Thursday 10 February 2011

SAKRIPAYS

Posted by iya_khin at 11:27

Sa nakalipas na 4 na araw, di ako nakadalaw at nakabisita sa blospera at na miss ko kayo kunwari.
Nasa ospital po ako nung mga araw na yun at kasalukuyang binabantayan at lubos na nag-aalala sa kabiyak ng aking puso at buhay…nakss! I thank God magaling na sya at eto kasalukuyang nag-dodota dis-oras ng gabi kalaro ang uniko iho namin..naman talaga abuso!

Napakahirap talaga kung nasa ibang bansa ka at tatamaan ka ng sakit, lalo na siguro kung mag-isa ka lang at walang mag aasikaso sayo… di tulad sa atin may mga kamag-anak tayo  may magulang, kapatid, mga tyahin at tiyo, pinsan at mga kapit bahay na mga tsimosa dadamay sayo. Sa ibang bansa madalang lang.

Di po related dito ang kuwento ko.. may isa lang akong katanungan dahil 4 days na lang at valentines na..

Anong kaya mong isakripays sa mahal mo?
Tatagal ka ba?
Kakayanin mo ba?
May K ka ba?

Cge nga! Sensya na carried away ako eh kaya naging apat ang katanungan, hayaan nyo na minsan lang naman ako mag tanong eh!

wink-wink!!! 

12 comments:

Anonymous said...[Reply]

hahah char... ewan... di k alam..w ahehhe

Adang said...[Reply]

nakaka relate ako, pag nag kakasakit ako dito, kelangan kumilos ng sarili, kahit may sakit kelangan pumasok sa trabaho

eMPi said...[Reply]

tatagal ako at kakayanin ko. Hehehe!

2ngaw said...[Reply]

ung iba hindi nila maintindihan ung kalagayan ng OFW :(

sa tanong mo..

1.Kung mahal ko, di ko pa alam, siguro kapag andun na ako sa sitwasyon at kailangan ko nang magsakripisyo, dun ko lang malalaman kung ano ang kaya kong isakripisyo para sa kanya...

2.Hindi ata

3.Hindi man ako tumagal, kakayanin ko

4.K? wala eh, T lang...sa surname :D

TAMBAY said...[Reply]

sagot din ako ha

una, wala ako kailangang isakripisyo, if true ang pagmamahal, tatanggapin natin ang isat isa sa kahit na ano pa man meron tayo, minahal natin ang isa dahil sa kanyang magagandang katangian, mas lubos ang kaligayahan kung mismong kahinaan nya ay mamahalin din natin.

pangalawa, paanong tatagal? sa siang relasyon, importante ang trust.. sakin once na nasira ito, hindi na maibabalik pa..

Pangatlo, kakayanin na ano? habang tumatagal eh nagiging berde na isip ko eh ahhahaa

Pangapat, K? meron ako "T" tibay ng loob hihihi :)

pangalawa.

iya_khin said...[Reply]

@kiko hehe! char din!

@adang sinabi mo pa,eto nga ako naman ang may sakit..blog hopping pa din!!

@empi survivor ba ito?

@lordcm correction po,nagsasakripays kana kasi malayo ka! at tumagal kana at kinakaya mo! SALUTE! T? tattoo meron ka?

@istambay naks naman,ang swet-swet mo!pakurot nga! pahabol ka pa ha!!

Kamila said...[Reply]

Hindi ko alam kung anong kaya kong isakripisyo sa mahal ko. Wag lang siya mambabae at wag lang niya ako gagagaguhin... isasakripisyo ko lahat. lol.

Oo naman tatagal ako..basta magkasama kame.
Kakayanin ko basta magkasama kame...

May K ako. K for Kamil.

Nyahahahaha.. :0

epal much.

KristiaMaldita said...[Reply]

pasagot sa tanong mo..

*kaya ko i.sacrifice kahit ano sa mahal ko kaya nga ganito ako ngayun e.. lage puyat kasi magkaiba shift ng pasok namen kelangan gumising ng maaga para magasikaso sakanya kahit hapon pa pasok ko..

*tatagal ako!hehe mag 3 years na kaming ganito pero tsaga-tsaga baka siguro magbago pa..hehe

*Kakayanin Sir!!! ;p

*at Oo naman may K ako!! isang malaking K na nakatago... harhar!

epal lang po ;)

iya_khin said...[Reply]

@kamil parang kay mariah carey lang ha yung kanta nyang I give my all!! lol tama may K ka nga!! hahah

@KristiaMaldita naman power gurl!!! parang ibang K yang naiisip ko, malaki din ang K ko malusog pa!!! hahaha!

iya_khin said...[Reply]

@ayu hehehe may next tym pa naman! lol

benjie said...[Reply]

napakahirap na katanungan yaong apat,
mahirap kasi sabihin
basta sa tingin ko
pagdating sa mga mahal ko sa buhay
kahit anong mahalaga sa akin isasakripays ko
basta wag lang malagay sa alanganin ang mga mahal ko sa buhay.
kahit walang k, kakayanin ko at tatagal ako.
laging second lang ang sarili ko.


emo?

iya_khin said...[Reply]

@benjienious ikaw na ang emo..oo may tama ka din dapat second lang lagi ang sarili pagdating sa pamilya!

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review