Showing posts with label annivesary. Show all posts
Showing posts with label annivesary. Show all posts

Friday, 5 July 2013

Naka-ummm na ako, kaya eto sayo!!

Posted by iya_khin at 03:27 2 comments

This is it....oooh.... i finally found someone......

ano na?! eeeekk! alam ko inaabangan nyo 'tong post na 'to hehehe sensya naman nagsunod muna ako ng taba kaninang umaga kaya ngayon ko lang ito nagawa. Actually, nahirapan akong maghagilap ng judges para sa kontest kong "Naka-apat na si Iyah, pumayat kana ba?' hehehe nahirapan pa talaga ako sa lagay na yan! 

Akala ko talaga lalangawin ang kontest pero masaya ako kasi sinuportahan nyo pa din ako kahit papaano. Haaiiiisst..nakakatamad na talagang magblog minsan pero trying hard pa din ako kahit wala ng taong naliligaw dito.

So dahil nga sa nagpakontest ako, syempre dapat merong manalo! hehehe! pero bago ang lahat eto muna comment ng mga hurado..

Sya nga pala salamat sa pitong sumali, salamat talaga sa inyo sana isa-puso nyo yung mga tulang isinulat nyo. Salamat din sa mga hurado nauto ko na naman kayo! hehehe!

reason y i like the entry ___________dahil akma sya sa theme mo at the same time nag rhyme sya... para sa akin kasi  ang tula hndi lamang sa metaphor or delivery ng poems... na coconsider din dito paano nagagamit ang mga salita na magkatunog. at kung habang basahin mo sya..parang ang gaan basahin at nakakatuwa.. one word sa nagsulat nito. SMART! " - cathy

"May napili na ko, yung pang ___________”.
 Gusto ko sya kse:

1.       Straight to the point towards the topic- about health.
2.       Sakto lng yung haba ng tula, di maigsi, hindi den mahaba
3.       Wlang msyadong sinasabe na di tugma sa theme
4.       Masarap sya basahin kumpara sa ibang poems
5.       Pwedeng slogan yung ibang stanza
6.       May panawagan sa taong makakabasa
7.       Simple lang yung mga words na ginamit – madaling intindihin
8.       Makes the readers realize about healthy living na hindi mukhang ipinipilit syo to live healthy,
pinaparealize na may mga bad habits na dapat pag attention –parang ganon." - joyce

" Nakakatense, habang binabasa ko nagdidikit ang dalawang betlog ko, ganun ka-tense ang dating sa akin, kaunti na lang ay titirik na pati mga mata ko. Bersyon ito sa ng tula ng movie na Shake Rattle and Roll part 1, 785, 410, para itong isang episode na may title na _______. May isang sumpa na nagpasalinsalin sa pamilya nila ng mahabang panahon, at siya lang ang makakapagpatigil nito, dahil siya ang the chosen one. Hindi man niya maiwasan hindi dumaloy sa kanyang mga dugo ang sumpa, may paraan naman siya para maiwasan ito o maputol niya. Isa itong paglalakbay sa buhay na punong-puno ng pag-asa." - akoni

Ilan lang ito sa mga komento ng mga hurado, sinadya kong di ilagay sino napili para walang hurt feelings, yung ibang komento di ko na din isinama dahil wala silang explanation! LOL! heheheh!

So sino ang namarkahang manalo?!!

Ang prize?!

1 pair of adidas running shoes

Sana magamit mo ito para masimulan mong isabuhay ang healthy living! Para sa susunod ikaw naman ang maging featured guest sa...




Congrats to you.....








Tuesday, 11 June 2013

Naka-apat na si Iyakhin, pumayat kana ba?

Posted by iya_khin at 05:40 25 comments
deviantart
Sa wakas ginagahan na naman akong mag-update ng blog kong 'to, sabi pa nga panapanahon lang talaga! hehehe! So anong meron dito?! Wala namang bago same old shitness ko pa din at kung ano-ano lang, hmmm...sensya na kung di ko talaga madalas nadadalaw at di ako gaano nakakapag-update kasi nga...MASAYA AKO! Lels! Antayin nyong ma-emo ako tiyak araw-araw nasa tuktok ako ng bloglist nyo.

Shoot! Naka-apat na taon na nga talaga itong bahay ko! Akalain mo yun?!! Di ko kasi inakala eh! Pero masaya ako kasi atleast di ko talaga 'to tuluyang iniwanan... sabi pa nga "once a blogger always a blogger"  tama ba?!! ay ewan!

So ayun nga sabi ko gusto kong magpakontest kaso wala naman pumatol magcomment sa box ko, hahaha! wala na atang nadadalaw dito! Pero ganun pa man masaya pa din ako sa mga secret and silent readers ko thanks to all of you, mahal ko kayo! :p

Dahil sa wala akong maisip na idea siguro ganto nalang ipapacontest ko...gumawa ulit ng TULA! Opo, tula ulit! wala akong maisip eh! Pero this time hindi na about sa mga kaemohan or ano pang mga kadramahan sa buhay...teka ok binabawi ko na sinabi ko..cge pwedeng emo. ;p

Ang tema naman ay patungkol sa kalusugan, opo tama kayo ng basa about sa HEALTH! Dahilan nauuso ang mga marathon at kung ano-ano pang mga Thon nowadays kaya eto ang temang napili ko.

