Monday, 29 August 2011

NA-AWARD KA DAHIL SA LUHA MO

Posted by iya_khin at 00:38 32 comments
Eto na, eto na, eto na, eto naaaa waaaaahhhhh aaaahhhh!

Alam kong matagal nyo na itong inaabangan at alam ko kumati na batok nyo kakahintay kung sino ang THE ONE! –intro

Bago po ang lahat-lahat lubos po talaga akong nagpapasalamat sa lahat ng nakilahok sa LUHA MO SA PAKONTEST KO.     First tym ko itong ginawa sa loob ng 2 taon kong pag bloblog, well sabi pa nga maganda talaga paminsan-minsan yung hindi planado, oooops teka hindi naman sa lahat ng bagay, tulad ng hindi planadong pagkabutis hindi planadong magka-IBIGAN, ect.ect.

Narealized ko sa patimpalak na ito… anak ng tinapa! Ang hirap pala! Ang dami kong batyang nakaantabay at sandamakmak na rolyo ng tissue ang naubos ko dahil dito. Nawiwi, naiyak, ngumawa at ilang araw akong binagabag ng pakontest na ito parang bangungot lang!

Ilang araw din akong naghabol sa mga huradong aking kinasabwat pero  tinaguan ako! Walangjoh!! Yung isa nagparamdam nga pero butas agad ang aking bulsa dahil sa pinakain ko muna’t inutu-uto, isang bandehadong kanin w/ ulam at sandamakmak na chips ang nilapang at 4 na litrong lime juice ang tinungga! SYA NA! Halos 4 na oras syang nagscore at halos maloka-loka na din sya sa kakabasa tas ang masaklap pa di nya natapos!! Waaaaaaahhhh!!! So da following day alam nyo na nangyari..nabutas uli ang rice cooker dahil sa kanya! Wala na bankrupt na agad me…

SOS talaga me masyado dahil dito, kaya lubos akong nagpapasalamat sa mga taong sumuporta sa akin at nagpapasalamat din ako kay Sir Kuya JKULISAP sa pagiging isa sa mga hurado, tenk yu, tenk yu, tenk yu po talaga sa tym na ibinigay mo para dito.

Ito po ang criteria of judging kung paano po binalasa ang mga nakilahok.
click to enlarge
Sadya po talagang maraming magagaling kung pwede nga lang lahat winner na! yaan nyo pag nanalo ako sa lotto! :p

So base sa 4 na huradong hinabol-habol ko at sa ilang linggong pag-ngawa ko eto na po ang nanalo at ang prize!!! Pagpasensyahan nyo na po ito lang ang kinaya ng bulsa ko, sasusunod maghahatak ako ng sponsor. Hehe! May balak pa talagang sundan!


PRIZES:
  • kingston 16 GB usb
  • skull candy earphones
  • Dubai t-shirt
and the winner is:


MARAMING SALAMAT PO!


Sunday, 28 August 2011

lulugar lang po...

Posted by iya_khin at 01:26 19 comments

Anong mararamdaman mo pagbinigyan kayo ng 5days holiday with pay?!!!!!

Waaah! Halos mapunit ang aking bibig sa balitang ito! EID break na kasi sa arab countries this week kaya lahat nagsasaya! Iniisip ko paano ko iispend ang holiday ko…..tsk…bigla na naman akong na-sad…naalala ko, mag-isa lang pala ako..tsk….eerrrr


Hmmp makapag WILD WADI nalang kaya

  o ATLANTIS….



 sama ka?






Friday, 26 August 2011

The Sound of Silence

Posted by iya_khin at 12:42 6 comments

Tuesday, 23 August 2011

tired eyes, tired mind

Posted by iya_khin at 01:07 21 comments
deviant

tired eyes, tired mind
what are u gonna do about it?
tired eyes, tired mind
do you think you can escape it?

tired eyes, tired mind
don’t want to speak about it
tired eyes, tired mind
finding a way out to hide it

tired eyes, tired mind
count 1 to 3 and you’ll be mine
tired eyes, tired mind
can you read between the lines?

Tired eyes, tired mind…

I’ll say goodnight for tonight


Monday, 22 August 2011

Behind The Scene

Posted by iya_khin at 13:37 8 comments

Rialyn aka iah, iyah or iya_khin…sino nga ba talaga ako?! Sabi pa nga sa kanta ng casting crowns WHO AM I?

