Showing posts with label celebration. Show all posts
Showing posts with label celebration. Show all posts

Friday, 5 July 2013

Naka-ummm na ako, kaya eto sayo!!

Posted by iya_khin at 03:27 2 comments

This is it....oooh.... i finally found someone......

ano na?! eeeekk! alam ko inaabangan nyo 'tong post na 'to hehehe sensya naman nagsunod muna ako ng taba kaninang umaga kaya ngayon ko lang ito nagawa. Actually, nahirapan akong maghagilap ng judges para sa kontest kong "Naka-apat na si Iyah, pumayat kana ba?' hehehe nahirapan pa talaga ako sa lagay na yan! 

Akala ko talaga lalangawin ang kontest pero masaya ako kasi sinuportahan nyo pa din ako kahit papaano. Haaiiiisst..nakakatamad na talagang magblog minsan pero trying hard pa din ako kahit wala ng taong naliligaw dito.

So dahil nga sa nagpakontest ako, syempre dapat merong manalo! hehehe! pero bago ang lahat eto muna comment ng mga hurado..

Sya nga pala salamat sa pitong sumali, salamat talaga sa inyo sana isa-puso nyo yung mga tulang isinulat nyo. Salamat din sa mga hurado nauto ko na naman kayo! hehehe!

reason y i like the entry ___________dahil akma sya sa theme mo at the same time nag rhyme sya... para sa akin kasi  ang tula hndi lamang sa metaphor or delivery ng poems... na coconsider din dito paano nagagamit ang mga salita na magkatunog. at kung habang basahin mo sya..parang ang gaan basahin at nakakatuwa.. one word sa nagsulat nito. SMART! " - cathy

"May napili na ko, yung pang ___________”.
 Gusto ko sya kse:

1.       Straight to the point towards the topic- about health.
2.       Sakto lng yung haba ng tula, di maigsi, hindi den mahaba
3.       Wlang msyadong sinasabe na di tugma sa theme
4.       Masarap sya basahin kumpara sa ibang poems
5.       Pwedeng slogan yung ibang stanza
6.       May panawagan sa taong makakabasa
7.       Simple lang yung mga words na ginamit – madaling intindihin
8.       Makes the readers realize about healthy living na hindi mukhang ipinipilit syo to live healthy,
pinaparealize na may mga bad habits na dapat pag attention –parang ganon." - joyce

" Nakakatense, habang binabasa ko nagdidikit ang dalawang betlog ko, ganun ka-tense ang dating sa akin, kaunti na lang ay titirik na pati mga mata ko. Bersyon ito sa ng tula ng movie na Shake Rattle and Roll part 1, 785, 410, para itong isang episode na may title na _______. May isang sumpa na nagpasalinsalin sa pamilya nila ng mahabang panahon, at siya lang ang makakapagpatigil nito, dahil siya ang the chosen one. Hindi man niya maiwasan hindi dumaloy sa kanyang mga dugo ang sumpa, may paraan naman siya para maiwasan ito o maputol niya. Isa itong paglalakbay sa buhay na punong-puno ng pag-asa." - akoni

Ilan lang ito sa mga komento ng mga hurado, sinadya kong di ilagay sino napili para walang hurt feelings, yung ibang komento di ko na din isinama dahil wala silang explanation! LOL! heheheh!

So sino ang namarkahang manalo?!!

Ang prize?!

1 pair of adidas running shoes

Sana magamit mo ito para masimulan mong isabuhay ang healthy living! Para sa susunod ikaw naman ang maging featured guest sa...




Congrats to you.....








Sunday, 4 December 2011

bilangin mo!

Posted by iya_khin at 20:34 13 comments
counting......

Wednesday, 27 April 2011

You are my forever LOVE

Posted by iya_khin at 03:09 10 comments
I will love you for the rest of my life....
Happy Birthday!



You are my forever love
You are my forever love
You are my forever love
You are my forever love
From the bottom of my heart I’ll sing to You
From the depths of who I am I love You
With everything inside I’ll run to You
‘Cause all that I’ve become I owe to You
Nothing in this world could ever separate us
I will love You more than anyone on earth
Nothing I desire could ever satisfy me the way that You do

Wednesday, 8 December 2010

5 BUWAN

Posted by iya_khin at 04:01 2 comments

5 buwan.....
5 months....
153 days....
isang daan at limangpu't tatlong araw.....

Kay bilis....

Sa 5 buwan na di ako nakapagsulat, makakabuo na siguro ako ng buong isang libro para isalaysay at ilathala ang mga nangyari sa buhay ko...(hmmmm...emo mode..)
Actually sa last blog ko sinabi ko na ayoko na talaga ng kadramahan,kaemohan,kaek-ekan,pero gaano man ako umiwas eh sya naman di ako tinatantanan..parang embistigador lang ang tadhana...
Pero sa kabila naman ng unos sa buhay ko at patuloy na pakikipagsapalaran sa ibang ibayo,eto't (ngarag..)matibay parin ako at patuloy na nilalangoy at sinasalba ang buhay ko sa matitinding unos at alon,syempre kasama si papa Jesus.