Dahil 4 na taon na ang blog ko kaya 4 na beses ko din pinag-isipan 'to! lels! wala lang mairelate lang.

So ok, basahin mabuti at sundin ang panuto, kung sa salitang banyaga..read and follow the instructions carefully! Intendes?!!

PAANO SUMALI:

1. Kahit sinong pinoy na blogero't blogera basta't may blog na kung saan pwede nyong iposte ang inyong ilalahok na tula.

2. Gumawa ng tula na may tema tungkol sa KALUSUGAN. (kahit anong istilo, drama, humor, ect basta tumutukoy ito sa kalusugan.)

3. Ang tulang lilikhain ay dapat hanggang 4 NA STANZA O SAKNONG lamang! Diskwalipayd ang hihigit dito!!! OK?!!

4. Ang tula ay dapat nakasulat sa sarili nating wika..TAGALOG.

5. Ipadala ang inyong opisyal na tulang ilalahok na nakatipa sa MSWORD sa email na ito: extreme.sportaholic@gmail.com

6. I-LINK ang post na ito sa inyong mga entry, eg: 


 7. At magcomment sa post na ito sa gantong paraan:

Name / Alias: Iyakhin
Entry Title at URL: Nang ako'y Pumayat / http://susulatako.blogspot.ae/nangakoypumayat

8. Huwag din kalimutang ilagay ang link sa inyong mga lahok ang ating sponsor:

SHUT UP AND BURN
Maaari nyong ipasa ang inyong entry / lahok simula ngayon June 11, 2013 at ang deadline ay hanggang June 30, 2013. Ang mapipiling manalo ay syempre tatanggap ng premyo!! At i-a-announce ang nanalo sa July 05,2013. Kung nasa ibang bansa ang gustong sumali /nakilahok at kung sakaling manalo, ang premyong inyong matatanggap ay ipapadala lamang sa Lupang Ating Sinilangan..Pinas!

Isa lamang ang pwedeng manalo pero tiyak na masisiyahan kayo sa magiging premyo. sana nga :p  Kung ano man ito....may kaugnayan ito sa ating tema! Naman!!

Kaya't umpisahan nyo ng tumula ng mahabang-mahaba at mag-exercise tuwing umaga! hehehe!



Sunday, 26 May 2013

malapit na....

Posted by iya_khin at 05:02 4 comments
malapit na....

ang bilis talaga ng panahon di ko akalain na tatagal kami ng ganito. makailang ulit ko na itong binalak iwanan at ilang beses ko na itong di inintindi at dinalaw. sabi pa nga ni..sino ba yun? sensya di kasi ako nanonood talaga ng tv..weather-weather lang! kung susumpunging magsulat o kaya kung maisipan lang tsaka lang ako nadadapo dito. 

oo, malapit na... sa susunod na buwan mag 4 taon na itong blog ko! biruin nyo tumagal 'to! nakakatawa man isipin pero bahagi na talaga ito ng buhay ko. alam ko halos puro ka-dramahan tong blog ko at madalas puro walang kwentang bagay lang pero dahil din dito sa blog na 'to marami din akong natutunan at mga naging kaibigan.

kaibigan at ka-ibigan! LELS! nakakapanghinayang lang kasi yung iba naglaho na, wala na sila, sayang kung iisipin pero sabi pa weather-weather ulit! totoo nga hindi mo maprepredict ang takbo ng buhay kahit yung mga pangyayari o mga bagay na nakasanayan na natin gawin, di din kasi maiiwasang magsawa o tamarin na tayo sa paulit-ulit nalang na gawain...hmmmm...ewan pa din...depende siguro.

salamat din sa mga taong di man nagcocomment eh napapadaan pa din kayo dito sa tahanan ko kahit inaagiw na sa tagal kong mag-update o kaya puro walang kwenta lang pinagsususulat ko dito. di man ako madalas makadalaw sa mga blog nyo eh, isang araw dadalaw din ako. lol sekreto lang naman ako nagbabasa pa din ako di lang me nagkukumento...wala lang...basta dito lang me lagi sa himpapawid 24/7.

at dahil nga sa mag 4 taon na ako sa bloggy world...iniisip ko..magpacontest kaya ulit ako! ano kaya maganda? any suggestion? sa totoo lang di ko naman pinagkakakitaan 'tong blog ko, ginawa ko lang ito for fun! LOL kung babalikan o magbackread kayo ang totoo death note ko 'to online! anyway whatever! basta ang alam ko sa dinami dami man ng iniyak ko sa blog na 'to at kung binaha at binagyo man ako ng kadramahan sa buhay at nailathala ko dito, ang mahalaga eh buhay pa ako at umaupdate pa din ang blog ko kahit naghihingalo.

so ngayon week, mag-iisip ako ng ipapakontest sa inyo. at this time maayos-ayos naman na premyo ang ibibigay ko..hhhmmmm....limpak-limpak na salapi?! :p

so open ang linya sa suggestion nyo! tawag na!!