I know some of you already knew that I’m a sentimental fool person, maemo, maloka, makulit or maybe a bitch! Yeah, I admit that I am not perfect and I am sinner….are you not?! Well ikaw lang ang nakakaalam ng sagot.

For the past few days medyo nagdradrama-drama ako, buong araw lang ako nagkukulong sa kwarto but I came to realized na hindi pala dapat ako malugmok sa kalungkutan ko. Sabi pa ng Pastor na may-ari ng flat namin nung sabihin ko sa kanya na ang lungkot-lungkot naman po masyado, dahilan sa dalawa lang kami sa bahay at ang mga kasama namin eh nasa bakasyon lahat. Sinagot nya ako ng ganito “enjoy enjoy lang!”  For all people sya pa ang nagsabi sa akin na mag ENJOY lang! bumackstroke ako ng bonggang-bongga! Background check about him, isa po syang balo and I think his wife just passed away last year di ko lang sure, and his children are all in Pinas.

Then, last night I was rebuked again by our head pastor during our bible study. I told him about it and he helped me open my eyes syempre revelation ni Lord. Sabi nya, you see he can cope to enjoy kahit sa totoo di nya na makakapiling ang wife nya dito sa lupa where as ikaw malaki ang chance pa na magkakasama pa kayo ng family mo.

BOOM!

Minsan.. I mean madalas madali lang sabihin pero sobrang hirap gawin. SOBRA! Lalo na pag nag-iisa ka dun ka trinitrigger ng kahinaan mo, natatakot ako and hindi ko namamalayan….nilulubog na ako nito.

I almost  forgot who really I am, I almost forgot that I was called, I almost forgot that I am needed, I almost forgot that I am His daughter, I almost forgot that I am forgiven, I almost forgot that I am loved, I almost forgot I have HIM…

All of my life in every season You are still God, I have the reason to sing, I have the reason to worship…..

Makasalanan ako ipagsisigawan ko’t inaamin ko…but I have a choice..YES! HE gave us a choice to choose…

To remain in the darkness or to be in His light……..

Being a Christian doesn’t mean I am (we) perfect, (we) I am just forgiven..
If you learn how to repent and ask for forgiveness

But he said to me, "My grace is sufficient for you, for my power is made perfect in weakness." Therefore I will boast all the more gladly about my weaknesses, so that Christ's power may rest on me. – 2 Corinthians.12:9

Sino ba talaga si Iyah..

I am a born again christian, once was lost and now I am found…
A Levite…
I serve God and I acknowledge that He is my personal Lord and my Savior.

All glory ang praises be unto Him.


Sunday, 21 August 2011

HAPPY 'OL TIMES

Posted by iya_khin at 02:58 11 comments
Something to share..I wrote this article for our church publication last June, 2010. I hope that this would give you some encouragement. 


Ecclesiastes 7: 14 “When times are good, be happy; but when times are bad, consider:  God has made the one as well as the other. Therefore, a man cannot discover anything about his future.”

What is happiness to you?

Before, I’ve asked myself a lot of times with this question: what really makes people happy?!

When I was young, I am fond of watching cartoons, asking my parents to take me to carnivals or amusement parks, sometimes I would really cry out and beg them to take me to toy stores and buy me Barbies and Legos; well, as a kid that really makes me happy.

However, as times pass by and as I grow older, things are more different. When I was a teenager, I learned to have peers, vises, boyfriends, addictions; I was so very careless. If you assess my then- senselessness, from 1-10, where 10 is the maximum, I might have a scored 9!  So what?! I don’t care what other people may think of me….As long as I AM HAPPY!

I got married at the early age; at first I thought it was OK. My parents are there to support me so I don’t need to worry…but then worst things happened and it turned me upside down…Being in my sinful-old-natured  human body I  seek superficial happiness, leisure, a lot of times I grab more of what I don’t have - I never really feel contented of what was given to me. Life was so easy until I found out…I’ve been trapped by the enemy. I was enjoying with the world while the devil was walking with me hand by hand - more enjoying with me.

Knowing Jesus as my personal Lord and Savior and continually walking and serving  the Lord (though I am not saying that I am perfect); I’m still growing and letting Him teach me each day and as I journey with Him closely I can say that I’m learning. Being happy is not only if you’re having a lot or receiving a lot, I came to realize that we should also learn to be happier  when we encounter trials; especially if we have nothing - nothing with the world’s wealth,  but knowing we have God…He is more than enough.

