Showing posts with label mistake. Show all posts
Showing posts with label mistake. Show all posts

Thursday, 20 December 2012

Daan

Posted by iya_khin at 01:11 7 comments
deviant

Patawad....patawad....hindi ko sinasadya...please huminto ka na..
Nanginginig at pahagulgol na sambit ni Clara habang nakalapat ang kanyang mga kamay sa kaliwang tadyang ng asawang si Joshua habang patuloy itong tinatagasan ng dugo.

Nag-aagaw buhay...

*isa...dalawa...tatlo....

Mamatay kana!

-----

Tulong!!! Na-snatched ang bag ko!! Pasigaw ni Maria habang hingal na hingal sa paghabol sa mamang holdaper sa kahabaan ng Ermita. Nilalaman ng bag ang perang kanyang nalikom sa loob ng limang araw na paglalagi sa Casa, pangpagamot sana sa anak nyang nag-aagaw buhay dahil sa dengue.

Biglang tumunog ang telepono...

Ate, wala na si Mina...

*Miss!!!

Isang rumaragasang kotse ang biglang bumulaga sa kanyang harapan.

Nangingisay...

...durog ang ulo't labas at nagkalat ang utak.

-----

Tulalang nakatitig sa kawalan si Danilo habang nakatayo sa gilid ng ika-dalawampu't limang palapag ng gusali. Malamig ang simoy ng hangin, nakakapanindig balahibo.

Napakawalanghiya mo Brandon! Hayop ka! Nagawa mo pa talagang magdala ng putang babae dito sa loob ng pamamahay ko! Matapos kong gawin at ibigay ang lahat sayo eto pangkababuyan mo ang igaganti mo sa akin?!!

Oo! Dahil sawang-sawa na ako sa pagmumukha mong bakla ka!! Kung baboy ako mas baboy ka, binaboy mo pagkatao ko!!!!

*Masarap ang hangin...

Parang gahibla ng balahibo...

sarap magpatangay...

Pikit mata...eto na...

-----

anong meron sa kisame? wala naman akong makita.
anong meron sa silid na 'to? heto't ako'y nag-iisa.
ano ba ang meron ka? tinangay mo pati ang aking kaluluwa.
*ano ba itong nasa leeg ko? pisi ng buhay ko.
ano ba itong nasa paanan ko? huling tungtungan ko.


Monday, 31 January 2011

VAIN

Posted by iya_khin at 23:20 1 comments

Distorted I don’t know what to do

Whirlwind blows up my mind

I feel fainted, so dizzy thinking of you.

How long will it end?

How far would I run?

How deep do I hide?

How will I remain to stand still?

I saw the light, so high to reach it

I saw your hands, I’m afraid I might lose my grip

Am I a failure?

Will I ever get out of this mess?

Tuesday, 30 March 2010

UNWELL

Posted by iya_khin at 03:19 4 comments
In my deepest pain I grieved
My hearts breaking, tears are falling
Can’t help myself not to think
What I have done are all mess
My efforts are all meaningless.
his riches I don’t need
his promises are tricks
he hold me captive
See now, I’m almost drowning.
Yes, everything now is meaningless
My time, my strength, my youth wasted
Day and night I have labored
Still I see my hands empty
he gave me stone instead of bread
he gave me poison instead of water to drink.

Now great storm is around me
Thunders striking, winds heavily blowing
Hold me now, I’m losing my grip
It’s so strong, take my hands don’t let go
My God, my Savior I call unto you.

My God I cry unto you
I have sinned
Many times I failed you
I’m so weak, I’ve been deceived
My Lord, help me to make it through.

Hear me Oh Lord
I know these are the consequences
Help me to bare it, be my shield
Help me to fully trust in you
I’m laying down all my of burdens under your feet.

Sunday, 18 October 2009

SULAT TOTOO....

