Saturday, 12 February 2011

Ako si Yulie

Posted by iya_khin at 23:56

Ako si Yulie, 19-anyos, probinsyana…
Ito ang buhay ko.

Bata pa lamang ako hanggad ko ng makatapos ng pag-aaral.

Itay , balang araw gusto kong maging nurse! ito ang laging kong sinasabi sa kanya araw-araw.

Leche tumigil ka nga! Naku Yulie sa araw-araw nalang nakakatulili kana! Hetong atupagin mo,magluto kana at pagkatapos ihatid mo si Linda sa skwelahan, bumalik ka kaagad ha at maglilinis ka pa ng bahay! Bwiset! Sagot ng aking madrasta.

Hayaan mo anak, pag nakaluwag-luwag tayo pag-aaralin kita ulit, wag mo ng intindihin ang Tyang Minda mo. Tugon ni Itay.

Sanggol pa lamang ako ng iwan kami ni Inay, di nya nakayanan ang hirap kaya sumama sa iba. Halos mabaliw ang Itay ko ng mga panahon na yon, hanggang sa nakilala nya si Tyang Minda ng minsang dumalaw sa amin ang pinsan ni Itay na kasama sya.

Madalas sa kalagitnaan ng gabi napupukaw ako ng aking paghagulgol, wala naman akong maalala sa mga panaginip ko pero pakiramdam ko’y pawang kay bigat.

Kinabukasan…

Hoy ate!  Sabi ni nanay maghanda ka daw ng miryenda may dadating na bisita bilisan mo!

Dyaskeng batang ito walang respeto, hmmmp! Kundi batukan kita dyan eh!

Umaangal ka?! Nay o si ate ayaw!

Yulie!!!!!! Sigaw ni Tyang Minda

Heto na po!! Naku talaga, pahamak na batang ito!

Itutuloy….

12 comments:

uno said...[Reply]

madrama ba ito naku paiiyakin mo ata kami iaykhin ah...

Nimmy said...[Reply]

:(

KikomaxXx said...[Reply]

wee.. dark...

ISTAMBAY said...[Reply]

series... yan.. tuloy tuloy lang ha..

iya_khin said...[Reply]

@uno secret...di ko sasabihin...

@nimmy :<

@kikomaxxx very......

@istambay pilitin mo muna ako! hehehe!

Kamila said...[Reply]

huwaw.... Yulie yulie yulie..anong meron kay Yulie..? hahah hmmm... cinderella story ba ito?

Arvin U. de la Peña said...[Reply]

hmmmmmmmmmmmmmmmmm......kailan ang kasunod na kuwento ni yulie..anong meryenda kaya ang ipaghahanda..

glentot said...[Reply]

Sino naman ang mahiwagang bisitang ito? Magbibigay ba ito ng kulay sa kanyang buhay pag-ibig?

Nortehanon said...[Reply]

Nag-aabang sa susunod na kabanata ng kwento ni Yulie hehehe...

iya_khin said...[Reply]

@kamila hmmmm...na-na-na!

@glentot uy salamat at nakabisita ka! pag-ibig? hmmmm....let's see

@nortehanon wait..wait lang po

Akoni said...[Reply]

part 1 done...pang MMK to ah..

Sey said...[Reply]

Kainis yung kapatid ni Yulie ah! pero mas naiinis ako sa nanay niya. bakit niya iniwan si Yulie? waaaaaaaaahhhh!

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review