Dear Avid Readers…. Naks! Intro lang ‘to kunwari binabasa nyo! :p
November 16, 2011
Aloha! Arigoto gusaimas! Kifak
anta?!! Ahalan jamil yani jamila?!! Shuhada?! Minduksai! Ano na?!!
Habang tinitipa ko ito
kasalukuyang nasa pangalawang araw ako ng conference namin dito sa Amman,
Jordan at mangyaring nagpapalpitayt ang aking ulo sa sakit dahil sa tensyon na
nararamdaman ko at feeling ko maloloka na yata ako…
Dami kong gustong ikwento sa
inyo kaso nitatamad pa ako dahil ngarag na ngarag ako now to the highest mount
everest!!
Eto nalang ang proof…..
Random Pics_Amman, Jordan
November 20, 2011
Biyernes, lumapag ang
eroplanong sinakyan ko galing Jordan, eto ngayon at back to normal na ang lahat
at inaantok-antok na naman ako dito sa opisina! Haaaiiist, nakakatamad pang
magtrabaho now at nitatamad din me magblog at magbloghop pa…ewan ko ba pero
lately nitatamad me talaga….wala ako sa wisyong magbasa at magsulat…inspire me
please!
Dahil siguro nasa bakasyon na
ang utak ko kaya ganon…di nga kaya?!!hmmmm
Nov.22, 2011
Well anyway…eto
nalang…napaSMILE ako dahil dito hindi lang 60seconds bagkus napatalon-talon pa
ako dahil sa excited akong i-masuot ito…..
Maraming salamat sa SMILE contest ni LordCM




