Maharlika?! Ito ba ang inakala mong kawangis ko? Lingid sa inyong kaalaman isa akong nilalang na nagkukubli sa kadilim-dilimang yungib, isang bukanan na tagusan daang impyerno….
Kabilugan ng buwan ako’y papalaot, mga kalalakiha’y nag-aabang na sa aki’y nahuhumaling. Sabik na malasap ang tamis ng aking halik, mga hubad na katawa’y napapaindayog sa tinis ng aking halinghing. Di nila alintana sila’y magiging pa-in sa isang hayok sa laman na handang lapain ang kanilang pinagmamalaking kuyukot na kanilang pinagkaingat-ingatan.
Lugami at pagal doon ako nasadlak, kung bakit naging ganito ang tadhanang aking nakagisnan. Sa bawat hipo ng mga lalaking mangmang, animo’y dikyang nakakapit sa aking balat nasa sobrang sakit handang-handa na akong pumaslang.
Bahay aliwan, kahalintulad sa isang pulot-pukyutan, masalimoot, malaswa, mapanganib, mga panauhi’y sa umaga’y kay banal waring masahol pa sa halimaw pagbinalot na ng kadiliman. Panibugho ko sa inyo’y umaalingawngaw, di nyo ba batid ang bakas ng peklat sa aking katauhan? Yaong niyurakan at nilapastangan..poot at galit sa aki’y namumuo at kayo’y humanda sa bangis ng aking paghihiganti!
Adhika ko’y mairaos ngayong gabi na ang pagkauhaw ko ay iyong mapunan, at luwalhati kong pasasalamatan na ng dahil sayo’y sikmura ko’y nagkaroon na naman ng laman. Bago ko iwanan ang nakahandusay mong bangkay, isang pirasong laman aking hugot sayong kalamnan, upang sa gayo’y may pang-almusal kinabukasan.
Paalam sayo mamang timang, ako’y napapagal na mga mata’y nangagalumata, salamat at nakaraos din ang gabi ng lagim...
opisyal na artikulo para sa patimpalak ni Mang Kulisap
34 comments:
waaahhh...natakot ako... nagkukubli sa dilim, isang babaeng nagaabang ng bibiktimahin. pagkatapos ipakain ang sariling laman, lalapain ang sinumang makakatipan.
mahusay! ang bilis mong hinabi ng kwento. \m/ ikaw na ang magaling managalog.
wala naman palang talo... katawan para sa katawan..kwits lang :)
good luck din sayo.. kakaiba din itong sayo.
OMG... dumudugo ang ilong ko. Lol!
Haha.. naka relate ako sa comment ni Empi. Habang binabasa ko, napapanganga na lang ako at napapa.. "huh!?!".. Bohaha!!!! Hay nakow..
Ikalawang entry na nabasa ko.. una yung ke MD, ito sayo ang pangalawa. Dun, natawa ako.. dito naman, medyo natakot nang slight. hehe.. Ang galing nyong gumawa ng mga ganitong uri ng kwento. Napapahanga ako.. at ang lalim ng Tagalog. tsk.. hindi kaya ng brain cells ko.. bohahaha!!!
Good luck, Iya!!! :)
nice iyah. sinimulan kong libutin mula sa kuta ni Jkulisap ang mga lahok.
etong sa'yo ay tungkol sa daigdig naman ng prostitusyon. nakakamangha kung paanong binigyan ng lahat ng mga lumahok ng iba't ibang ganda at kahulugan ang hamon.
Goodluck....kakaiba 2...dugo ang ilong ko...tagalog kng tagalog! galing!
Una kong nabasa ang mga words na ito kay Midnight Driver, tapos kay Taribong, tapos dito! What's going on?
horror naman to. astig ah. hehehehe
haha..yaks, ang ending...magaling manang, hindi nakakatamad basahin..
ayos ito iyah..
ibang mukha ng sanaysay ang pinakita mo dito!
Magaling!
wahahahaha kayo na ang may mga entry, congrats in advance ^_^
anong meron dito. Ang galing- galing mo naman iya_khin.miikot nga ang KM2 na yan.
@md hehehe! lamunan na ito!!
@bolero bolero ka ngang talaga! ahaha! dahil sayo bakit ako nakagawa ng post na ito..nainggannyo mo ako..idol na kita! hahah!
@mommy hehe! thanks po!
@madz kwitz lang! :D
@empi dugo-dugo na..
@leah ahahah! nakakalula ang mga salita,naduduwal ako sa hilo! ahahah!
