Tuesday, 25 September 2012
Monday, 24 September 2012
emo as always
Hindi ko alam kung paano ko
sisimulan ang post na ‘to, hirap akong magtipa ngayong mga panahong ‘to. Hindi
ko din alam kung may napapadaaan pa sa blog kong ‘to pero yaan na basta try ko
lang ulit mag-update baka sakaling may mapadaan at maglaan ng time para
magbasa.
Sad..lagi naman diba..ano pa
ba ini-expect nyo sa blog kong ‘to? Hindi po ako nandadamay para malungkot kayo
or what pero ito kasi ang hingahan ko….di po ako nagkakalat ng negative vibes.
Lahat ng kaemohan at pasakit sa katawan lalo na sa puso pati na din sa coconut shell ko eh
napagdaanan ko na ata..halos gutay-gutay na ako at basag na basag na…durog kung
durog..ewan….Gusto kong magsisisigaw, gusto
ko din umiyak ng umiyak buong araw kaso di ko magawa..bato na ata ako.
Halos every week gusto kong
lumaklak ng alak, badtrip lang di na ako tinatablan manhid na nga yata ang
katawan ko. Araw-araw nagbababad din ako sa gym pagkatapos ng trabaho,
dumideretso na ako don para pahirapan at pagurin ang sarili ko to the extent na
maubos lahat ng lakas ko para pag-uwi ng bahay bangenge na ko sa pagod…wala ng
time mag-isip…ngarag na..
“Lingid sa inyo kalungkutan ko’y umaapaw,
pagluluksa sa katauha’y dumadaloy nangingibabaw,
maskarang suot di nyo alintana
ngiti sa mukha’y pilit kong ipinipinta.”
Gusto kong dayain ang sarili
ko, gusto kong takasan lahat ng mga gulo at gusot sa buhay ko. Ang hirap lalo
na pagwala kang karamay. Meron ngang dumating pero ano?! Masahol pa sila sa
ahas, sinakmal kana nga pipigain ka pa, pagwala na silang makuha bigla kang
bibitawan at iiwang lupaypay. Bato-bato matamaan ka sana! Nasaan KA, KAYO
ngayong naghihingalo ako?!!
“Buti nalang din may bagong kaibigang nakilala
Kanya-kanyang pwesto sa kadilima’y parehong nangangapa
Ako, siya, sila, kami pareparehong nakatunganga
Sa silid pampalakasan nagpapagal, umaasa.”
Si Anna, si Ria, si Jass….di
palang ganun katagal pero para kaming Nokia, we connect! (ala special mention
lang! Mema lang! :p)
Sabi ng iba mag-enjoy lang daw
ako, enjoy?!! SPELL?!! At the end of the day backstroke na naman ako ng
bonggang-bongga, mas malupit pa sa plangganang butas!
Gusto kong mainlove, I mean
inlove pala ako…pero bawal…pigil..ayoko na…masasaktan na naman ako..katakot
na…mahirap magtiwala…baka sa huli lolokohin lang din ako at iiwan.. ewan..ang
gulo…nakakabaliw….pero mahal ko na….yun lang…
I miss my dad…
I miss my brothers…
I miss my son…
I miss me…
Birthday ko pala…happy
birthday to myself…cheers!
Wednesday, 19 September 2012
Tuesday, 11 September 2012
warning..book review!
"I want to bite that lips." - christian grey
"Greek god wants me and I want him, here..now, in the elevator." - anastasia steele
Kaloka!!!!
Sinabihan na kasing wag magbabasa nitong book na 'to lalo na't wala kang kapareha!!!
waaaaahhh!!! kill me please!!!
Sinabihan na kasing wag magbabasa nitong book na 'to lalo na't wala kang kapareha!!!
waaaaahhh!!! kill me please!!!
Tuesday, 4 September 2012
REHAB
“You need a shrink more than I do!” – Vince
Weirdo?!! Who?!! Me?!! Bagong
issue pa ba yan?! Hmmmm?!!
Baliw, loka-loka, adik, sira,
bipolar, emo ect..ect…
I have many names but all I
know is…
It’s just me being vocal and
true to what I’m thinking and about my feelings, is that a valid reason enough
that they’re thinking I’m a retard?! Hmmmm…..
Well, we all have different
opinions, reasons and I respect that, I won’t even argue about it…ummm.. not to
the extent also that they’ll be pulling my leg…. But I’m willing to…. (#lies)
Dami kong gustong ikwento..nakaka-nosebleed
ang mag-english kaya ititipa ko nalang ito sa sarili nating pambansang wika.
