Paano kung sa pagmulat ng
iyong mga mata’y di mo alintana
Pahakbang papalayo na ang iyong sinisinta
Sigla ng iyong dating nadarama sa tuwing umaga
Ngunit ngayo’y sadyang unti-unti’y nalilimutan mo na.
Malalamyos mong tinig na dati sa akin ay kay lambing
Mga haplos mong sadyang kay init wari ako’y
napapahalinghing
Mga mata mong laging nangungusap sa akin
Ngunit ngayo’y sa iba na nabaling ang iyong tingin.
Sa bawat araw mutawi mo’y ako’y iyong mahal
Ngunit parang isang latang mistulang umaalingawngaw
Sinasambit mo nga pero di na dama ang nilalaman
Yan ba ang katumbas ng aking iniukol na pagmamahal at
pagpapagal?
Kinakamusta mo nga pero tunay ba ang iyong pag-aalala?
Dama mo pa ba ang aking pangungulila?
Naiisip mo pa ba na ako’y nag-iisa?
O sadyang nalimot mo na habang ika’y nagpapakaabala?
Kasalanan ba kapag ang puso’y napagod na sa pagtibok?
Kasalanan ba kung mahumaling sa iba dahilan sa iyong
pagpapabaya?
Kasalanan bang magmahal ng iba dahil sa iyong walang
pagpapahalaga?
Kasalanan ba na isang umaga ako di’y nakalimot na?
Oo, natuto ng lumimot ng dahil sa kanya......
papable! |
9 comments:
kapogi naman nyan bff hehehe
aww...feel na feel ko ang tula.
kailanman ay hindi nangyaring kasalanan ang magmahal, kalayaan ng damdamin ang magmahal, maaring sa maling panahon, maling lugar o maling nilalang man. Hindi pa din yan kasalanan.
at mahusay ha..
tahan na. :)
hahahaha ui bagay!!
hahaha. photogenic. ^_^ i like the poem iyah. four thumbs up
wag mong ipost ang picture ko in public .lol
:)
Ganyan na itsura nya te? Last kong check 4 pa yun ah. 2 sa magkabilaan, tsk tsk tsk.. pag ibig nga naman nakakabungal hawhawhaw!
ate i like this. pwede lagyan ko ng chords? mae song na xa :D
si mahero to :)) Anonymous. >.<
Post a Comment