Showing posts with label damuhan. Show all posts
Showing posts with label damuhan. Show all posts

Monday, 4 February 2013

ikaw...

Posted by iya_khin at 04:28 13 comments
google

Halintulad sa isang puta ako'y naglalako ng laman
Nagmamakaawa sa madilim na lansangan kung saan ako'y kanyang iniwan,
Alok dito, alok doon di magkanda ugaga halos magkadapadapa
Pilit na inililihis ang napakaiksi ng palda hanggang sa kuyukot ay makita.

Haplos at halik syang nagsisilbing medisina
Kung kani-kanino at kung sino-sinong barako ako'y sumama,
Animo'y isang ahas kung sa kanila'y makapulupot
Hanggang sa malagutan ng hininga at kinabukasa'y sa peryodiko sila'y iikot.

Sa kamera nyang tangan magiliw na nakangiti
Walang bahid ng lungkot, o kay galing talagang magkubli,
Hindi nya batid katumbas nito'y isang milyong kagat ng alupihan
Damdaming namimilipit sa sakit kinikitil ako ng dahan-dahan.

Sa makipot na silid mumunting lampara ang tanging nakasindi
Dito ako'y unti-unting  natutunaw animo'y sorbetes na walang lasa sa iyong labi,
Bago pa mahuli ang lahat sa kapirasong papel akin ng isusulat
Patak ng mga luha ko'y syang aking pluma at ikaw ang pamagat.





LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review