Wednesday, 28 October 2009

BITTER VIRGIN

Posted by iya_khin at 02:57 16 comments


Manga..Manga..Manga...


Hindi po yung Mangga na kinakain ha! Manga Anime po! I wasn't able to blog kasi medyo na busy ang beauty ko kakabasa ng Manga in titled Bitter Virgin..Opo! nagbabasa po ako ng comics at pumapatol pa po ako sa mga cartoons and Anime! Di po ibig sabihin na isip bata ako..slightly lang...ehehe! actually yung isang youth namin (A.K.A anak po ng pastor namin.. Hiyah LA!) gave me a copy of this comics..syempre binasa ko.....

Na amazed kasi ako sa story nya,umikot yung kwento about dun sa girl(AIKAWASAN) na she was been raped by his step dad! tapos nalaman nung classmate nya na guy(SUWAKUN) kasi she went to the confession room not knowing sya yung nasa loob instead of the priest....anyways gusto ko lang ishare sa inyo kasi inspite of her tragedy, naaccept pa rin sya nung guy and even fell inlove with her...


Sa panahon kasi ngayon, di ako sure kung if ever ba marape ang isang girl (wag naman po..so..so..bad) o di kaya she went through some sort of tragedy, may guy pa kaya na tulad ni SUWAKUN na inspite of her disasters mamahalin pa ba kaya sya truthfully? hmmm....




nagtatanong lang....

Saturday, 24 October 2009

LIPAT-BAHAY

Posted by iya_khin at 12:32 8 comments

Hello fellow readers! sorry if i wasn't able to write for these past few days, i was so busy moving on...as in moving on and moving out...

tama po, moving out...sa dati naming tinitirhan! kasi po naglipat kami ng bahay,well alam nyo naman sa dubai walang permanente pwera lang kung may company accommodation ka, pero kung wala asahan mong maglilipat at maglilipat ka ng tirahan. Since dumating ako dito pang-5 ko na itong lumipat haay naku nakakapagod talaga, pero ang galing nga din eh kasi nagiging expert ka pagdating sa hakutan...eniweys bakit ba palipat-lipat si kabayan?

Ito ang mga reason kung bakit palipat-lipat ang kabayan mo sa iba't ibang titirhan:

1. Di na magrerenew ng kontrata ang landlord nyo. (babye na..)

2. Tumaas ang renta at can't afford kana. (nanaman?!)

3.Nag-away kayo ng landlord dahil sa sobrang garapal kung maninggil. (si manang talaga!)
4.Nag-away kayo ng room mate mo. (wala pong tao)
5.Nag-away kayo ng ka bedmate mo. (asawa ko katabi ko..)

6.Nag-away kayo ng kapartition nyo. (gud gurl aketch!)

7.Sobrang lakas maghilik ng kasama nyo sa kawarto. (hindi ako yun ha!)

8.Puro tomador ang kasama mo. (hik.hik!)

9.Mabaho. (amoy patan at anap)

10.Madumi. (hmmm...)

11.Sira lagi ang AC. (ikaw ba naman mawalan ng AC sa disyerto!)

12.Para kang nasa palengke (wala po tayo sa callcenter!)

last but not da least...
13.Marami kang pets na SUROT sa kwarto! eewwww...

Ganito talaga madalas ang dinaranas ng kabayan mo, sa maniwala kayo't hindi..well tanong nyo nalang sa kanila!

Sunday, 18 October 2009

SULAT TOTOO....

