagsapalaran sila.

bulakbolero.sg said...[Reply]

minsan lumilisan tayo sa ating bayan para mapaganda ang buhay ng ating minamahal sa lupang sinilangan. para din naman sa bayan natin yung ginagawa natin.

alam ko, adhika ng bawat OFW na sa bandang huli, umangat ang buhay natin at ng ating pamilya kaya tayo nagsasakripisyo ng ganito.

SunnyToast said...[Reply]

Such a real touching story. ganito na tlga cgro tyong mga pinoy...sa sobrang mahal natin sa pamilya at sa mataas na pangarap gagawin ang lahat! kaya kudos sa inyo lahat (OFW)!

..ang sarap tingnan ng mga pictures...filipino sa filipino nagtutulungan:)

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review