(yeah rakenrol! \m/)
“Hold my hand while you cut me down, it’d only just began but now it’s
over now.”
Yeah, hell ye! I’m dead
tired!! (diba sabi ko dapat tagalog?!!)
Pagod na ako sa maraming
bagay, pagod na pagod na ako sa redundancy ng buhay ko….i’m so tired cleaning
others mess while I’m putting myself at risk. I’m not YOUR or WHOEVER’s
superwoman….
I’M ONLY HUMAN!
I’m so sick of those lies,
promises, terms and conditions, manuals, guide books, guidelines, parental,
reports, news, graphs....haiiiisstttt!!!!
My brain’s so distorted, my
heart’s broken…damn!! Lasog-lasog na ako, bulag ba kayo?!!
“If happy ever after did exist I would still be holding you like this
All those fairytales are full of sh*t, one more stupid love song I'll
be sick”
I’m so sick……….
Anna: Finish you?!
Iyah: finish me?!!
Anna: let’s kill them!!
Iyah: yeah all of them!!
Psychotic?!! Who?!! Us?!!
Naaaaahhh…… di lang talaga kami swerte sa mga taong minahal at minamahal namin
kaya siguro ganto kami.
Napakahirap gamutin ang sakit
lalo na’t malala na dahil sa KATANGAHAN!
Tanga bang talaga o
nagtatanga-tangahan lang?!
“ Ako naman kasi super tanga, isang milyong rason na nasa harapan ko… sana tinigilan ko na…kala ko kaya kong maging civil kami..” – ANNA
“ Ako naman kasi super tanga, isang milyong rason na nasa harapan ko… sana tinigilan ko na…kala ko kaya kong maging civil kami..” – ANNA
“Ayoko ng lokohan.” - IYAH
“Napakamalas ko sya natagpuan kong manloloko, ako kasi nagpaloko. Kay
sakit isipin ako nagdudusa sa lahat samantalang sila nagpapakasaya..” –
ANNA
“Hindi naman ako masamang tao…nagmahal lang ako…inaamin ko naman
kasalanan ko..ganito pala ang kapalit..pero sana matapos na ang hirap.” –
ANNA ( I second the motion – IYAH)
“Siguro I need to be the right person to be with the right person.”
– ANNA
“I should learn to be happy without men…” – ANNA
“weeeh?!! Di nga?!!” – IYAH
“I surrender in this battle…white flag!” – ANNA
Ganto kaming dalawa kabaliw
kaya siguro pinagtagpo kami ng tadhana, pareho kaming kumakanta ng…
“We found love in a hopeless
place..” LELs lang!!
Yaan na nga!! Enjoy nalang
tayo..pasasaan ba’t magiging happy din tayo!
Sunday, 2 September 2012
PARA!
Ako’y napapailing sa kahapon
aking nagawa
Nalulong sa drogang inalay mo
aking sinta
Ngunit nagising na at ako’y
ngayo’y natatawa
Ang gaga ko palang talaga di
ako makapaniwala.
Kanina lang kasama ka’t tayo’y
masaya
Di ko alintana sa kabila ng
lahat ikaw pala’y nakamaskara
Balot ng kasinungalingan
matatamis mong salita
Hunghang ka, alam ko ang lahat
hindi ako tanga.
Ah oo nga pala, ako pala’y nagpakatanga
Isa ako sa mga nakihelera sa
dyipney mong pampasada
Nakisakay sa nagsisiksikang
ispasyo kasama ang iba
Para-para, bababa ako’t di na
ako makahinga.
Paulit-ulit ngayo’y nagsawa na
Paulit-ulit ako di’y napapagod
na
Unti-unti’y nakakatayo na sa
aking pagkakadapa
Sayang lang minahal kita
ngunit napapanahon ng iwanan ka.
Pagmasdan mo akong mabuti bago
kita lisanin
Ito bang pagmumukhang ito ang
kaya mo lang lokohin?
Hayop ka, bulag ka bang
talaga?
Magbubuhat ng bangko, pero mga
babae mo’y ang chachakang talaga.
Nagpapasalamat sayo ako’y
tinulungan mo
Ngunit di yon dahilan upang
sirain mo buong pagkatao ko
Durugin at pasakitan ng husto
ang nag-iisang puso ko
Mahal kita…pero paalam…pakyu
ka!
Subscribe to:
Posts (Atom)






















