Sunday, 27 February 2011

Ako si Yulie 05

Posted by iya_khin at 03:04

Ako si Yulie 05

Itay!
Halos hindi ako makahinga na animo’y aatakihin ako. Isang nakabalot sa kumot ang tumambad sa akin.
Dali-dali ko itong nilapitan at ng sa aking pagtanggal nito ay biglang…….

Hahahahahahahaha!!! Parang naloloka sa katatawa ang Tyang Minda
Hahahahahaha!!
Timang!!
 Yari ka!! Haay naku Yulie, ang dalidali mong maloko!
Eh kung gumigising ka ba naman ng maaga di ka sana parang ulol dyan!

Napakasama mo talaga Tyang Minda! Sa galit ko’y napataas ang aking boses.
Pak! Sampal ang inabot ko. Di ko na napigilan at napaluha na ako, nanlalamig pa rin ang buo kong katawan dahil sa nangyari. Niloko lang pala ako ni Tyang Minda at iniayos nya na parang katawan ang mga unan at tinakpan ito ng kumot para maghugis tao. Napakasama nya talaga.

Hala iligpit mo ang mga yan! Sabay titig sa akin at uli na naman nagtatatawa.

Asan ang Itay? Mariin kong tanong habang patuloy akong lumuluha.

Wala kang pakialam kung nasaan sya dahil wala kang silbi! Pahiyaw nyang sagot sa akin

Meron akong pakialam, akala mo lang wala pero meron,meron,meron!!! Hiyaw ko din

Nang mag-aambang masasampal na naman ako, tinabig ko ang kanyang kamay.

Aba lumalaban kana ha!! Sabay sabunot sa aking mahabang hair.

Aray po! tama na po! nasasaktan po ako! Tama na po!

Maldita ka! Wala ka na ngang idinudulot na mabuti sa bahay na ito, umaasta ka pang ganyan!! Leche ka! Hala cge! Mag-empake kana ngayon din at sasama ka sa akin! Pang-gagala-iti ni Tyang Minda

Sasama?! Saan?! Ayokong sumama sayo! Halos di ako makahinga sa paghikbi.

Sasama ka sa akin sa ayaw at gusto mo! mariin nyang utos

Saan tayo pupunta? Paano ang itay? kailangan ako ng itay! Tuliro

Gusto mo bang matigok talaga ang tatay mo? o kung ikaw ang matitigok ko ngayon?!!

Hala! Mag-empake ka at ngayon din ay aalis kana na!


Sya ba?

Itutuloy…

17 comments:

Akoni said...[Reply]

iiyak na sana ako kaso natawa ako sa "meron, meron, meron at sabunot sa akin mahabang hair" hahaha...

mommy-razz said...[Reply]

ang sarap sabunotan ang tyang minda na yan, kong makakaharap ko lang, naku sabay tadyak pa mapapala niya sa akin.. hehe!

Kamila said...[Reply]

parang gagu si tyang minda.kainissss lang! Hahahah ako sasabunot sa kanya eh..parang di tao.. hahahahhha

KikomaxXx said...[Reply]

hahah ayun o tear stopper... di pa talaga kumukupas ang mga linya ng vilma movies.. hahhaa

Leonrap said...[Reply]

sana sinabi mo sakanya ganito...

"tiya,... Can u pls shut up?, wapakels ka eh... duh!!!?"


ahahahaha... ung tipong maarteng soxal ang dating... ahahaha

Arvin U. de la Peña said...[Reply]

abanga ko ang karugtong..saan kaya pupunta..

musingan said...[Reply]

napaka walang hiya talaga ni Tyang Minda... hwaug kang magalala Yulie... gagawan kita ng kwento na kung saan ikaw naman ang masama at nang-aapi kay Tyang Minda... bwahahahahha... LOL...

saan naman dadahil si Yulie,,, abangan,,,

Adang said...[Reply]

bitin nanaman :)

♥superjaid♥ said...[Reply]

hahaha ang kulet ng salita.."..sabay sabunot sa aking mahabang hair.." hahahaha

goyo said...[Reply]

hula ko dadalhin sya sa isang Bar para magtrabaho. hahahaha.

bago ko palang babasahin yung mga naunang parte ng kwentong to..

iya_khin said...[Reply]

@akoni hahaha ganon talaga! kala mo ha yan si yulie!

@mommy razz waaah brutal ka po ha!! sige bugbugin natin!

@kamila hahaha! kakagigil!

@kikomaxxx haha! ano ka ba idol ko yun!

@leonrap hayaan mo sasabihin ko sa kanya next tym! lol

@arvin abangan mo baka madaan sa inyo! haha

@musingan naku eh mabait na bata si yulie eh!

@adang hahaha! masakit ba? lol

@superjaid haba kasi ng hair nya eh!

@goyo luma na yang bar,relak ka lang tagut kita! hahaha! tenks sa pag daan!

musingan said...[Reply]

kaya siya laging inaapi eh... kasi mabait... wala pa akong nakitang salbaheng inapi sa oelikula,... ehehehhe

glentot said...[Reply]

Naiintindihan ko si Aling Minda. Kung tanghali ka na nga magising tapos wala kang icocontribute sa lipunan eh sasampalin din kita at hihilahin ang mahaba mong hair ahahaha jk

LordCM said...[Reply]

umiiyak na nakuha pang magnakaw ng linya ng may linya lolzz

ISTAMBAY said...[Reply]

ang seryoso ng kwento ng may masingit na "mahabang hair" ahehehe...

san kaya pupunta?

iya_khin said...[Reply]

@musingan heheheh! meron kaya yung malapit na syang patayin sa ending!

@glentot hahaha!batugan kasi!

@lordcm sumesegway!

@istambay para maiba naman! baka sa inyo pupunta! hahaha

Sey said...[Reply]

parang gusto kong sampla-sampalin si Tyang Minda, kainis siya. Kanina pa ako napuppuno sa kanya.

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review