Tuesday, 22 February 2011

Ako si Yulie 04

Posted by iya_khin at 02:12

Sinabi ko ng hubarin mo!!

(pigtas)

Tyang! ibalik nyo po sa akin yan! yan lang ang tanging alaala ni inay sa akin!(hagul-gol)

Tumigil ka! Ito ba? ito ba?!! Pinagyayabang mo ito?!! Ang sabihin mo,walang silbi ang nanay mong makate tulad mo! pagdut-dot sa mukha ko ng aking madrasta habang pilit kong binabawi sa kanya ang tanging bagay na iniwan ni inay para sa akin.

Tsaka anong silbi ng kwintas na ‘to?! Eh ang pangit-pangit naman nito kamukha mo! pinagdadamot mo pa sa anak ko?! Parang torong umuusok ang ilong ni Tyang Minda sa kakahiyaw, nakangisi naman ang kanyang anak na animo’y demonita habang kinukuha sa kanyang ina ang aking kwintas.

Wala akong nagawa kundi ang lumuha, inagaw na nila ang bagay na nagbibigay sa akin ng pag-asa, isang gabay na magbibigay direksyon para mahanap ang aking ina. Nagkulong ako maghapon sa aking silid, pinalipas ko ang oras na taimtim na nag-iisip at tulalang nakamasid sa babuyan ng aming kapitbahay. Maya-maya pa ako’y nakaidlip….

Kalabog-kalabog-kalabog!!

Aaaaaaaaaaahhhhhhhhh!!!!!! Pabalikwas akong napaupo at pawisan.
Panaginip lang pala.
 Ang init naman, wala bang AC?
Haay, di ko talaga maalala kung anong panaginip ko, lagi nalang ganito. (Emotera mode)
Alas-tres na ng madaling araw, dahan-dahan akong lumabas ng aking silid para kumuha ng maiinom.

Nang madaan ako sa may kwarto nila itay, narinig kong may kumakaluskos.
Umuungol si itay….

Aaahhh…uuummm….aaahhh…ang sakit na ng dibdib ko Minda, ayoko pang mamatay…
Huminahon ka Lando, paano nalang ang anak natin? Ang future? Di ka pa pwedeng mamatay.. (hmmmm….taas kilay ko.)
Bukas na bukas din, gagawa ako ng paraan para maipagamot ka, sige na matulog kana. Mahinahong sambit ni Tyang Minda kay itay na tila di ako makapaniwala sa mga naririnig ko, aba may puso din pala ang madrasta!

Pupungas-pungas pa ako galing sa pag-gising ng bigla kong marinig ang sigaw ni Tyang Minda..

Lando!!!! Lando gumising ka!!! Pahagul-gol nyang tawag kay itay
Agad-agad akong napatakbo patungo sa kanilang kwarto at nagulat ako sa aking nadatnan…

Itay!!


itutuloy

18 comments:

Akoni said...[Reply]

clap-clap-clap

unang nakiiyak AKONI...
kaabang-abang, pweding gawin pelikula, starring cheche and bureche.

ISTAMBAY said...[Reply]

waaaaaaaaa.. ang saklap naman.. teka teka.. baka may twist pa.. iintayin ang kasunod..

nakakexcite eh.. :)

Adang said...[Reply]

malamang magaling na si Itay,,hehehe

mommy-razz said...[Reply]

waaaaaaaaaa.. grabi, palagi na lang sa highlight ng kwento pinuputol eh. haist! sabay sabay n problema... kaya mo yan gurl.

Lhuloy said...[Reply]

hala...bat ganyan...ermmmm...to be continued...

bulakbolero.sg said...[Reply]

Anu kaya yun, bitin. Hehe. Asteeg galing magsulat.

musingan said...[Reply]

may mga ganyan talagang tao...

glentot said...[Reply]

Heavy drama hahaha

Arvin U. de la Peña said...[Reply]

muli aabangan ko ang kasunod..ano kaya ang nangyari..

KikomaxXx said...[Reply]

weee saya naman dapat ganito palagi ka sad ang mga story no para depressing talaga..w ahehhe

Jag said...[Reply]

Ang drama naman nito...sumikip bgla dibdib ko...kailangan ko ng kiss para mapawi ang paninikip ng dibdib ko...hahahaha...

akala ko kung ano nng ungol yung meron dun sa kwarto ng mag asawa hahaha...

Wala lng para maiba lang ang comment ko hehehe...

Bino said...[Reply]

galing ah! may part 2?

iya_khin said...[Reply]

@akoni hahaha! baka mahal ang talent fee ni cheche at bureche pwedeng ikaw nalang!!

@istambay weh di nga!! hahaha! kala ko sa may akda ka naeexcite! charr!

@adang doctor ka ba? tanong ko lang hehe

@mommy razzz ganun po talaga! hahaha

@lhuloy to be or not to be, maybe! lol

@bulakbolero haha! tenks po

iya_khin said...[Reply]

@musingan sinabi mo pa, dami kong kakilala

@glentot hahah bigatin!

@arvin abangan ang susunod na kabanata!!

@kikomaxxx ang saya-saya nga nila eh,hapi pamili!

@jag hahahah! nakakadami kana ha!naku masasabunutan na talaga ako! naman kasi layo ng takbo ng imahinasyon mo advance!

@bino uy tenks sa pagdaan.pang part 4 na po ito malamang pang part 5 na sunod! hahah

empi said...[Reply]

akala ko nag anuhan sila ng itay... hahaha!

anong nangyari kay itay? hmm... tumirik ang mata? Lol

LordCM said...[Reply]

pumipiksyon ka na rin ba? hehehe, bitin nga lang :D

iya_khin said...[Reply]

@empi ang lawak ng imahinasyon mo ha!

@lordcm hahah ganun talaga,relak ka lang may kasunod pa!

Sey said...[Reply]

Kwintas pala an gpinapahubad. Hay naku ang madrasta ah, sarap kalbuhin. Kainis.

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review