Posted by iya_khin at 02:22 19 comments

DUBAI… gusto kong pumunta! Ito ang sambit ko nung ako’y nasa aming bayan pa. Ito ang hangad sa karamihan nating mga kababayan, masilayan ang rangya at kaakit-akit na buhay dito na tinatawag nilang “ the city of dreams”.
Takbo dito takbo doon, halos magkandarapa ako sa paghahanap ng pera pangprocess ng mga papeles ko, makipagsiksikan at pumila ng pagkahaba-haba makiisa sa mga taong nagnanais makatakas sa hirap ng buhay at makalaya sa inaakalang tagumpay.Sa paliparan halos mapunit ang bibig ko sa laki ng aking ngiti, halos maglupasay ako sa tuwa pagkat sa wakas ako’y lalaya na! Ramdam ko ang lungkot ng aking mga iiwan, lungkot dahil sa mahabang panahon na di ko sila makakasama, ang aking supling na walang kamuwang-muwang ay iiwan kong lumuluha at nag-iisa, ngunit linunok ko lahat ang aking pangamba dahil sa isip ko’y ito’y para rin sa kanya.
DUBAI…wow!! Humahagik-hik akong mag-isa na parang sira ng makatungtong ako sa magarang paliparan nila, bungad palang ay batid mo na ang magarbong klase ng buhay na meron sila. Napakaganda ng paligid ni wala kang makikitang dungis, mga iba’t-ibang lahi ang aking kasabay nakikipagsabayan ako sa kanila habang masayang kumakaway.Paglabas ko ay biglang bumilis ang lahat, mga pangyayaring di ko sukat inakalang ito ang sasambulat sa aking harapan ng makita ko ang reyalidad ng bansang aking pinuntahan. Ito ang titirhan ko?? Bulalas ko sa aking sarili, masikip, makipot na kwarto na di ko alam kung aatakihin ako. Ni sa panaginip di ko inakalang ganito ang buhay ng mga kabayan ko, dahil sa tuwing sila’y makakausap di mo sasabihin ganito ang kalagayan nila, may ngiti ni walang bahid ng lungkot ngunit sa gilid ng kanilang mata alam kong puno ng tiis at hirap.
Sa unang linggo ng pagdating ko’y napasabak agad ako sa trabaho, masasabi kong maswerte pa rin ako, di tulad ng iba ilang buwan at araw ang ginugol para makakuha ng isa. Sa mga nakalipas na araw ininda ko ang reyalidad isip ko’y di magtatagal at lilipas din ito, ngunit nagkamali ako habang tumatagal simisikip ang mundo ko.Di tulad sa atin may nanay at tatay na mag-aasikaso sayo, mas maswerte ka rin kung may katulong na magsisilbi sayo, ngunit dito sarili mo’y karga mo. Gigising ng napakaaga maliligo sa napakainit o napakalamig na tubig dahil nagmamadali ka, ni hindi pa nag aalmusal ay aalis kana. Kumakalam ang tiyan mo habang nagtratrabaho ka, iniinuman nalang ng kape para kumalma ang sikmura, mas mainam talaga kung may kaibigan ka dahil meron naman may tiyagang magdala ng pagkain at walang humpay ang pasasalamat ko sa kanila.Lumipas ang mga araw salamat pa rin dahil buhay pa ako, ni hindi alam ng mga magulang ko na halos mabaliw na ako…lalo na ng dumating ang hagupit ng krisis na patuloy na hinaharap natin ngayon, hay naku po paano na ako?
Di ko sinisisi ang nangyari sa akin sa simuman dahil niyakap ko itong buhay na sa akala ko’y mag-aahon sa akin at marangyang hihimlay, ngunit kung maiisip kong napakaraming bayarin sa credit card at loan haay.. parang gusto ko ng mahimatay. Tatlong buwan walang sahod, kinakapalan ang mukha kahit tuhod ay nangangatog malagyan lang ng kaunting laman ang tiyan na kumakalog di mo mahahalata dahil nagpapanggap na busog.Pilit na ngumingiti kahit sa loob-loob ko’y nagngingitngit, walang magawa kundi ang tumahimik. Paligid ko’y unti-unting lumilipas mga kasama’t karamay ko’y unti-unting nalalagas, sabi pa ng iba’y tayo na’t tumakas, pero may takot itong si kabatak sa Itaas kaya’t heto ako’t lalaban hanggang manigas.
DUBAI.. di ko gustong dito mamatay, nasaan na ang rangyang pinangako? Ako sayo’y sumasamo, sa matataas mong gusali sa kinang ng iyong ginto sa lawak ng iyong paligid at sa rangya ng iyong palasyo ngunit bakit iniwan mo akong nagdudusang mag-isa sa disyerto.
Patawad mga magulang ko kung sa inyo’y di nakinig, ako’y nalunod dahil akala ko’y ako ay ihahatid, ng pangakong hatid ng lupang ito yun pala ay pighati’t pasakit.
DUBAI ikaw ba ang syang may sala ng buhay kong ito ngayo’y nakalugmok sa kawalan?Tanong ko lang ay bakit mo kami pilit na iniipit, tatlong letra lamang ang aming hiling bakit ito’y iyong pinagkakait?
Sa mga taong nakakabasa nito huwag po kayong malungkot, nais ko lang ay inyong marinig ang munti kong tinig, hiling lang ay panalangin na kami’y makaraos din dahil mga kasama’t kabayan mong iba’y ganito din.
PS: re-post ko po ito, i wrote this last June...