Practically speaking it is really hard, knowing you don’t have anything in your pocket literally.  Then comes the bills for house rental, electricity, school fees, banks etc. and to add insult to the injury is to know  that one of your family members is in deep trouble and so sick, and your income is insufficient to pay, I for myself honestly, it feels like my mind would explode. But if we entrust all these things to God, and being still and patient and if we hold on to our faith in Him, You would know that He does supplies, that He will put springs in every deserts in our lives.

Sometimes we would thought that He is not answering our prayers, we would thought that He is far from us and that He is not listening to us; but think twice maybe there is something He wants to teach us or He wants us to learn. That is why it is very important that we always seek His will and not our own will - which will only lead us to failures. Let Him move and you will know that our God is sovereign.

There are so many things I want to thank Him in spite of our difficulties and trials, I with my family, can testify that our Lord really supplies our needs  and that He is really there - present every time I’m about to fall, carry me and let me and my family stand still. The more we learn to serve Him in the midst of difficult  times, the more we will be surprised as He really turns our mourning into great joy because knowing we are near to Him and focused we can feel that we are secured in His presence. There is no greater happiness in His presence.

Now, what is happiness to you?


Saturday, 20 August 2011

FINAL DESTINATION 5

Posted by iya_khin at 12:27 12 comments
google
Ilang araw ko din itong inabangang ipalabas at magkaroon ng copy sa online...OO ako na ang kuripot! Wala akong pangsine at nitatamad akong lumabas ng bahay namin at trulalooo kuripot ako nowadays...wala din akong kadate
Buong araw akong nagkulong sa bahay so sa kaboringgan ko kaya naman ni-try ko ulit icheck kung meron na nito online. Di naman ako nabigo! atlast tuwang-tuwa pa ako't mapapanood ko na sa wakas! Excited much! Take note pinanood ko itong mag-isa..

Natapos ko ang movie at ito ang aking naging reaction....

deviant
Epik failed....sleepy head....

Well, spoiler ako, sorry nalang!



Thursday, 18 August 2011

PIPI

Posted by iya_khin at 11:36 16 comments
deviant
Sa kalagitnaan ng gabi'y humihikbi
Mga luhang pinigil sa umaga'y mapagkunwari
Kalungkutan sa aki'y bumabalot
Nilalamig wari mo'y walang saplot

Hanggang kailan mag-iisa
Hanggang kailan mangugulila
Paulit ulit nangangapa
Habang ang mundo'y nagpapakasasa

Di nyo ba batid o sadyang nabulag na
Sa bawat obra'y pilit na nagpapatawa
Kahit sarili'y nirurungisan na
Para lamang ikubli ang katotohanang nadarama

Tunay na damdami'y gustong humiyaw
Sadlak sa kadiliman gustong magsisisigaw
Tikom ang bibig halakhak ang iyong nadinig
Wari'y napipi na walang magawa kundi ang tumitig.


Wednesday, 17 August 2011

There's Something About Iyah

Posted by iya_khin at 23:24 22 comments

iya_khin
when she cries, she writes

Matagal-tagal na din ako sa blogging world at malamang medyo madami na din nakakakilala sa akin lels kapal ng mukha  mga 3 lang. Well ayokong magpakasikat kasi hindi naman talaga, dahil di rin naman ako pang artista pangkama pangmasa lang naman ang pagmumukha ko.

To be honest nagsisinungaling lang ako! Wala pong katotohanan ang nabasa nyo sa taas, dahilan na ako’y isang hamak na simpleng mamamayan lamang. Naks! (insert grin)

Dahil sabaw-sabawan na naman ang utak ko kaya nipiga ko ang brain cells ko na mag-function. Alam ko na may na post na akong Facts about me dati kung di ako nagkakamali ITO at ITO yun. But, pero, subalit gusto ko lang naman malaman nyo more what’s deeper within me…share lang ba, mga ganun.

WHO, LIKES, WANTS, WEAKNESSES

WHO
1.       I’m a TAGWA, tagalog-waray, born in manila, grew up in leyte
2.       d eldest among the 3 siblings
3.       d only princess of our family
4.       d princess who was raised to be a warrior! Idol si Gregoria de Jesus!
5.       A servant

LIKES
1.       To eat, sleep, eat, sleep, eat, sleep – past tense
2.       To jog, starve, jog, starve, jog, starve – present tense
3.       To hangout at KINOKUNIYA – alooooonnnneeee
4.       Nasabi ko na ito dati I’m a SIMS collector, baka sa next life bone collector na!
5.       Spicy and would love to try exotic foods
6.        To cook….o ha! boiled egg qualified ba?

