Sunday, 22 April 2012

mga langaw sa utak

Posted by iya_khin at 22:53

From 71 to 67... 3 weeks… endurance… perseverance… 1 mind… 1 body… 1 soul… yeeeaahbaaah!!
Nak ng tinapa! Kahirap magpapayat ah!!

As usual wala na naman me ginagawa now, lunes na lunes eh inaantok na naman ako, wala ng bago about dun! Ako na ang antukin dito sa opisina pero pagdating naman sa bahay di me makatulog! Haiist saklap lang.

Inaanay at inaamag na ang mga libro ko at nagkaka-trojan na din ang mga ebooks ko pero until now di ko pa din magawang basahin! Ewan ko ba pero pagpasok ng taon na ‘to ang daming katamaran sa katawan ko.

Gusto kong idelete ang facebook ko pati na din ang fanpage ko na walang kabuhay-buhay..napabayaan ko na din. Ang daming nakahelerang friends request pero di ko naman sila kilala! Bakit ganun, nagfre-friends request sila pero di mo naman sila friend?! Sandyang friendly lang talaga siguro ang mga pinoy.

May nanghingi ng number ko, kakakilala palang namin eh pinuwersa nya me ibigay ang numero ko kaya ako naman si tanga ibinigay ko! pero mas tanga sya kasi naka-isang libong tawag na sya eh di ko  naman sinasagot ang phone ko! neknek mo! :p di ko kasi alam ang numero ng funerarya dito eh, yun sana ang naibigay ko.

May crush ako sa gym mala-papa Piolo ang dating! failed lang kasi bading pala ang loka! Muntik ko ng pag-pantasyahan…actually pinagpantasyahan ko na, ang weirdo ko lang! thanks to him I lose 300 calories within 15mins

Feeling ko ang sexy ko na!! PAAAK!

Cucumber diet ako starting this week, para maka-wear me ng two-piece sa biyernes! O ha!! kamusta naman ang mga bilbils at kapal ng mukha?!!

Gusto kong magpa-body massage, yung hard!! Gusto ko din magpa-scrub ng likod, tsk naman kasi ang hirap ng wala ang lablayp! Makahanap nga muna ng substitute!! Lels

Nang-gigigil na naman ako! Sarap manaksak ng tao!

Wala na akong maisip…

Inaantok me ng bonggang-bongga…





13 comments:

Axl Powerhouse Production Inc. said...[Reply]

anung meron bakit ganera ang post mo... parang bored na bored ka na dyan ha...

iya_khin said...[Reply]

@Axl Powerhouse Production Inc. antok na antok lang! hehehe

McRICH said...[Reply]

haha talagang kakaririn nya ang swimming sa byernes, anhirap tawagan ni mokong, kilala mo ba si ayie na blogger din from abu dhabi? alam mo ba mobile nya? gusto nya rin maki-eb isip ko sama natin sa byernes (kahit di ko sure kung makakapunta kami haha)!

iya_khin said...[Reply]

hindi eh! :( ooooiii bawal ang indian!!

McRICH said...[Reply]

@iya_khin

depende kasi kay buntis teh, kaya ayoko mangako ha :)

Leah. said...[Reply]

Fail ang pantasya? hehehe.. oh deym! lol

Cucumber diet. Effective ba yun? Cucumber lang tlga kakainin mo nun diba? Naku, parang hindi ko kaya. Good luck iya! :D

iya_khin said...[Reply]

@Leah. oo yun lang food ko...aside sa pakonti-konting almonds nuts pangtanggal umay!hehe

fail na fail talaga!

ISTAMBAY said...[Reply]

ganyan ka pala antukin iyah.. nananapak hehehe

ikaw na ng may caller na makulit, kaya sa uulit eh wag agad mga bigay ng number mo :)

magandang araw sayo iyah :)

teka nalumtan ko, ano nga palang number mo? :) hahaha

Bino said...[Reply]

baka si Gardo ung gym instructor mo hehehe

Diamond R said...[Reply]

kailangan talagang mag papayat for the big event.

khantotantra said...[Reply]

love the gif!!!! Bloody!!!!! Grrrr!!! Sarap gayahin yung action sa pic!

Superjaid said...[Reply]

ramdam kita pagpasok ng taong to tamad na tamad din ako. wala akong ginagawang productive kaya ang dami kong napabaya tssss anyway..gusto ko ding magpapayat kaso tinatamad akong magexercise

Kol Me Empi said...[Reply]

nagpapaseksi si iya oh... ngayon lang nakadaan ulit sa page mo. hehehe

good day! :D

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review