Saturday, 17 October 2009

Gone too soon....

Posted by iya_khin at 23:20 2 comments

As time passes by, one by one I saw all of you cried.
It is so hard for me knowing that you’re all waiting to say goodbye.
Can’t help myself not cry, can’t do anything but to embrace you all for the last time.
Now left alone my peers are all gone, I might be the next or I might hang on….
My dear friends, nowhere….gone too soon….




PS: Dedicated to my friends who was terminated while working...
while the others are doing nothing.....ASSHOLES!!

Tuesday, 13 October 2009

My baby's sick....

Posted by iya_khin at 01:01 14 comments

2 days….for to 2 days absent ako sa work…haay…so so sad kasi my only son got sick…so being a mom syempre todo bantay ako…di ko alam ba’t bigla syang nagkasakit knowing he is so healthy naman, di ko nman sya pinapabayaan..(except sa kusina).

Seriously I was so scared kasi taas-baba ang fever nya, tapos kung anu-ano na ang pinagsasasabi nya, my gosh naghahallucinate ang baby ko! As a mom, you don’t want to see your child suffering syempre todo alaga ka talaga,even prayed to Papa Jesus na pagalingin na sya agad…huhuhu please..please po…huhuhu (tears in my eyes are really dropping..)

Hirap kasi magkasakit lalo na kayo-kayo lang nandito sa ibang bansa, salitan kami ng habibi kong magbantay, lahat talaga gagawin namin para gumaling lang sya. Even prepare food na gusto nya, let him take his medicine on time kahit madaling araw…

Kaya heto medyo puyat-puyat pa ako and back to work na, medyo ok na sya ngayon but still praying na continous na gumaling na talaga sya kasi absent din sya sa school.

Hay naku, iba talaga pag may sakit feeling ko tuloy magkakasakit din ako…naku huwag naman sana! (ubo..ubo..ubo..)

Saturday, 10 October 2009

MIRROR

Posted by iya_khin at 00:57 14 comments


I stand against the wall
It’s only one color I see
So plain and empty
One color, what does it mean to me?

I stand against the tree
It’s only a huge wood infront of me
So strong yet breakable
Breakable, what does it mean to me?

I stand against the building
It’s so high it almost reach the sky
So high yet reachable
Reachable, what does it mean to me?

I stand against the mirror
What do I see?
I see my own reflection
One color, breakable, reachable
What does it mean to you?

Thursday, 8 October 2009

Lullaby...

Posted by iya_khin at 01:50 4 comments

Be still little one
I’ll be here beside you all the time
Don’t cry my beloved
Everything will be just fine.

Tears in your eyes are droppin’
My heart’s aching, eyes are burnin’
Holding my pain so you’ll not see
I’ll be strong for you, keeping my faith for you.

I’ll sing you sweet lullaby
Be watching over you as you sleep
Gonna hide you in my arms
Nothing to worry, just close your eyes.

And as you grow I’ll be here to guide you
Always be here as long as you needed too
I’ll caress you the way you want
Even whisper that I love you, and that will always be true.

Tuesday, 6 October 2009

EMO GUDBAY! 2

Posted by iya_khin at 03:23 8 comments

Naalala nyo pa ba yung blog ko na GUDBAY?

Akala nyo siguro nagbibiro ako ano?!



Kinakarir ko na talaga kaya't heto't 4 days na akong di nag ra-rice...huhuhu...hirap...



Sakit na ng ulo ko kakaisip sa mga paborit fud koh! miss ko na sila....naaalala kaya nila ako?





Ngayong araw Skyflakes lang ang kinain ko (ginekwat ko lang dun sa drawer ng opismayt ko!)










tapos malupit na H2O........

Miss ko na talaga ang masasarap na food, naapektuhan na pati utak ko kaya eto't nagiging emo na ako...waaaahh......













