Thursday, 18 August 2011

PIPI

Posted by iya_khin at 11:36
deviant
Sa kalagitnaan ng gabi'y humihikbi
Mga luhang pinigil sa umaga'y mapagkunwari
Kalungkutan sa aki'y bumabalot
Nilalamig wari mo'y walang saplot

Hanggang kailan mag-iisa
Hanggang kailan mangugulila
Paulit ulit nangangapa
Habang ang mundo'y nagpapakasasa

Di nyo ba batid o sadyang nabulag na
Sa bawat obra'y pilit na nagpapatawa
Kahit sarili'y nirurungisan na
Para lamang ikubli ang katotohanang nadarama

Tunay na damdami'y gustong humiyaw
Sadlak sa kadiliman gustong magsisisigaw
Tikom ang bibig halakhak ang iyong nadinig
Wari'y napipi na walang magawa kundi ang tumitig.


16 comments:

Bino said...[Reply]

ramdam ko ang tula na to. ang lungkot. pangungulila.

Sey said...[Reply]

may kurot sa puso ko ang tulang to, dahil minsan sa buhay ko pakiramdam ko nag-iisa ako!

Kikong Makata said...[Reply]

Tulang iyong nadarama
wangis ng iyong pag-iisa
Dalangin ko nawa'y guminhawa
maibsan ang iyong pangungulila

Bukas pagsikat ng haring araw
kapalit nito'y liwanag sa mukhang mapanglaw
Damhin mo ang pangakong pag-asa
sa bawat ganda ng sikat ng umaga.

Hindi maiiwasang ikaw'y magkaganyan
Tulad mo rin akong may parating inaabangan
Akap sa panahon ng kalungkutan
ginhawa sa ating kalooban.

Anonymous said...[Reply]

ang lungkot nito..:( kaya mo yan iya..

joeyvelunta said...[Reply]

Hanggang kailan mag-iisa?
Pangarap na ika'y makasama
Sana ika'y dumating na

Anonymous said...[Reply]

Wala akong maisip upang ika'y mapasaya,
At mapawi ang iyong lungkot na nadarama,
ngunit ang tanging gusto ko'y ikaw ay lumigaya,
siguro'y namimiss mo lang ang patola ng iyong asawa.


PS: solmayt!! wag ka na malungkot.. cheer up na!!

Dhianz said...[Reply]

naks hanggaling ahhh.... malufet! =)

naks soulmate moh palah si friendship SOB... =P

Godbless!

Jag said...[Reply]

tiyak marami ang makarelate nito...

gumagaling na si Iya sa knyang craft...keep it up!

musingan said...[Reply]

hayst... sana di ko na lang binasa... nalungkot tuloy ako... kakainis ka iya....

David said...[Reply]

Salamat nalang at di ako pipi.

Eli said...[Reply]

omg. this is sooo pure. I love it. nakakainggit hindi ko kayang magsulat ng ganyan kaganda. madalas na ako tatambay dito.

EngrMoks said...[Reply]

malungkot na naman Iyah! pero ang wafung tula!

eMPi said...[Reply]

grabe! ramdam na ramdam ang tula!

Diamond R said...[Reply]

Pa hug iya. ang lungkot ng tula.

Arvin U. de la Peña said...[Reply]

malungkot ang laman ng tula mo.....mahilig ka talagang magpalungkot..

Anonymous said...[Reply]
This comment has been removed by a blog administrator.

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review