Posted by iya_khin at 02:22 19 comments

DUBAI… gusto kong pumunta! Ito ang sambit ko nung ako’y nasa aming bayan pa. Ito ang hangad sa karamihan nating mga kababayan, masilayan ang rangya at kaakit-akit na buhay dito na tinatawag nilang “ the city of dreams”.
Takbo dito takbo doon, halos magkandarapa ako sa paghahanap ng pera pangprocess ng mga papeles ko, makipagsiksikan at pumila ng pagkahaba-haba makiisa sa mga taong nagnanais makatakas sa hirap ng buhay at makalaya sa inaakalang tagumpay.Sa paliparan halos mapunit ang bibig ko sa laki ng aking ngiti, halos maglupasay ako sa tuwa pagkat sa wakas ako’y lalaya na! Ramdam ko ang lungkot ng aking mga iiwan, lungkot dahil sa mahabang panahon na di ko sila makakasama, ang aking supling na walang kamuwang-muwang ay iiwan kong lumuluha at nag-iisa, ngunit linunok ko lahat ang aking pangamba dahil sa isip ko’y ito’y para rin sa kanya.
DUBAI…wow!! Humahagik-hik akong mag-isa na parang sira ng makatungtong ako sa magarang paliparan nila, bungad palang ay batid mo na ang magarbong klase ng buhay na meron sila. Napakaganda ng paligid ni wala kang makikitang dungis, mga iba’t-ibang lahi ang aking kasabay nakikipagsabayan ako sa kanila habang masayang kumakaway.Paglabas ko ay biglang bumilis ang lahat, mga pangyayaring di ko sukat inakalang ito ang sasambulat sa aking harapan ng makita ko ang reyalidad ng bansang aking pinuntahan. Ito ang titirhan ko?? Bulalas ko sa aking sarili, masikip, makipot na kwarto na di ko alam kung aatakihin ako. Ni sa panaginip di ko inakalang ganito ang buhay ng mga kabayan ko, dahil sa tuwing sila’y makakausap di mo sasabihin ganito ang kalagayan nila, may ngiti ni walang bahid ng lungkot ngunit sa gilid ng kanilang mata alam kong puno ng tiis at hirap.
Sa unang linggo ng pagdating ko’y napasabak agad ako sa trabaho, masasabi kong maswerte pa rin ako, di tulad ng iba ilang buwan at araw ang ginugol para makakuha ng isa. Sa mga nakalipas na araw ininda ko ang reyalidad isip ko’y di magtatagal at lilipas din ito, ngunit nagkamali ako habang tumatagal simisikip ang mundo ko.Di tulad sa atin may nanay at tatay na mag-aasikaso sayo, mas maswerte ka rin kung may katulong na magsisilbi sayo, ngunit dito sarili mo’y karga mo. Gigising ng napakaaga maliligo sa napakainit o napakalamig na tubig dahil nagmamadali ka, ni hindi pa nag aalmusal ay aalis kana. Kumakalam ang tiyan mo habang nagtratrabaho ka, iniinuman nalang ng kape para kumalma ang sikmura, mas mainam talaga kung may kaibigan ka dahil meron naman may tiyagang magdala ng pagkain at walang humpay ang pasasalamat ko sa kanila.Lumipas ang mga araw salamat pa rin dahil buhay pa ako, ni hindi alam ng mga magulang ko na halos mabaliw na ako…lalo na ng dumating ang hagupit ng krisis na patuloy na hinaharap natin ngayon, hay naku po paano na ako?
Di ko sinisisi ang nangyari sa akin sa simuman dahil niyakap ko itong buhay na sa akala ko’y mag-aahon sa akin at marangyang hihimlay, ngunit kung maiisip kong napakaraming bayarin sa credit card at loan haay.. parang gusto ko ng mahimatay. Tatlong buwan walang sahod, kinakapalan ang mukha kahit tuhod ay nangangatog malagyan lang ng kaunting laman ang tiyan na kumakalog di mo mahahalata dahil nagpapanggap na busog.Pilit na ngumingiti kahit sa loob-loob ko’y nagngingitngit, walang magawa kundi ang tumahimik. Paligid ko’y unti-unting lumilipas mga kasama’t karamay ko’y unti-unting nalalagas, sabi pa ng iba’y tayo na’t tumakas, pero may takot itong si kabatak sa Itaas kaya’t heto ako’t lalaban hanggang manigas.
DUBAI.. di ko gustong dito mamatay, nasaan na ang rangyang pinangako? Ako sayo’y sumasamo, sa matataas mong gusali sa kinang ng iyong ginto sa lawak ng iyong paligid at sa rangya ng iyong palasyo ngunit bakit iniwan mo akong nagdudusang mag-isa sa disyerto.
Patawad mga magulang ko kung sa inyo’y di nakinig, ako’y nalunod dahil akala ko’y ako ay ihahatid, ng pangakong hatid ng lupang ito yun pala ay pighati’t pasakit.
DUBAI ikaw ba ang syang may sala ng buhay kong ito ngayo’y nakalugmok sa kawalan?Tanong ko lang ay bakit mo kami pilit na iniipit, tatlong letra lamang ang aming hiling bakit ito’y iyong pinagkakait?
Sa mga taong nakakabasa nito huwag po kayong malungkot, nais ko lang ay inyong marinig ang munti kong tinig, hiling lang ay panalangin na kami’y makaraos din dahil mga kasama’t kabayan mong iba’y ganito din.
PS: re-post ko po ito, i wrote this last June...

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review