Pero kailangan.....kaya tinapon ko na sila sa utak ko.......
kaya heto ako't nagwawalis ng kalat ng yosi, nagliliwaliw ng di ko sila maalala.....

Monday, 5 October 2009

BINTANA

Posted by iya_khin at 06:45 2 comments

Sa may bintana nakita kang nakadungaw
Bakas sa iyong mukha labis na pag-aalala
Kabigatan ngayo’y iyong dinadala
Pagkahabag sa puso ko’y nadama.

Sa gitna ng gabi’y nanatiling nakamasid
Lungkot sayong mga mata aking naaaninag
Mga titig mong sa akin ay nangungusap
Di mo man sambitin pangamba mo’y nadarama ko din.

Pasakit nyang dulot ay lilipas din
Isang magandang bukas ating makakamit
Basta’t pangako nating walang iwanan
Hanggang ang laya ay ating makamtan.

Huwag ng mag-alala aking mahal
Ano man ang mangyari’y di ka iiwan
Hawak kamay tayong lalaban
Sa mundong mapang-api tayong dalawa’y magdadamayan.


Sunday, 4 October 2009

Naisip mo ba?

Posted by iya_khin at 06:11 3 comments

Naisip nyo na ba ito…..??

Bakit ang mga OFW o ang mga katulad nating mang-gagawa sa iba’t ibang panig ng bansa eh mahilig mag-BLOG?

Bakit?

Sa panahong nasa bayang sinilangan pa ako, madalas na lagi akong nasa labas ng bahay namin…syempre nagtratrabaho din. Pag-uwi sa bahay, ang gagawin ay makipagharutan sa bebe ko o di kaya mang-asar sa mga nakababatang kapatid o madalas magdamagang telebabad, nakikipag-daldalan sa jowa mong alam mo namang binobola ka lang at eto ka naman nagpapabola din..

Kung wala ka naman sa bahay dahil wala kayong internet koneksyon, dadayo ka sa Kape de Brodband para magchat, magfwendster (di pa uso FB nun!) o mag-hapong nag-DODOTA online, kaya at the end of da day di mo namamalayang ubos na ang allowance mo….(lagot ka sa nanay at tatay mo!)

At ng pinalad kang-mangibang bansa, naiba ang pananaw mo…..

Sa unang araw mo palang homesick kana, maswerte ka pag may kakilala ka sa dinayuhan mong bansa, pero syempre iba pa rin ang kapiling mo ang nakasanayan mo ng kasama….(hu..hu..hu.) uwi kana??

Pero sa kadahilanang gusto mong guminhawa ng konti at maihon ang pamilya, natuto tayong mag-tiis kahit iba ang gawi ng pagtratrabaho sa ibang bansa kesa sa nakasanayang gawain natin.

Dito matututo kang makisama, kahit ayaw mo pero kailangan, matututo kang gumising ng napaka-aga para mag-handa sa sarili mo,matututo kang alagaan ang sarili mo dahil talo ka pag-nagkasakit ka, matututo kang lumaban kung kailangan pero mas matututo kang magpakumbaba at higit sa lahat mas kumapit sa pananampalataya.

EMOSYONAL
Ang katulad namin ay natututo ng magpahalaga sa mga nararamdaman ng iba (ika nga..FEELINGS..with malupit na letter S) sa mga damdamin namin na di pala kami manhid sa mga nangyayari sa paligid natin.

SOSYAL
Ito po ay hindi sosyal na sossy…sosyal dahil natuto ka ng makipagsabayan sa iba’t ibang lahi na nakakasalamuha mo.

PISIKAL
Kung dati di ka marunong magluto dahil may taga pagluto ka sa bahay nyo o di kaya di ka marunong maglaba ni gumamit lang ng washing machine dahil inaasa mo sa iba, pwes dito ikaw lahat gagawa….wala si Inday na pwede mong utusan!

SPIRITWAL
Dati rati’y si nanay at si tatay ang tinatawag mo, isang daing mo lang eh nandyan sila para sa mga gusto mo, madalas nakakaligtaan mo pang mag-pasalamat sa kanila dahil sanay kana na nariyan lang sila para sumaklolo sayo. Pero dito wala kang takbuhang tapat kundi SYA lang..(tenk yu po Lord sa biyaya) lalo na sa iyong pag-iisa…mas lalo na dun sa mga tinamaan ng crisis, tatawag at tatawag ka sa kanya lalo na kung di kayo napapasweldo ng kompanya nyo o di kaya’y tinanggal ka sa trabaho at nag-hahanap ng malilipatan na sa panahon ngayon sobrang hirap makakuha ng trabaho.

