Showing posts with label OFW. Show all posts
Showing posts with label OFW. Show all posts

Monday, 16 July 2012

STRESSED OUT!

Posted by iya_khin at 01:39 10 comments
google

Haaaaaiiiissst naman talaga!! Sarap mambugbog ng pandak na indiano!! Kakaloka! Hindi talaga madaling mag-abroad lalo na pag-demonyo ang magiging amo mo! Actually hindi naman about sa akin ang post na ‘to pero affected much ako to da maximum level! This concern is about a dear friend of mine na sobrang lapit sa puso ko.

Ako kasi yung klase ng tao na ipaglalaban ko ng patayan ang kaibigan ko lalo na ang mga mahal ko. Ayoko kasing nakikitang agrabyado sila lalo na pag-inaapi. Actually hindi naman sya inaapi kundi iniipit! Alam nyo ba yung mga tawag sa mga taong humahadlang para maging maginhawa o umayos ang buhay mo?! Kung sa inuman basag trip sila?!! Sarap talaga nilang ilampaso at i-upog-umpog sa pader!! Mga ingetero!! Letche!!

Nakakapanlumo talaga pag ganun ang mga nagiging amo ng mga kabayan natin dito, hindi madali para sa isang OFW na tulad ko na iniipit ka ng amo sa kadahilanang nakahanap ka ng mas magandang trabaho. Eto pa, buti sana kung pinapasahod ka nila ng maayos at hindi sobra-sobra sa oras ang pagtratrabaho o pasok mo. Oo nga’t nagpapasalamat ka kasi dahil sa kanila nagkaroon ka ng trabaho sa ibang ibayo, pero hindi naman siguro utang na loob mo yun sa kanila dahil wala ka namang utang na loob na dapat pagbayaran dahil pinagtrabahuan mo naman ang kada sentimong pinapasahod nila. Fair enough!

Kaso mga adiktus sila, at dahil may salitang ENVY nag-eexist ang mga hayop na tulad nila. Iipitin ka dahil ayaw nilang mapaayos ka! Sarap talaga nilang sikmuraan! Kesyo daw dapat bayaran muna ng friend ko lahat ng ginastos nila sa kanyang visa blah-blah-blah! Hello!!! sira ba tuktok nila?!! Eh yung sahod nya ng isang buwan kasama ang leave pay at gratuity nya eh hindi pa nila ibinibigay tapos pagbabayarin sya?!!! !#@$#$%^%^%& mapapamura ka talaga! Kaso wala kang magawa kasi nasa kanila ang passport mo cancellation at kung ano-ano pang mahahalagang papeles mo, hindi nila irerelease hangga’t hindi ka magbayad! Hmmmmppp! Nakakagigil talaga..wala kang kalaban-laban.

Sana ang tulad nila sinisilaban ng buhay at tinatadtad hanggang maging giniling at ipakain sa asong ulol!

Nakakastress! Lalo na’t di mo alam kung saan ka maghahagilap ng pambayad….

Haaiiissst talaga!!


Saturday, 11 June 2011

360 +++

Posted by iya_khin at 23:39 13 comments


Biyernes araw ng pahinga sa trabaho ng mga taga-disyerto, araw na laging inaabangan ng halos lahat ng tao mapa-pinoy man o ibang lahi…

Lablayp: labs gising…aalis tayo…
Ako: hmmmm…ano ba antok pa ako…
Lablayp: may pupuntahan tayo samahan mo ako…
Ako: whhhaaaaaattt??!! Naman eh!

So ayun backstroke ang beauty ko..alas syente ng umaga parang papasok lang sa opisina tumayo akong pupungay-pungay.

Jobfair…sa apat na taong inilagi ko dito sa Dubai 1st tym kong makadalo sa ganitong programa para sa mga OFW. Pagdating namin doon saktong 8:30am late ng 30minutes sa pag aakala namin na di pa naman agad magsisimula, so tambay sandali sa labas ng stadium. Syempre majority puro kabayan ang nandun kaya chika-chika muna sandali..ako na ang Ms. Congeniality!  Mga ilang minuto pa ay niyaya na ako ni Lablayp pumasok sa loob. Sa may lobby sobrang tahimik aakalain mong wala pang tao, pero nung makarating na kami mismo sa loob ng basketball court…HOMAAAYYGAAAADD!!! Ito ang aming dinatnan.....




Nung una aakalain mong nasa tyangge ka or yung mga sale pag may fiesta dahil sa dami ng stands. Nagmasid-masid ako sa paligid……nagsimulang madurog ang puso ko……

Pinoy…lahat gagawin para sa kinabukasan ng pamilya..lahat nangangarap..lahat nagbabakasakali…lahat nag-aabang..lahat umaasang ito ang paraan para makaahon sa kahirapan at makamit ang kaginhawaang inaasam-asam…sa totoo lang nakakaawa….

Habang nakaupo kami doon at nag-aabang na matawag ang kanya-kanyang numero napansin kong lahat nakangiti, pero kahit anong tago nila sa tunay na nararamdaman bakas parin ang kalungkutan at umaasa na baka sakaling dito nila makuha ang trabahong hinahangad. Naiiyak ako…kung bakit naging ganito ang kapalaran ng mga kabayan ko..nandyan ang mga naka visit visa, terminated sa trabaho, takas sa malulupit na amo at kung ano-ano pang dahilan kung bakit sila nandidito ngayon.

Bakit pa kailangan lisanin ang bayang sinilangan, sino ba talaga ang nagkulang? Bakit kailangan pang magsakripisyo na malayo sa mga mahal mo kung ang kapalit naman nito ay walang kasiguruhan…bakit kailangan pang humantong sa pag-iibang ibayo? Sabihin na nating oo nandito nga ang mag-aahon sayo…pero hindi ba’t ang dami din nawasak na mga pamilya dahil dito? Ano ba talaga ang mas mahalaga?

Ang daming tumatakbong katanungan sa isip ko, kung bakit kailangang pang humantong sa ganito ang kalagayan ng mga kababayan ko…at isa na ako dun…nakakapanlumo..isama mo na ang mga walang awang kurakot sa ating gobyerno..ginagatasan ang mga kababayang masahol pa sa kalabaw kung magtrabaho..at eto pa ang masaklap..wala pa ngang trabaho peperahan na agad bago ka muna makalabas ng Pinas! Saan ka pa?! Sarili mong bayan winawalang hiya kana, kaya siguro mas ninanais pa ng mga kabayan na balahurain sila ng ibang lahi kesa sa atin na wala kang mapapala..tsk..tsk..tsk…

360…numero ni Lablayp..nag-aantay..nagbabakasakali…paano pa kaya ang sunod sa kanya +++?….reyalidad..lahat nag-aabang..umaasa na isang araw maabot din nila ang kinang at talim ng tala…

sila kuya posing ng pag-asa

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review