Yung walang sing-sing pero kuntento..
Chatroom:
Blue: ano na?
Kengkie: ayoko nga!
Blue: bakit naman? para number lang eh..please…
Kengkie: ayoko nga sabi eh, para ano pa eh naguusap na nga tayo dito.
Blue: syempre gusto ko din marinig angelic voice mo..
Kengkie: boses palaka ako kaya wag kang masyado magexpect! Toinks ka!
Blue: hahaha! ibig sabihin nun malamig ang boses mo kasi diba ang palaka lumalabas lang ang boses kapag tag-ulan?!
Kengkie: ngeeeek! Ewan ko sayo! Korny mo! Need ba talagang irelate ang palaka sa ulan?
Blue: cge na please?
Kengkie: ba’t ba ang kukulit mo? Tumigil ka!
Days later….
Chatroom:
Blue: haay….bigla akong nalungkot…comfort me naman lab ko..
Kengkie: lab ka dyan! Lab-labin mong mukha mo! Kapal nito! Tseee!
Blue: di bale ng kumapal kahit na mga kalyo ko sa paa maging akin ka lang!
Kengkie: hahahah! Patawa ka! Kung masapok kaya kita! Umayos ka nga!
Blue: maayos naman ako ah..
Blue: nalungkot lang me kase di ko na naririnig yung mataray na customer namin..
Kengkie: kita mo palekero ka pa!
Blue: di naman ‘no, sayo lang ako, naalala ko lang naman kasi ala ng nagbubunganga! Hahaha
Kengkie: ayaw mo nun di kana maririndi! Hahahah! saan ka ba kasi nagwowork?
Blue: dito-dito lang at dyan dyan lang, gusto ko na ngang mag resign eh!
Kengkie: hehehe! di nakakatawa! :p
Kengkie: ba’t ka naman magreresign pala?
Blue: kasi mag aaply ako sayo…etong cv ko…puso ko…
Kengkie: wwaaaaaaahhhhhhhhh! Nakakaloko ka ah!
Blue: mahal kita….will you marry me?
Kengkie: hahahahahaha! Nililipad ako sayo! Ayos ka din ano?!
Blue: alam ko namang mahal mo din ako eh
Kengkie: kaaaappaaaalllllll!!! Feeler ka masyado!! Maghulus dili ka, di mo alam pinagsasasabi mo!
Blue: pwede ba kitang maging misis? Lab u…
Kengkie: waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhh!
ETCHOOOS
Kyla: buti naman at napalitan na itong router, grabe pinag init muna ako ng mokong na yun bago asikasuhin ‘to!
Bff: hahaha! eh loka-loka ka din naman eh! di naman sya yung gumagawa nyan kaya nga tinawag na CSR hindi technician! Gaga!
Kyla: pero infairness, ang kyut ng voice nya…kahit muntik-muntikan ko na syang ma-mura eh kalmado pa din ang ungas!
Bff: Timang! Landi mo!
Chatroom:
Kengkie: I do na nga…lab na din kita……..
Blue: I know….mahal din kita…
to be continue.....