Wednesday, 23 February 2011

T - Die

Posted by iya_khin at 00:28

Hating gabi na ay di ko pa rin natatapos itong mga paperworks ko. Sumasakit na ang ulo ko kakarevise ng mga ito para sa deadline namin bukas meron kasi kaming submittal.

Kailangan ko na talaga itong matapos, wala ng oras… ang hirap…dahil sayo apektado ang trabaho ko pati ang buhay ko gumuho ng dahil sayo.

1 taon na ang nakakalipas pero di parin ako nilulubayan ng mga bangungot na dinulot mo, ano bang naging kasalanan ko para gawin mo ito? Sobrang sakit ng ginawa mo, lahat pala ng ipinakita mo, lahat ng mga sinabi mo ay puro kasinungalingan! Sinungaling ka! Sinungaling ka!

Pinatay mo ang pagkatao ko! Binaboy mo ako! Lahat ng sinabi mo at pinagawa mo ay sinunod ko! Pag katapos ano?!! Ano?!! Winalanghiya mo ako! Sirang-sira na ako, sa mga kaibigan ko, sa pamilya ko, oo ng dahil sayo tinalikuran ko silang lahat. Nagbingi-bingihan ako sa mga abiso nila, binalewala ko ang mga pagpapaalala nila ng dahil sayo!

Ngayon ano? Nakikita mo ba ako? Nakikita mo ba kung anong ginawa mo sa akin? Masaya kana? Iniwan mo ako sa ere! Hayop ka! Hayop ka! Wala na akong mukhang ipapakita sa kanila, wala na akong ipagmamalaki sa kanila dahil sinira mo na, durog na durog na ang pagkatao ko!

Ayoko na....hirap na hirap na ako, dahil hanggang ngayon ikaw pa rin ang mahal ko. Oo nahihibang ako dahil sa kabila ng lahat mahal na mahal pa rin kita!! Naririnig mo ba ako? Naririnig mo ba ako?!!! Sumagot ka!!!!

Tok…tok..tok..

(room mayt) Hoy iya! Nagdradrama ka naman, di talaga sasagot yang teddy bear pinagtritripan mo na naman! Matulog kana nga!


17 comments:

Leonrap said...[Reply]

kawawa namn ung teddy bear.. ahaha.. akin nlng.... :)

wag mo nlng masyado isipin ang problema moh.. importante ung ipapasa mong revisions. ahah

ISTAMBAY said...[Reply]

teka.. practice ba yan ? hehehe..

ganyan nga. ang sinusulat eh isinasabuhay para malaman kung anong mali o may kulang.. kahit na magmukha ka pang mau tililing ahehehe...

o wag iiyak

iya_khin said...[Reply]

@leonrap hahaha! ayoko nga akin lang si teddy wala na akong bubugbugin at panggigigilan pagbinigay ko sayo!

@istambay hahahha! emote-emote lang! cnong may tililing?!!

CheeNee KOKAk said...[Reply]

hala.. naramdaman ko yung ninanakit mo..sakit naman..:((

Akoni said...[Reply]

what a...hahaha..nadala ako don sa drama ahh..totoo ito noh? joke lang un room mayt at teddy bear? haha...(nakaganti rin)

Adang said...[Reply]

hala mukhang adik lang ,hehehe, homesick lang yan, uwi ka muna para mag bakasyon :)

KikomaxXx said...[Reply]

hahaha kung nakakapagsalita yan o kundi nakakagalaw eh sinakal ka na nyan.. paki niya sa prob mo..w aheheh

LordCM said...[Reply]

kawawang teddy bear :D

mommy-razz said...[Reply]

sa teddy bear binuhos ang sama ng loob, haha! kawawang teddy bear dinamay sa sama ng loob.. pa hug teddy bear, hehe! sau pla iya_khin ang hugs ko..

iya_khin said...[Reply]

@kokak nakakarelate ka ba? lol

@akoni ahahah! chorbaness ko lang yan

@adang para nga ano?!!

@kikomaxxx hahaha!sinong my prob?!!ikaw?!!

@lordcm hehehe!lamog na lamog na si teddie!

@mommy razz hahah!emote-emote lang po yon, best actress ba! kathang isip lang po! hahaha

ais said...[Reply]

grabehan sa emo to hahaha! XD

TheOxymoronKidSpeaks said...[Reply]

Ahahaha. Easy ka lang ate. Sana po matapos mo na yang mga paperworks mo. Goodluck. God will provide the strength that you need. :). Kawawa yung teddy bear, napagtripan. :)

musingan said...[Reply]

Iya_Khin: I know how you feel... ok lang yan,, mawawala yan... promise.. I've been through all that thing... nga pala.. kaw ba gumawa ng drawing na yan.. ganda... promise...

Sendo said...[Reply]

kalimutan mo na siya! haha

Bino said...[Reply]

para saan ba ang problema? kasama sa mga pagsubok sa buhay. para tayo'y maging matatag :)

Kamila said...[Reply]

hindi pa huli ang lahat para bumangon ulit.. bangon ka ulit. sa pagkakadapa mo. Umiyak ka, magmukmok, pero wag mo hayaan na lamunin ka nung pagkakataon na yun. Sayang naman ang panahon kung puro kalungkutan nadarama mo. Sana maging okay din puso mo.

iya_khin said...[Reply]

@ais hahaha! pang famas ba?!

@theoxymoronkidspeaks touch naman ako tenk u,pero ok po ako wala po me prob.drama ko lang yan.

@musingan hahahah! hanuba!! carried away to the max talaga kayo eklabuh ko lang yan! sa drawing sana nga ako gumawa kaso hindi eh! pero tenk u na rin! hahah

@sendo haha! cno po? si teddie?

@bino hahah! i agree!

@kamila touched naman din ako sayo,tenk u pero sabi ko nga kathang isip ko lang yan,chorvahnes! hahah

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review