WANTS
1.       Holiday
2.       Salary
3.       Freebies
4.       Treats
5.       LOVE

WEAKNESSES
1.       Boys – lels
2.       Di ako marunong maninggil
3.       Usapang puso
4.       Usapang pamilya – cno bang hindi?!
5.       SEX – ayayayayayyyyyy! di ka ba maweak nyan?!!


O ayan ha, ito ay ilan lang sa mga bagay-bagay tungkol sa akin. To know more something about iyah I’m on:


Or kung gusto mong magtanong email me at iahdz09@gmail.com.

Di naman halatang nagpropromote ako!! hehehe



DELIRYO

Posted by iya_khin at 00:04 18 comments
ka-gugle
ULAM


ka-gugle
SAWSAWAN


ka-gugle
ISANG BANDEHADONG KANIN


AKO?!!

IMAHINASYON?

DELIRYO......


Sunday, 14 August 2011

KABORINGGAN

Posted by iya_khin at 22:11 24 comments

Last nyt..ehem english yun ah! So yun nga last nyt pagkatapos kong makipaghabulan sa mga papables sa labas ng bahay namin and may I pawis-pawis ako, bumackstroke ako syempre pabalik sa aming house. saan pa ba ako pupunta ala me pera panggala, deym I’m so poor!  Habang ako’y nagpapahinga naisipan kong manood ng movie dahil maaga pa naman para matulog. Gusto ko sana ng Final Destination 5 so hanap-hanap ako sa mga free websites na pwede akong makanood, habang naghahanap ako  nakita ko naman itong isang movie in titled Beastly, so may I tweet ko ‘to sa tweeter ala lang gusto ko lang itweet bakit ba? kasi di pa clear copy yung final destination at nakalagay naman na horror ang genre nito so go play ko sya. Oo ako na ang mahilig manakot sa sarili ko!

Tas biglang may nag-tweet ansabehh..”DON’T. THAT MOVIE SUCKS BIG TIME. YOU WILL ONLY WASTE YOUR TIME.”-gasolinedude

Wow hanep English! Dinugo ako isang litro! Syempre kunwari naintindihan ko sya, sinagot ko horror ba ‘to? Sagot naman sya, hindi romance pero walang kwenta. So ayun tuluyan na akong na turn-off..ayoko kasi ng mga romance 2x na yan nowadays! Hmmp! Bitter!

So uli may I go back ako sa final destination 5, pagtyatyagaan ko nalang sana kahit di clear copy para masatisfy ko lang ang aking need! charoosantuuus! Play..nagulat pa ako dahil ang lakas pala ng sounds ko, biglang nanggulat agad kas si FD5. Pwesto! habang excited akong makita ang cast at ang mga brutal na patayan sa movie biglang naging alien ang salita nila! Watdahek?!!! Epik fail! Ano ba  yan kaasar naman!

Alam ko na boboringgan na kayo, kaya eto talaga ang naging bagsak ko…..


JACKASS 3.5 – BRUTALLY FUNNY!! Sabi ko nga mahilig ako sa brutal! Umpisa palang ng palabas hagalpak na ako sa kakatawa! My gaad ang adik-adik nila BIG TIME! O ha galing kay Gasolinedude yan! Basta sumakit ang tiyan ko kakatawa sa mga pinag-gagagawa nila, para lang akong baliw!

Though may mga scenes dito na medyo naboringgan ako i-rate ko to ng 4 stars. Hindi din sya advisable sa mga bata, nagfefeeling na bata, sa mga maaarte, at sa mga mahina at may sakit sa puso..baka ito pa ang maging dahilan na maitakbo kayo sa ER.

So kung gusto nyong manood….click my ASS

enjoy!
PS: di po nila ako binayaran para mag-promote kusang loob ko itong ginawa. bow!



Thursday, 11 August 2011

ABNORMAL, R U?