To sum it all up…di mo namamalayan natututo ka ng magsulat at nagiging makata kana! Naks! Talentado ka pala!

Kaya eto marunong ka ng mag-blog, makipagsabayan sa iba’t-ibang klase ng buhay at takbo ng panahon. Pansin nyo kahit mumunting bagay na sa tingin ng iba eh walang kwenta eh nagagawan nyo na ng kwento?!

Yan ang tunay na tatak ng OFW! Masarap kasama sa kwentuhan, iyakan, kalokohan, kakulitan etsetera..etsetera…buhay nila ay totoo tulad ng sa pelikula..may drama, aksyon,komedi at suspense minsan may horror din depende kung anong kinatatakutan nila.

OFW lahat bida, walang ekstra! Panalo sa Blog! Lahat original dahil buhay nila ang nakatalata!

HUh...OOhh...

Posted by iya_khin at 01:04 6 comments
Nang-aasar ka ba?
Ba’t ayaw mo akong tigilan? Maya’t maya ginugulo mo ako, di tuloy ako makapag-concentrate sa trabaho ko.

Tumigil kana please! Sakit na ng ulo ko dahil sayo, napapansin na ako ng boss ko!
Gusto mo ba talaga akong ipahiya? Baka ipatawag na ako ng boss ko sa kakulitan mo,tumigil kana ok!?

Ano ka ba? Ba’t ayaw mo bang huminto? Ano bang gusto mong mangyari? Di ka ba naawa sa akin? Nahihirapan na ako sa ganitong sitwasyon, ayoko na please………

Wala naman akong ginawang masama para ganituhin mo ako,nag iingat naman ako sa bawat kilos ko, pero bakit ka pa rin dumating at pinapahirapan mo ako ng husto…

Tingnan mo ngayon, nanghihina ako ni hindi ko matapos ang trabaho ko dahil lagi kang sumusulpot,di ko alam bakit super kulit mo….tama na…tama na..please…please….

Ayokong umabset dahil lang sayo, sayang ang dirhamong suswelduhin ko,di mo ba nakikitang di ako umaabset para lang makapagpadala sa magulang ko tapos ngayon ikaw akala mo kung sino kang umasta sa buhay ko!!!

Nabwibwisit na talaga ako sayo, di mo ako lubayan…pinagtitinginan na ako ng mga kasama ko,ayokong mahalata nila na nandito ka…nakakahiya………

Sige humanda ka ngayon, ayaw mong tumigil ha…

Ilalabas na kita…iwawaksi na kita sa buong pagkatao ko at sa aking buong sistema..
Ikinakahiya kita, ikinasusuka, nandidiri ako sayo….

Sige wala na akong pakialam, malaman man ng boss ko o mga kasama ko ngayon wala na akong pakialam! Ang mahalaga lumabas kana, di na kita patatagalin, di ko na titiising pahirapan ang sarili ko dahil sayo…….

Ayoko na!!

Ayoko na!!

Lalabas kana sa ayaw mo’t sa hindi! Di na pwede ang ganito! Wala kang karapatan sirain ang kalagayan ko!!!

Kaya heto ang ganti ko sayo………….

Isisinga na kita!!!!!!!!!!!

Saturday, 3 October 2009

GUDBAY!

Posted by iya_khin at 04:13 6 comments


Hay naku nakakabagot, dito nga ako sa opisina pero eto’t walang magawa at inaantok-antok pa ako. Pretending na napakabusy pero sa totoo umaga’t hapon ay nakatutok lang sa PC ko at kung anu-ano lang ang pinag-gagagawa,email dito,basa naman ng ebooks,basa ng mga ka-EMOhang blogs na pati tuloy ako nahawa samahan mo pa ng pakape-kape at konting pademure.

Ganito ang buhay office pag wala ang boss less pressure…ok nga kaso di ka naman pwede umalis sa pwesto mo dahil baka pagkamalan kang fashion model ng mga taga ibang departamento at baka matyempuhan ka ng mga taong nag-aamu-amuhan! Lagot! Ito ang mga taong mas nakakatakot pa sa amo mo..

