Eto na ang karugtong ni Yulie. Pansamantalang naantala kahapon sa kadahilanang nag-iinarte ang may akda!
Ako si Yulie 01
Ako si Yulie 01
Ako si Yulie 02
Magandang araw ho Mr. Castillio, tuloy ho kayo! Nakangiting parang bruha sa pagbati ng aking madrasta.
Magandang araw din sayo Minda. Seryosong tugon ni Mr. Castillio
Di na ako magpapaligoy-ligoy pa, tulad ng pinag-usapan natin ito ang pera, limang-libong piso, asan ang dalaga?! Tanong ni Mr. Castillio
Dalaga? sino? Tanong ko sa aking sarili habang nagkukubli sa likod ng pinto ng aming kusina.
Sir, sandali lang ho at aabisuhan kong gumayak na at ng maisama nyo na agad. Maaring mag miryenda muna kayo sandali. Pabungis-ngis na alok ni Tyang Minda habang binibilang ang pera.
No, thank you, busog pa ako. Pasinghal na sagot ni Mr. Castillio na parang nandidiri sa inihanda kong pansit.
O sya,sandali lang ho at tatawagin ko na. Nakangising sagot pa din ni Tyang Minda at patuloy parin sa pagbilang ng pera na animo’y milyones ang hawak nya.
Yuliiiieeeee!!! Tawag nya.
Pakiramdam ko’y bigla akong namutla, napakalas ng pintig ng puso ko habang ako’y maingat na tumakbo patungo sa aking silid. Masakit sa tenga ang bawat tibok ng aking puso,nakakanginig,nakakangilo, habang nararamdaman kong papasok na sya sa aking silid. Pigil ang aking hininga at ang maluha-luha kong mata habang nakatutok ang aking tingin sa papabukas na pinto…..
Huwag po!!!! Pasigaw ko.
Anong huwag po??!! Bruhang babae ka!(sabay pingot sa tenga ko)
Nandito ka lang pala, pinapahirapan mo pa akong maghanap sayo!!
Tawagin mo si Carlota sa bahay nila at sabihin mo nandito na si Mr. Castillio para sunduin sya, putek na ire!!
Huh?! Pagtataka ko sabay lunok (pawisan)
(biglang batok) Dalian mo na! Ang kupad-kupad mo talaga kahit kelan hhhmmmpp!(gigil)
(Himas sa ulong nabatukan) oho,tatawagin na ho…
Ng makaalis na sila Mr. Castillio, doon ko lang nalaman na may utang pala ang nanay ni Carlota kay Tyang Minda.
Sa di sila makabayad napilitang magpahanap ng mapapasukan si Carlota upang iyon ang ipambayad nila, namasukan sya bilang katulong sa…….
Hacienda de Monstrilla.
Itutuloy…
9 comments:
hehehe.. aabangan ko ang kasunod nito.. parehas kami ng iniisip ni Yulie. lol
napeke ako, kala ko si yulie din.. biglang pasok ang name na carlota. hehehe... aabangan ang susunod :)
nice one... need ko pa pa lng basahin ang una...ahehehe...ayan tapos na..mmmhhh....next bilis... ahahaha...galing nmn... :)
nyahahhaa..nanlalaki mata ko.. habang nagbabasa... pero lumiit naman ulit.. hehehe :)
kala ko kung ano na? hehehe
O.O akala ko kung anung storya eto...yun pala...namamasukan lng..hehe...
tsaka pala...bagong pasok ko lang dito sa blog mo...very nice..heheh ^_^
Hindi ko nakita un ah...akala ko e....haayy..
hahaha! ikaw tlga iya_khin, kinabahan ako ah..hehe!
akala ko si Yulie na ang ibibigay. kawawang Carlota.
Post a Comment