Posted by iya_khin at 11:10 17 comments


"But then, no artist is normal; if he were, he wouldn't be an artist. Normal men don't create works of art. They eat, sleep, hold down routine jobs, and die. You are hypersensitive to life and nature; that's why you are able to interpret for the rest of us. But if you are not careful, the hypersensitiveness will lead you to your destruction. The strain of it breaks every artist in time." - Irving Stone, Lust of Life



Tuesday, 9 August 2011

MULI

Posted by iya_khin at 22:14 20 comments

source

Sa kawalan ako’y nakasilip
Pilit pinipigil dibdib kong naninikip
Mga matang isang badya lang ay luluha
Wari mo’y unos kay hirap humupa

Sa pag-iisa’y pilit nagpapakatatag
Hirap sa paghinga,waring puso’y malalaglag
Bawat araw isipa’y lumilipad
Mga alaalang nakalipas sa aki’y kumakaladkad

Pilit ngumingiti kahit puno ng pagkukunwari
Hanggad ko lang nama’y makapiling kang muli
Sadyang minsa'y kay lumipit  ng tadhana
Pagsubok nyang inilatag sa’tin sana’y matapos na

Nais kong awitan kang muli
Nasa aking labi’y pag-ibig sayo’y mamutawi
Pagmamahal ko sayo’y lubos na nag-uumapaw
Mahal ko, sa aking puso’y tanging  ikaw.

Sa aking pagbabalik sana’y makapaghintay
Sumpaan sa isa’t isa’y syang magiging gabay
Sa may Kapal syang laging dalangin
Muling masisilayan ka at nananatiling akin.


Sunday, 7 August 2011

SULAT TOTOO

Posted by iya_khin at 22:48 30 comments

Hunyo 01, 2009

DUBAI… gusto kong makapunta! Ito ang sabi ko noong ako’y nasa aming bayan pa. Ito ang hangad sa karamihan nating mga kababayan, masilayan ang rangya at kaakit-akit na buhay dito na tinatawag nilang “ the city of dreams”.

Takbo dito takbo doon, halos magkandarapa ako sa paghahanap ng pera pangprocess ng mga papeles ko, makipagsiksikan at pumila ng pagkahaba-haba makiisa sa mga taong nagnanais makatakas sa hirap ng buhay at makalaya sa inaakalang tagumpay.Sa paliparan halos mapunit ang bibig ko sa laki ng aking ngiti, halos maglupasay ako sa tuwa pagkat sa wakas ako’y lalaya na! Ramdam ko ang lungkot ng aking mga iiwan, lungkot dahil sa mahabang panahon na di ko sila makakasama, ang aking supling na walang kamuwang-muwang ay iiwan kong lumuluha at nag-iisa, ngunit linunok ko lahat ang aking pangamba dahil sa isip ko’y ito’y para rin sa kanya.

DUBAI…wow!! Humahagik-hik akong mag-isa na parang sira ng makatungtong ako sa magarang paliparan nila, bungad palang ay batid mo na ang magarbong klase ng buhay na meron sila. Napakaganda ng paligid ni wala kang makikitang dungis, mga iba’t-ibang lahi ang aking kasabay nakikipagsabayan ako sa kanila habang masayang kumakaway.Paglabas ko ay biglang bumilis ang lahat, mga pangyayaring di ko sukat inakalang ito ang sasambulat sa aking harapan ng makita ko ang reyalidad ng bansang aking pinuntahan. Ito ang titirhan ko?? Bulalas ko sa aking sarili, masikip, makipot na kwarto na di ko alam kung aatakihin ako. Ni sa panaginip di ko inakalang ganito ang buhay ng mga kabayan ko, dahil sa tuwing sila’y makakausap di mo aakalain ganito ang kalagayan nila, may ngiti sa labi ni walang bahid ng lungkot ngunit sa gilid ng kanilang mata alam kong puno ng tiis at hirap.

Sa unang linggo ng pagdating ko’y napasabak agad ako sa trabaho, masasabi kong maswerte pa rin ako, di tulad ng iba ilang buwan at araw ang ginugol para makakuha ng trabaho. Sa mga nakalipas na araw ininda ko ang reyalidad isip ko’y di magtatagal at lilipas din ito, ngunit nagkamali ako habang tumatagal simisikip ang mundo ko. Di tulad sa atin may nanay at tatay na mag-aasikaso sayo, mas maswerte ka rin kung may katulong na magsisilbi sayo, ngunit dito sarili mo’y karga mo. Gigising ng napakaaga maliligo sa napakainit o napakalamig na tubig dahil nagmamadali ka, ni hindi pa nag aalmusal ay aalis kana. Kumakalam ang tiyan mo habang nagtratrabaho ka, iniinuman nalang ng kape para kumalma ang sikmura, mas mainam talaga kung may kaibigan ka dahil meron naman may tiyagang magdala ng pagkain at walang humpay ang pasasalamat ko sa kanila. Lumipas ang mga araw salamat pa rin dahil buhay pa ako, ni hindi alam ng mga magulang ko na halos mabaliw na ako…lalo na ng dumating ang hagupit ng krisis na patuloy na hinaharap natin ngayon, hay naku po paano na ako?

