Friday, 18 February 2011

AKO SI YULIE 03

Posted by iya_khin at 00:46


Ako si Yulie 03

Naku naman Lando, paano na yan? Ang dami-dami pa nating bayarin! Ano nalang mangyayari sa pwesto natin sa palenke kung di tayo makabayad agad? Kakarampot nga lang ang kinikita natin sa gulayan tapos magkakasakit ka pa!? Bwiset na buhay talaga ito! Kung minamalas ka nga naman! Pasinghal ni Tyang Minda

Pasensya kana Minda, ayaw na talaga akong papasukin sa talyer habang di gumagaling ang sakit ko. Nagagalit na nga ang may ari dahil kung ano na raw ang sakit ko at baka makahawa pa raw ako. Pasensya na talaga… dito ka lang ha, wag mo akong iiwan. Pagmamakaawa ng aking Itay

Eh ano pa nga ba! Wag mo akong itulad dun sa kerengkeng mong asawa, kahit ganito ako eh di ako nang-iiwan! Mariing parinig ni Tyang Minda sa akin habang ako’y nagliligpit ng aming pinagkainan.

Hating gabi na ay patuloy parin sa pagputak ng bunganga ang aking madrasta, inaantay ko ngang mabilaukan ng matigil na.

Kinaumagahan…

Ubo..ubo..ubo… (Itay)
Tay, parang lumalala na yan, dadalhin na po kita sa center ng mapatingnan ka. May konting pera pa naman po akong naitabi galing sa paglalabada dun kila Mang Oska. Mangiyak-ngiyak ako habang hinahaplos ko ang aking tatay.

Huwag na anak, itago mo nalang yan. Kaya ko ‘to, ipapahinga ko lang ito at gagaling din ako.

Pero Itay, napapadalas na ang sunod-sunod nyong pag-ubo, cge na po dadalhin na kita ngayon, as in now na! sagot ko sa kanya.

Makulit na bata karin ano?! Hayaan mo na nga ako, malakas pa ako keysa kay machete! Pilit na pabiro ni Itay sa akin.
Sya nga pala anak, patawarin mo pala ako kung di ko pa natutupad ang pangako ko sayo. Pag-gumaling ako…..(tikom ko sa kanyang bibig)

Sssshhh….ok lang po itay, naiintindihan ko naman po. Pwede pa naman akong maging nurse ha! Katulad ngayon, ako ang mag-aalaga sayo! Round the clock! (sabay padiak!) nagaya ko lang sa TV ng kapitbahay.

Pilit kong pinapasaya ang aking itay sa kabila ng kanyang karamdaman, kailangan ko pa rin ipakita sa kanya na ok lang ang lahat para di sya mag-alala. Alam kong sa kabila ng kanya mga ngiti bakas parin sa kanyang mga mata ang lubos na kalungkutan at pag-aalala. Alam kong hindi ito ang buhay na kanyang hinangad para sa akin, para sa amin ni inay noong buo pa ang aming pamilya.


Hubad!!! Sigaw at pag-pupumilit nya sa akin.

Hubarin mo na sabi eh! kundi malilintikan ka sa akin!

Parang awa nyo na po….

Itutuloy




16 comments:

ISTAMBAY said...[Reply]

oooyyy.. alam ko na. panaginip yan huli no.. aheheheh... joke lang... mabuting anak si yulie.. sarap batuhin ng sili sa bibig ang madrasta hahaha...

KikomaxXx said...[Reply]

hala ang drama naman.. wahehehe... pero baka dreams nga lang ito.. wahehhe

♥superjaid♥ said...[Reply]

oo nga baka dream lang pero abangan ko na lang ang susunod na kabanata hehehe

mommy-razz said...[Reply]

naku ano ba yon? ituloy mo kasi bitin eh..

empi said...[Reply]

sarap pasabugin ang bunganga ni madrasta ha. :)

teka, ano yong huling mga linyan... nagmamakaawa? unang na isip ko... rape! hehehe

musingan said...[Reply]

aba... kaabang-abang... ehehehhe

iya_khin said...[Reply]

@istambay hindi kaya!

@kikomaxxx hindi nga sabi!

@superjaid haayy naku.....

@mommy razz relak ka lang tagot kita! hehehe

@empi sarap nga pakainin ng siling labuyo eh! ikaw talaga naughty ka! hahah

@musingan cge cege lang po! hehehe

=supergulaman= said...[Reply]

anu yun..holdap ba yun o rape?... ahehehe... :D

Kamila said...[Reply]

toink ano hubad? hubad? hubad? hala... bitin kainis.. hahahah :)

Akoni said...[Reply]

ha? hubad? ipapakta ang tattoo?

Nene said...[Reply]

guess ko lang ha - sabi ng madrasta "hubad, hubad, hubarin mo n sbi ang singsing eh, sasabunutan kita kylangan nating isangla yan" hahaha!!

uno said...[Reply]

hubad bakit bakit!

Arvin U. de la Peña said...[Reply]

aabangan ko ang kasunod..ano kaya ang pinahuhubad..

Adang said...[Reply]

basta talaga hubaran ang daming nag aabang hehehe:)

iya_khin said...[Reply]

@supergulaman hehehe! hilig talaga kayo sa rape!

@kamila hubad na kasi eh!

@akoni bakit may tattoo ka ba? tingin nga!

@nene ikaw na!! ikaw na ang henyo!

@uno basta hubad!

@arvin basta talaga hubaran dyan kayo magaling! hehehe

@adang sinabi mo pa! hahaha

Sey said...[Reply]

natawa ako dun sa part na hinihintay niya mabilaukan yung madrasta niya. wahahaha.

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review