Kaya heto, sakit na ng pwet ko sa maghapong nakaupo, lumalaki na rin tuloy ang tiyan ko dahil kulang na ng exercise,miss ko na tuloy ang sexy kong BODY noon….

Kaya speaking of sexy body and to maintain a good body figure, nagstart na akong mag-gym uli kagabi.. haay sana magtuloy-tuloy na ito ng di na ako mag-mukhang butete…(di naman masyado panglalait sa sarili ko ano!) I miss na kasi to wear my skinny jeans..teka meron ba ako nun?! (kamot..kamot)

Paano ba naman, before I went here in Dubai everyday nag-jojogging ako, I was preparing myself to surprise my habibi,syempre matagal kaming di nagkasama..mga 10 months din kaya so gusto ko sexy ako sa paningin nya. Well papel,nagawa ko ngang pumayat,but in just 2 months na pag-stay ko dito,naku po unti-unti na kong nagiging chubby..(chubby palang ha…)kase naman abot kamay ko lang ang mga food na dati rati’y so expensive bilhin sa atin and not just that yung mga food nasa atin ay every birthday or fiesta o di kaya Christmas mo lang makakain….

But now it’s about time…tama na! I’ll say no to gluton and obesity! Ano nalang sasabihin ng mga fwendz ko back in the pinas makita nila akong mataba…I hate it di ko yata makakaya! Wahhh!!!!!!!!!!!

So starting from now…
Goodbye spaghetti….
Goodbye ice cream….
Goodbye chocolates….
Goodbye chips….
Goodbye chicken….
Goodbye shawarma….
Goodbye spicy pickles….
Goodbye pack lunches…
Goodbye sausages….
Goodbye etsetera
Goodbye ……….mamimiss ko kayo……goodbye…….


PS: pwede bang di isama ang sunflower seeds ko?

Friday, 2 October 2009

WIND

Posted by iya_khin at 22:15 2 comments

Yes, I realized what you want me to realize
You’ve got the same insanity as mine
We haven’t started yet but it’s already the end
This feelings we have..
Blown and carried by the wind.

It’s not right for me to love you, the same thing with you
I’m not the angel you’re waiting too
I can’t give the love you expect me to give you
I feel so broken
Why is this happening to me and you?

How I wish that I could be the one
I may able to tell you that I love you
I may able to speak those words you seek
But those words would be a lie and not mine to give.

It’s the end of the road; we can never be that far
It’s just like an ocean, far more and too deep
So impossible for us to reach
And if we go on, we can never able to breath.

So close your eyes for the last time
Take my hand before you go
Hear me within saying I love you and goodbye
How nice that someone like you comes once in a while
Just imagine that it’s only a fantasy now it’s gone
Just like the wind;
it just passes by.

Thursday, 1 October 2009

LIWANAG

Posted by iya_khin at 00:00 0 comments

Sa pagsapit ng takip-silip
Mga mata’y nakatingin sa kawalan
Nagbabadyang pagsapit ng gabi
Nananatiling nakaupo’t nakamasid.

Ang inaakalang lumbay sa gabi
Nasa dilim ang sugat at paghikbi ay maikukubli
Ngunit sa munting liwanag at hiwaga’y naaninag
Katotohanang di nagiisa tumambad sa aking pangungulila.

Sa himpapawid ako’y napatingala
Papalubog na araw sadyang kay tingkad sa aking mga mata
Kulay dilaw at abo sa paningin ay kay ganda
Sa paglubog nito’y bukas ay may hatid na pag-asa.

Buhay, sadya nga itong makulay
Sa bawat pinta may iba’t ibang tema
Kalawakang akala mong kay dilim
Tingnan mabuti’t bituin ay sadyang kay ganda’t nagniningning.

Dati’y puno ng takot at pagkahabag
Sa sariling mundo pilit giniit ang sarili
Naging manhid sa pag-mamahal ng iba
Kinulong ang sarili tanging isip ay katapusan ko na.

Sa gitna ng dilim ay nakaaninag ng munting liwanag
Liwanag na kay liit ngunit sadyang nakakahalina
Ngayo’y pilit na inaabot ng sa kadiliman makawala
Pag-asa sa munting liwanag ngayo’y kalayaan makakamtan ko na.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review