Di ko sinisisi ang nangyari sa akin sa simuman dahil niyakap ko itong buhay na sa akala ko’y mag-aahon sa akin at marangyang hihimlay, ngunit kung maiisip kong napakaraming bayarin  na naghihintay haay.. parang gusto ko ng mahimatay. Anim na buwan walang sahod, kinakapalan ang mukha kahit tuhod ay nangangatog malagyan lang ng kaunting laman ang tiyan na kumakalog di mo mahahalata dahil nagpapanggap na busog. Pilit na ngumingiti kahit sa loob-loob ko’y nagngingitngit, walang magawa kundi ang tumahimik. Paligid ko’y unti-unting lumilipas mga kasama’t karamay ko’y unti-unting nalalagas, sabi pa ng iba’y tayo na’t tumakas, pero may takot itong si kabatak sa itaas kaya’t heto ako’t lalaban hanggang manigas.

DUBAI.. di ko gustong dito mamatay, nasaan na ang rangyang pinangako? Ako sayo’y sumasamo, sa matataas mong gusali sa kinang ng iyong ginto sa lawak ng iyong paligid at sa rangya ng iyong palasyo ngunit bakit iniwan mo akong nagdudusang mag-isa sa disyerto.

Augusto 05, 2011

DUBAI..mga kabayan taas noong patuloy na lumalaban sa hamon ng buhay…mga kabayan hanggang ngayo’y umaasang sa dulo ng lahat ng pagsisikap at tiyaga, sa bawat usal ng panalangin, sa kada patak ng luha..uuwi parin sa sariling bayan na may dalang tagumpay at oo isa ako sa kanila!


Saturday, 6 August 2011

IYAH EL CLEOPATRA

Posted by iya_khin at 23:40 16 comments

google

Aaaaarrrrgggg finally!!! Halos 2 linggo din akong namahinga at naging abala sa layp-layp ko outside da bloggyworld. Sorry din kung madalang akong makadalaw sa mga kuta nyo dahilan sa inatake lang ako ng pagkatamad at nag-aunwind unwind ako kung saan-saan…di ko kasi kineri ang kalungkutan ko kaya bumackstroke muna ako sandali.

Anyway salamat din pala sa mga nakilahok ng pakontest ko, ongoing parin ito hanggang Aug. 17 kung gusto nyo pang humabol CLICK HERE.

So  change topic tayo..hmmm….gusto ko lang ikwento sa inyo ang nangyari sa akin kahapon! Na-excite ako kaya di ko mapigilan ang sarili kong hindi ito ishare sa inyo as if naman na may pakialam kayo  kaya read very carefully...

WARNING: Mahaba ito bawal ang skipread tsupeee!

Puyat ako kahapon dahil sa 3:33am na me nakatulog  ng madaling araw..oo hirap akong matulog now a days kaya gustong-gusto kong pinapagod ang sarili ko para makatulog ako ng maaga..yung tipong burlogs na ako para pag-uwi ko sa bahay me-idive na ako sa red bed ko. So ayun ng makatulog na ako me-ibeep-beep naman ang phony ko…

Friend: iya nandyan ako sa inyo in 10 mins sunduin kita miscol ako baba ka.

Waat?! Parang kakaidlip ko palang tas ang hapdi ng mata ko..tym check 7am..my golly 3 oras at kalahati palang ang naitutulog ko feeling ko parang 3mins palang. So ayun tayo naman ako…

Fast forward tayo…

Nitreat ako ni my friend sa SPA..akala ko ito yung ordinaryong spa lang..pero na-na-na-na-na! Hindi pala!
Una pagdating namin doon akala ko nasa CASA kami, liblib ang lugar yung tipong sadyain talaga. Ang daming bebot natitibo tuloy ako..lels..so pag pasok namin sa reception dinala kami nung isang babae dun sa parang parlor nila. Me-isitdown naman kami at nag-hintay..maya-maya pa’y nagsilabasan ang mga girls..nagtanong yung isang babae..Sino dito si IYA? Tas me-iraise my hand ako na para akong napipi. Lapitan sa akin ang 4 na babae! Kinabahan ako..kabog-kabog-kabog..kala ko anong gagawin nila sa akin..wag po bata pa po ako 1st tym ko to please make it slow  Hinawakan nila ang parts ng aking body..magkabilaan..kamay at paa at sila’y nag-umpisa. O my gad! Feeling ko talaga ako si Cleopatra! Nilinis nila sabay-sabay ang aking nails..kalurkie! nahihiya pa nga me kasi di ako sanay sa ganitong treatment at nakikiliti me masyado! Eeeeee!

