Showing posts with label LUHA. Show all posts
Showing posts with label LUHA. Show all posts

Wednesday, 5 August 2015

tanong

Posted by iya_khin at 04:41 1 comments
google image


Nalalapit na...
Dapit hapon ng buhay ko'y nararamdaman ko na
Halintulad sa hangin..kinakapos ng hininga...
Pagtibok ng puso'y bumabagal..napapagal...
Dito na ba?

Ngiti sa labi kaya kong ipinta
Damdamin..sabog na sabog na..
Wala namang aasahan...
Kailangang magkunwari..kailangang maging masaya.

Oh pag-big..madaya ka..
Batid mo na ngunit umaasa ka
Nagbabakasakali..baka...
Bahala na.

Pira-pirasong pangarap
Mabubuo pa ba kaya?
Pagtitiis hanggang kelan ba?
Hindi pa din sapat...

Oras ay tumatakbo..
Paulit-ulit, paikot-ikot
Lahat abala, napakabilis..
Wala na bang iba?

Kamusta't paalam
Ano ba ang pinagkaiba?
Nakikita't naiintidihan mo ba?
Ano ang mas mahalaga?

Malaya..payapa...

Abot kamay kana ba?


Tuesday, 8 November 2011

malapit na!

Posted by iya_khin at 01:20 24 comments


i'm so excited much!!! to da highest mount everest!!! naamoy ko na ang pinas! yiiiiii!!!! halos 4 na taon akong naghintay at nagsunog ng kilay ngayon ay masasabi ko na ang matamis na tagumpay!!!! yahahahah! 

dami kong gustong gawin at puntahan, ang dami kong plano sana swak sa budget at panahon ko, limited time lang kasi ako magstay kaya sana masulit ko lahat! kaya gumawa ako ng listahan na gusto kong magawa at sana'y matupad so help me gad! :p

LISTAHAN NG UTANG PLAN:

1. kumain ng lechon
2. kumain ng lahat ng street foods
3. kumain ng fresh sea foods
4. kumain kasama ang mga mahal ko sa buhay
5. magpakain sa less fortunate
6. gumala with old friends
7. tumambay with old friends
8. magswimming sa beach na malalim
9. magsunbathing na nakasun-block
10. magkulong sa kwarto kasama si lablayp
11. magshopping sa divisoria at bumili ng pirated dvd's sa quiapo
12. mameet ang mga friends ko sa bloggy world
13. sana di sila manghingi ng pasalubong kasi wala akong dalang balikbayan box..pagbalik ko nalang :p
14. makaattend ng SBA! yiiiiii
15. makapagmano uli kay lolo mc arthur
16. makapagtestimony sa church sa pinas about sa goodness ni God
17. magkaspecial number sa church! hehehe
18. madalaw si mama.......haaaayyy
19. magkasama-sama kami ng mga kapatid ko sa pasko
20. magpaputok ng lusis at wisol bomb sa bagong taon
21. ect ect ect.....

all i really want lang naman talaga is to be with my family and friends na matagal ko ng hindi nakasama, money is not an issue co'z i don't have money! hehehehe choi!!

see u all very soon!!!



 
(01) Eraserheads - Manila





Tuesday, 13 September 2011

Malapit Na..

Posted by iya_khin at 22:39 19 comments

Malapit na....
Malapit na malapit na…
Malalagpasan ko kaya?
O tuluyan ng mawawala?

Malapit na….
Malapit na malapit na…
Kakayanin ko kaya?
O sa likod ng rehas ako’y mangangapa?

Malapit na…
Malapit na malapit na…
Makakamtan ba ang pag-asa?
O sa kadilima’y tuluyan ng mag-iisa?

Malapit na…
Malapit na malapit na…
Wag kang malulumbay pagnaganap na
Wag kang magtataka pag ako’y biglang nawala.

Malapit na…
Malapit na malapit na…



Monday, 29 August 2011

NA-AWARD KA DAHIL SA LUHA MO

Posted by iya_khin at 00:38 32 comments
Eto na, eto na, eto na, eto naaaa waaaaahhhhh aaaahhhh!

Alam kong matagal nyo na itong inaabangan at alam ko kumati na batok nyo kakahintay kung sino ang THE ONE! –intro

Bago po ang lahat-lahat lubos po talaga akong nagpapasalamat sa lahat ng nakilahok sa LUHA MO SA PAKONTEST KO.     First tym ko itong ginawa sa loob ng 2 taon kong pag bloblog, well sabi pa nga maganda talaga paminsan-minsan yung hindi planado, oooops teka hindi naman sa lahat ng bagay, tulad ng hindi planadong pagkabutis hindi planadong magka-IBIGAN, ect.ect.