@duking ayyyy....nahiya naman po ako...(blushing) thank u po sa komento...hihi..pumalakpak ang aking tenga dahil sayo...
@sunny hihi! hinalungkat ko pa yan sa baol ng tatang ko! ahaha
@glentot ewan ko nga nahikayat din ako! lels lang
@bino hahaha! para maiba naman..twisted story
@jay magaling ka din kasi wala tayong sakit! ahah! joke
@mg ayy...ok lang kahit di manalo basta masaya pa rin kasi nakakachallenge!
@diamond di naman ako magaling eh...galing yan sa utak ligaw! heheh
Hahahhahaha may naalala akong 90s film ni anjanet abayari kaso pero bamipra lang siya doon uhhm midingt solitaire ata siya dun eh... heheheh galing galing! parang sarap sabihin gawin mo akong biktima! jowk! hehehehehhe
eto pa ang isa! anong kaguluhan to? hahahah
buhay ng mga aswang talaga.. hehhee...
ayus toh, laman sa laman...
ibang anyo na naman ng kamalayang malaya.. nahihirapan na ako paano mag score nito..hahaha
Maraming salamat po sa pakikilahok sa Kamalayang Malaya 2.
Ito po ay Kalahok Bilang 17
17 KM2: LIHIM
Iya_Khin United Arab Emirates
shake rattle and roll...
@xprosaic hahaha! talagang may kapareho pa talaga ng movie ah! di ko natandaan eh...lolo na siguro kita! peace!
@mots wow! natuwa naman ako sayo! salamat sa pagdalaw sa aking bahay!sensya po medyo madilim blackout kasi! hehe
@kiko hahaha! ng maiba naman!
@palomah hi! salamat sa pagdaan! nagbenta dito ng aliw daan-daan lang!
@aninipot ako din eh..nakakadugo din pala ng ilong ang tagalog!
@jkulisap salamat din po sir!! nakakatuwa talaga itong patimpalak mo dami kong bagong napuntahan ang saya!! makakilala ka palang ng iba panalo na!
@eratika hahah part 13!
Whoa! Aswangan naman dito. Dun sa kabila bangkay naman! Madilim pa naman dito. :|
Hello Ms. Iya!
May ibang dating sa akin ang iyong akda. Prostitusyon at krimen. Iba ang pahiwatig sa akin ng manananggal. Ang pagpaslang niya ay may ibang pakahulugan. Sadya mang ikinubli o hindi sa iyong panulat, ewan ko basta yun ang aking pahkakaintindi. :)
Kamusta Iyah?
DUmaan, nagbasa at nagbigay ng puntos.
Aswang pla ah, mananangal ng kuyukot. lol
ang lalim ng tagalog... parang kelangan ko pang magthesaurus ng tagalog.. lols....
lalim... pampanitikan :)
Mabuhay po ang kamalayang malaya entry niyo, Mam. Isang salamin ng mas malalim pang salik ng lipunan.
be blessed po!
nakapunta ka na ba sa isang bahay aliwan?
@paq hahah! blackout kasi alang ilaw! hihi
@tagabundok salamat po sa pagdayo sa aking lungga..tama ka po..twisted ang storya..parang sa kanta double meaning..depende din sa malikot na isip ng nagbabasa kung paano nya iintindihin..thank u po!
@kwentongbalentong salamat, sana po kahit pasang awa ok na! hahaha!
@egg wahaha! hinukay ko lang yan sa sementeryo! lels
@pong hello po! salamat sa komento appreciated very much!!! God bless din po!
@kabute hahaha! oo salabas lang sa bilyaran..ayokong dumungaw sa kaparehas kong eba! nakakapanindig balahibo!
aw, ang bigat naman... sana makita ng nagbabasa ang tunay na kwento.
...sad but true. haizzz! manananggal na sarili din niya ang nabibiktima ng mga ginagawa niya para makaraos sa buhay.
sa likod ng lihim at ang pagal na katawan ng manananggal na gusto ng lumaya sa pagkakasadlak sa dilim. Isa na naman mahusay na panulat.
Bumalik ako upang mag-iwan ng puna.
mahusay bb. iyah...
-XoXo
Ako'y nagbababalik para magkomento ulit.
Ipinakita mo dito na ang "manananggal" ay isang pagtatanghal ng isang babae. Babaeng nagbibigay aliw sa mga lalake. Malikot ang mga tagpo na siyang magiging dahilan para isipin ng iyong mambabasa kung simpleng kuwentong manananggal ba ito o may mas malalim pang nais iparating.
Mahusay.
Salamat
Post a Comment