Matapos nun kala ko ok na, yung isang babae tinawag na naman ako uli at dinala ako sa kabilang kwarto, sabi nya sa akin hubad..na pa HUH?! akong bigla. Hubarin mo damit mo sabi nung babae, tanong ko naman lahat?! naexcite me ng slight LELS..cge na nga..so me-ihubad naman ako, pati underwear?! Pahabol kong tanong sa kanya, bra lang tanggalin mo…kinakabahan na naman ako kabog-kabog-kabog pinapasok nya ako sa steamroom na may babaeng nakahubad din! My golly anong gagawin namin?!!! Sabi ng babaeng nakahubad..umupo ka, dahil sa masunurin ako umupo naman ako at nakiramdam. Maya-maya pa’y dahan-dahan nya akong hinimas-himas with something madulas. Tinayuan ako ng balahibo, grabe nakikiliti talaga ako, tas bigla akong nakaramdam ng init..dahil dahan-dahan nya akong pinaliguan ng warm water..oo pinaliguan nya ako! Shinampoo at sinabunan nya buong sexy body ko, para akong batang pinapaliguan pigil ang ngiti ko para akong baliw na nabubungisngis. Pagkatapos nun akala ko lalabas na ako, bigla nyang sinabi, halika dito higa ka.WATTDAPIG?! Si iya wet na wet pahihigain nya! Medyo nahihiya na ako pero dahil nacucurious ako me-ihiga naman ako. Alam nyo yung parang sa palengke yung naglalako ng isda..yung nakadisplay sa tiles..ganun dun nya me pinahiga.

Tapos may ipinahid na naman syang samting na madulas sa buong sexy body ko, si ate sobrang tyansing na lahat hinawakan at hinimashimas nag-iinit tuloy ako! LELS uli! Sandali lang ha sabi ng babaeng hubad..babalikan kita after 5 mins. Shaaaaaks nambitin pa! So lumabas sya maya-maya pa’y biglang umusok sa loob…para akong ini-isteam..tanga lang nasa steamingroom nga ako! Tas after 5 mins bumalik nga si ate, inutasan akong dumapa, dahil nga sa likas talaga akong masunurin dahan-dahan dumapa ang naked body ko kasi madulas! Duh! Himas doon himas dito..maya-maya pa uli’y biglang may magaspang syang hinilod sa katawan ko..my gaaad ulit! Shaaaksss nililibagan ako ni ate!!! Waaaaaahhh! Hilod dito hilod doon, para nga talaga akong fish na kinakaliskisan, harap sabi nya..harapan naman ako, hilod-hilod lahat wala na akong naitago kay ate, nakabuyangyang na lahat! Napapa-eeeewwwww ako!! Dami kong libag!! Di pala epektib ang palofa-lofah lang! waaaahhh! Pagkatapos noon, pinaluguan nya ako uli, parang sa carwash lang nilinis nya buong sexy body ko.

Matapos ang libagan, kala ko tapos na ang lahat…teka napapagod na akong magkweto..inom muna ako…

So naked pa din, dinala uli ako nung isang babaeng naka-damit sa kabilang room naman..dis tym may kama!! Ito na ba yon?! Dahil sa malinis na ako eh uumpisahan na namin?! May isang babae na naman na pumasok, ano ba yan puro babae naman!hmmp!  Pinahiga nya ako sa bed..imagine hubad pa din…ahhhh yon pala yon, imamassage nya pala ako and facial! Sensya nakakapagod na magkwento ng ibang detalye..inantok ako sa loob at nawalan ako ng malay…

So sumatutal….my skin is glowing at ang bango-bango ko! kaadikan ko parang gusto ko ng pagnasaan ang sarili ko! lels na lels lang!

Salamat pala sa sponsor! Sa uulitin!

Da end!


LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review