Narealized ko sa patimpalak na ito… anak ng tinapa! Ang hirap pala! Ang dami kong batyang nakaantabay at sandamakmak na rolyo ng tissue ang naubos ko dahil dito. Nawiwi, naiyak, ngumawa at ilang araw akong binagabag ng pakontest na ito parang bangungot lang!

Ilang araw din akong naghabol sa mga huradong aking kinasabwat pero  tinaguan ako! Walangjoh!! Yung isa nagparamdam nga pero butas agad ang aking bulsa dahil sa pinakain ko muna’t inutu-uto, isang bandehadong kanin w/ ulam at sandamakmak na chips ang nilapang at 4 na litrong lime juice ang tinungga! SYA NA! Halos 4 na oras syang nagscore at halos maloka-loka na din sya sa kakabasa tas ang masaklap pa di nya natapos!! Waaaaaaahhhh!!! So da following day alam nyo na nangyari..nabutas uli ang rice cooker dahil sa kanya! Wala na bankrupt na agad me…

SOS talaga me masyado dahil dito, kaya lubos akong nagpapasalamat sa mga taong sumuporta sa akin at nagpapasalamat din ako kay Sir Kuya JKULISAP sa pagiging isa sa mga hurado, tenk yu, tenk yu, tenk yu po talaga sa tym na ibinigay mo para dito.

Ito po ang criteria of judging kung paano po binalasa ang mga nakilahok.
click to enlarge
Sadya po talagang maraming magagaling kung pwede nga lang lahat winner na! yaan nyo pag nanalo ako sa lotto! :p

So base sa 4 na huradong hinabol-habol ko at sa ilang linggong pag-ngawa ko eto na po ang nanalo at ang prize!!! Pagpasensyahan nyo na po ito lang ang kinaya ng bulsa ko, sasusunod maghahatak ako ng sponsor. Hehe! May balak pa talagang sundan!


PRIZES:
  • kingston 16 GB usb
  • skull candy earphones
  • Dubai t-shirt
and the winner is:


MARAMING SALAMAT PO!


Tuesday, 26 July 2011

LUHA MO SA PAKONTEST KO

Posted by iya_khin at 09:29 152 comments

Dahil baliw-baliwan ako, eh I can’t make up my mind, at sa kadahilanan din na wala akong magawa at bored ako sa layp ko, eh naisipan kong mag DM ng survey sa mga blogger friends ko sa tweeter. Kaso I was not satisfied kaya i-announced it na gagawin kong pacontest!  Dahil sa kaadikan ko, di pa rin ako nasiyahan kaya heto ipopost ko ang OPISYAL NA PAKONTEST!

PAANO SUMALI BASAHIN MABUTI:

1. Syempre dapat blogger na may sariling blog
2. Gumawa / lumikha ng unique na poem / tula maximum 4 stanzas (TAGALOG LANG PO PARA MAGKAINTINDIHAN TAYO!)
3. Tema / Theme “EMO” as in EMOSYONAL
4. Ang pamagat o title nyo ay dapat kalakip ang salitang ito: LUHA
Example / Halimbawa : LUHA “Nang si nene’y ngumawa”
5. Walang kopyahan, dapat ang entry ay out of this world meaning ORIGINAL COMPOSITION!
6. Dapat yung matutuwa na maiiyak ako yung parang baliw at adik lang!
7. Pwede gumamit ng PRAPS! Bidyu o Pektur wateber!
8. I-link ang inyong likha sa POST na ito.
9. Ilagay ang inyong name, URL at ang link ng inyong entry sa comment box ko ng magkaalaman tayo!

Pulubi ako pero siguradong merong premyo ang mananalo na ikakatuwa nyo kahit papaano! Pagpatay ng linya deadline ay hanggang sa agusto disisyete taong dalawang libo’t labing isa saktong alas-dose ng gabi!

Paano manalo?!  wag nyo ng problemahin yon ako na bahala dun, isasangguni natin sa isang ekspertong hurado! At kung sino ang magwawagi ay ifefeature ko dito sa aking bahay! Kaya join nalang kayo, let’s go hab a gud tym!!

Paalala: first taym ko ‘tong gagawin, kaya please bear wet me!

galing kay Mr. Google




LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review