Tuesday 17 April 2012

walang title

Posted by iya_khin at 05:54

Paano kung sa pagmulat ng  iyong mga mata’y di mo alintana
Pahakbang papalayo na ang iyong sinisinta
Sigla ng iyong dating nadarama sa tuwing umaga
Ngunit ngayo’y sadyang unti-unti’y nalilimutan mo na.

Malalamyos mong tinig na dati sa akin ay kay lambing
Mga haplos mong sadyang kay init wari ako’y napapahalinghing
Mga mata mong laging nangungusap sa akin
Ngunit ngayo’y sa iba na nabaling ang iyong tingin.

Sa bawat araw mutawi mo’y ako’y iyong mahal
Ngunit parang isang latang mistulang umaalingawngaw
Sinasambit mo nga pero di na dama ang nilalaman
Yan ba ang katumbas ng aking iniukol na pagmamahal at pagpapagal?

Kinakamusta mo nga pero tunay ba ang iyong pag-aalala?
Dama mo pa ba ang aking pangungulila?
Naiisip mo pa ba na ako’y nag-iisa?
O sadyang nalimot mo na habang ika’y nagpapakaabala?

Kasalanan ba kapag ang puso’y napagod na sa pagtibok?
Kasalanan ba kung mahumaling sa iba dahilan sa iyong pagpapabaya?
Kasalanan bang magmahal ng iba dahil sa iyong walang pagpapahalaga?
Kasalanan ba na isang umaga ako di’y nakalimot na?

Oo, natuto ng lumimot ng dahil sa kanya......



papable!



9 comments:

Unknown said...[Reply]

kapogi naman nyan bff hehehe

eMPi said...[Reply]

aww...feel na feel ko ang tula.

TAMBAY said...[Reply]

kailanman ay hindi nangyaring kasalanan ang magmahal, kalayaan ng damdamin ang magmahal, maaring sa maling panahon, maling lugar o maling nilalang man. Hindi pa din yan kasalanan.

at mahusay ha..

tahan na. :)

McRICH said...[Reply]

hahahaha ui bagay!!

Orange Pulps ♥ said...[Reply]

hahaha. photogenic. ^_^ i like the poem iyah. four thumbs up

bagotilyo said...[Reply]

wag mong ipost ang picture ko in public .lol

:)

Gracie said...[Reply]

Ganyan na itsura nya te? Last kong check 4 pa yun ah. 2 sa magkabilaan, tsk tsk tsk.. pag ibig nga naman nakakabungal hawhawhaw!

Anonymous said...[Reply]

ate i like this. pwede lagyan ko ng chords? mae song na xa :D

mahero said...[Reply]

si mahero to :)) Anonymous. >.<

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review