Magpapasko na din pala, di ko din namalayan kasi walang pasko dito...
kakamiss na talaga sa atin, yung mga kumukutikutitap na christmas lights at mga parol, malahiganteng christmas trees, christmas rush, makukulit na batang nanga-ngaroling, at mga family reunions..isama mo na ang noche buena..o ang SAYA!!

Lahat nun...napakadalang mong makita dito...
nalulungkot na naman ako...ano ba!

4 na pasko na akong nandito, malayo sa pamilya ko buti nalang dito asawa at anak ko atleast na-iibsan ang pagka- homesick ko..pero iba parin pag ang buong angkan at parokya ay kumpleto....iba parin ang pasko sa pinas!

Ngayong paskong darating may 5 wishes lang ako kay Papa Jesus na sana dinggin nya...(always naman!)sa out of thousands wishes ko pa na nakareserve....

1.Ma-iclose na namin lahat ng bank loans namin ngayong 2011
2.Makapagbakasyon sa pinas next year 2011
3.Magka-baby girl! (haayy...tumatanda na ako kailangan ng dagdagan...)
4. Patuloy akong palakasin ni Lord
5. Makabili ng SAMSUNG GALAXY TAB...

Simple lang naman ang wishes ko eh, pero syempre Sya parin ang masusunod.

o hala, sa susunod naman lapit ng labasan namin....

PS:
Miss you all mga kablogs, i'll visit you all soon!



Monday, 28 December 2009

PUTING PANSIT

Posted by iya_khin at 05:36 9 comments

Salamat Bro at nakaraos na naman ang pasko, pang tatlong pasko ko na dito sa dubai simula ng napunta ako dito. Ibang-iba talaga ang selebrasyon dito, wala kang makikitang parol na kumukuti-kutitap kung saan-saan,makakakita ka ng christmas light pero pailan-ilan lang mabibilang lang sa daliri mo. Walang na ngangaroling na makukulit na bata na kung ilang beses bumubulahaw sa bahay nyo hanggan matulili kana sa ingay nila, walang gate crasher na kahit di imbitado eh nasa bahay nyo't nakikisalo't nakikiepal, excuse me kilala mo ba sya?!weeee! Pero ano pa ma't nakakamiss talaga ang pasko sa pinas,kakaiba talaga!

Share ko lang sa inyo yung pinagsaluhan namin nung pasko...ito po yung puting pansit,walang kaarte-arte, walang sangkap na gulay o ano pa man kundi bawang na pampalasa at mailan-ilang butil ng manok... but guess what!? Ito ang pinakabest na nakain kong pansit sa tanang buhay ko! korek po ang nabasa nyo, sarap to the highest level talaga! di ko po alam kung nakakain na kayo nun pero sa akin first time ko pong makatikim nun! Actually po inihahalintulad ko po sya sa pasko, ano ba talaga ang essence ng pasko para sa inyo?

Napaisip ako ng tinanong ako ng kaopismayt ko tungkol dun, alam ko naman ang sagot eh pero inirelate ko sya dun sa pansit puti napinagsaluhan namin. Di na kailangan ng magarbo, di na kailangan ng maraming palamuti, di na kailangan kung gaano karami ang handa nyo ang importante ay mabigyan natin halaga kung bakit natin pinagsecelebrate ang pasko. Dahil syempre kay Jesus! Ang importante ay mabigyan natin halaga ang presensya nya, dahil sa kanya tayo ay naligtas sa ating mga kasalanan, dun sa mga taos pusong nananalig sa kanya. Hindi dahil sa tuwing pasko ay nageexpect tayo ng regalo o maraming kainan, dapat sanaý di lang tuwing pasko tayo naghahanda, sanaý araw-araw natin paghandaan ang ating may likha at araw-araw tayong magpasalamat sa kanya. Sa pansit puti,tunay ngang kay sarap mong talaga,ramdam na ramdam ko ang iyong kakaibang lasa! Sa nagluto (aka ate jas) sanaý maulit muli!

Monday, 28 September 2009

HAPPY BIRTHDAY TO ME!

Posted by iya_khin at 04:09 0 comments
Last friday I celebrated my birthday without spending any single penny....but it was the best birthday i ever had! The whole day I was in the church serving my Lord our Lord,though I don't have anything to prepare for my birthday but indeed He provided for me. I can't explain what i'm feeling that day but i know He was so close to me, and even spoke to me regarding my struggles..that is why I made the CHECK MATE poem. He made me realized things which I am so afraid of..I thank Him for reminding me. And also for being so supportive of my friends,sis-bro in Christ though i'm feeling so home sick they comforted me...I love them all so much..

Now I realized that it's not how you celebrate your birthday but with whom you celebrate your birthday...Now I'm already 28 years old still young and a lot of things will still happen!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review