PS: kung gusto nyo pala ng motivation para magpapayat follow nyo din ako sa kabilang bahay ko! :)

Sunday, 1 July 2012

THREE

Posted by iya_khin at 01:58 10 comments

I’m really sorry…nakalimutan ko…

Sorry talaga, marami lang talaga akong iniisip lately. Hindi ko talaga sinasadyang makaligtaan ko ang pinaka espesyal na araw mo…

Tatlong taon na pala tayong magkasama, matagal tagal na din pala. Hindi ko inakalang magkakasama tayo ng ganito katagal, ilang beses na din kasi kitang iniwanan at binalak na talikuran at tuluyang kalimutan, pero heto’t tayong dalawa pa din ang magkadamay hanggang ngayon..

Salamat dahil sayo nailalabas ko lahat ng nararamdaman ko.

Salamat dahil di mo ako iniiwan kahit may topak at baliw-baliwan ako.

Salamat din kasi lagi kang nariyan para pakinggan lahat ng mga kwento kong walang kalutay-lutay.

Salamat nandyan  ka parin kahit sabaw-sabawan na talaga ang utak ko.

Salamat at nananatili kang FREE kasi di ko alam paano kita i-lelevel up para magka DOMAIN ka, natatakot akong bigla kang mawala..wala pa naman akong mga back up sayo.

Masaya ako kasi dahil sayo marami akong nakilala at naging kaibigan, hindi man sila lahat nakilala ko personally pero at least alam kong nariyan sila para damayan tayo sa mga kadramahan nating dalawa. Nakakataba din ng puso ang mga taong nag iiwan ng bakas nila na kahit nonsense ang mga pinagkukwento natin eh nakaready ang mga panyo nila para makiiyak at pawiin ang luha natin na hindi maubos-ubos.

Happy 3rd years anniversary sayo blog ko! Sana tumagal pa ang pagsasama nating dalawa!

Mahal na mahal kita!


Tuesday, 25 October 2011

when i need you.....

Posted by iya_khin at 01:47 21 comments
Dear Loves,
                How’s my forever love? I’m really missing you so badly….mahal ko, nakakaloka na!!! waaaah! huhuhu.... Anyway I hope everything’s fine with you and with our unico hijo, my golly wow it’s been 3 long months na pala since huli ko kayong makasama…3 buwan…3 buwan na akong nangungulila sa inyo feeling ko dekada na simula ng umuwi kayo…di ko mapigilang mapaluha habang tinitipa ko itong love letter ko sayo..ang hirap..ang hirap-hirap mahal ko…kada segundo, kada paghinga at kada tibok ng puso ko namimiss ko kayo….

Loves, hindi ko pala kayang mag-isa, hindi ko pala kayang mabuhay ng wala ka…ng wala kayo ng anak natin. Parang gumuho ang mundo ko simula ng lumipad ang eroplanong sinakyan nyo pauwi at simula ng lumabas ako sa airport ng inihatid ko kayo…I’m a walking dead man sabi pa nga kasi……….. kayo ang buhay ko. Bago kayo umalis sabi ko sayo ok lang ako kasi nasa isip ko para din sa ikabubuti naman yung gagawin natin, para na din sa anak natin. What to do yani?!!  Pero loves, ang hirap sobrang hirap…to da highest mount everest!

Mahal ko, mahal na mahal kita…sorry sa lahat ng pagkukulang ko sayo, humihingi ako ng tawad.  Salamat din sa lahat ng pagmamahal na ipinadama mo sa akin, thank you for all your understanding, care at many to mention pa. Indeed for all these years you've been a good husband and a good father to our son, I  thank the Lord for giving me such a wonderful man like you. Loves, alam kong malalagpasan din natin itong mga pagsubok sa atin, marami na tayong napagdaanan at napagtagumpayan kaya no doubt we will overcome kasi kasama natin si Lord.

I love you…I love you…and I love you so much!

Happy 12th years anniversary sa atin! Naka-dose na tayo!

Still I’ll choose to grow old with you…..

Love Lots,

Loves

HAPPY ANNIVERSARY!!



When I need you
I just close my eyes
And I'm with you. And all that I so wanna give you
It's only a heartbeat away.

When I need love
I hold out my hands
And I touch love. I never knew there was so much love
Keeping me warm night and day.

Miles and miles of empty space in between us
The telephone can't take the place of your smile.
But you know I won't be traveling forever.
It's cold out
But hold out
And do like I do.

When I need you
I just close my eyes
And I'm with you.
And all that I so wanna give you babe
It's only a heartbeat away.

It's not easy when the road is your driver.
Honey that's a heavy load that we bear.
But you know I won't be traveling a lifetime.
It's cold out
But hold out
And do like I do.
Oh
I need you.


LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review