Showing posts with label Yulie. Show all posts
Showing posts with label Yulie. Show all posts

Wednesday, 23 March 2011

AKO SI YULIE 07

Posted by iya_khin at 22:24 16 comments
Nagbakasyon si Yulie kaya medyo na delay ang next episode ng kwento ng buhay nya.....
Eto na po ang pang-pito.....

Ako si Yulie 07


Walang hiya ka!!! Aaahhhhh!! Pagpupumiglas ko sa lalaking nagsasamantala sa akin.

Hmmm…..BOG!! Sabay tumba at kawalan ng malay nito habang gulat na gulat ako sa mga pangyayari.

Maya-maya pa ay di ko alintana na nasa may bungad na pala ng pinto ang isang babae. Bakas sa kanyang mata ang pag-aalala sa lalaking ito. Halos kasing edad ko lang ang babae, maganda, makinis, katamtaman ang taas at…….

Lumayo ka nga dyan, sino ka ba at anong ginagawa mo dito?! Tanong ng babae ng makita ako at animo’y nanlilisik ang kanyang mga mata.

Huh?! Ako ho si Yulie bago nyong kasambahay….sagot ko habang di parin ako makapaniwala sa mga nangyari.
Parang walang narinig ang babae at tinawag si Carlota. Leche! Carlota!!!! Agad-agad na dumating si Carlota.

Ano po yun senyorita Matilda? Malumanay na tanong ni Carlota sa kanya.
Tulungan mo nga akong akayin si Danilo sa kanyang kwarto bilis!! Agad nitong utos.

Habang papalabas sila ng kwarto muling lumingon sa akin si senyorita Matilda at tinitigan ako ng masama at parang diring-diri sa akin.

Ano ba itong buhay ko, ano ba itong napasok ko? Sawang-sawa na ako sa mga pang-aapi ng mga tao sa paligid ko. Kung magkakasama-sama lang sana uli kami  ng aking itay at inay di sana naging ganito ang buhay ko. Lumong-lumo ako sa mga nangyari pero bakit ganon nalang ang labis na pagkamangha ko sa lalaking iyon? At tila nararamdaman ko pa ang kanyang mga haplos at halik , na kahit nagpupumiglas ako sa kanya kanina ay batid kong puno ng pagmamahal ang kanyang mga yakap at halik. Ramdam ko ang lambot at ang init ng kanyang labi….
Nahihibang ako! Bakit ko ba naiisip ang mga yon na dapat nga ay kasuklaman ko sya dahil sa kanyang ginawa.
Sa labis kong pag-iisip at dala narin ng pagod ay maya-maya pa’y sumasakit na ang aking ulo kaya nagpasya na akong matulog kahit kumakalam ang aking sikmura.

Nababalot ng kadiliman ang paligid ko, wala akong maaninag at wala ni isang kisap ng liwanag sa paligid ko.
Tulong…..tulungan mo ako….huhuhuhu hikbi na isang babae.
Tulong……tulungan mo ako…papalapit ang tinig sa akin.
Nabalot ako ng pagkatakot di ko alam ang gagawin ko, papalapit sa akin ang tinig pero di ako makaalis…
Tulong….tulong……biglang kapit sa akin ng isang napakalamig na mga kamay at napaksangsang ng amoy..
Paano kita tutulungan wala akong makita ni wala akong maaninag!! Nagsisimula na akong mangamba.
Tulong…tulong nauuhaw ako….sabi ng babae. Kinapa ko ang kanyang mukha at naramdaman kong malagkit at basa ang kanyang katawan..ano ito?! Naamoy ko…dugo!dugo! at biglang….GRRRRRRRRRRRRR!!!!!!

itutuloy

Monday, 7 March 2011

Ako si Yulie 06

Posted by iya_khin at 01:04 10 comments
Oho sya ho, iiwan ko na ho sya sa inyo kayo na po ang bahala. Tugon ni Tyang Minda kay Mr. Castillo

Tyang, wag nyo po akong iwan dito parang-awa nyo na po! Pagmamakawa ko sa kanya

Tumigil ka nga! hindi nga sabi pwede! Nakapagbigay na sila ng pera sa akin para pampagamot sa tatay mo! kaya manahimik ka dyan! Singhal ni  Tyang Minda sa akin.

Cge ho Mr. Castillo, aalis na ho ako. At agad-agad na syang lumabas ng pinto at iniwan akong lugmok sa pagtangis.
Paano na ang itay? Di man lang ako na kapag-paalam sa kanya, alam kaya nyang nandito ako?

Ehem! Putol sa akin ni Mr. Castillo

Carlota, dalhin mo na sya sa kanyang silid.

Oho senyor. Sagot ni Carlota at dali-dali akong inakay papunta sa aking magiging silid.

Di ko agad napansin na lubhang napakalaki pala ng tahanan nila Mr. Castillo, sa sobrang pagluha ko kanina ay di ko ito alintana. Napakarangya ng mga kagamitan at halos lahat ng kasangkapan ay mamahalin. Ngunit sadyang iba ang pakiramdam ko sa bahay na ito, tila may ikinukubling lihim sa likod ng karangyaan nito.

Ito ang magiging kwarto mo, pagpatak ng ala-sais ng gabi dapat tapos na ang trabaho mo at nandito kana sa loob, ipinagbabawal na ang lumabas , bukas na bukas din magsisimula kana. Mariing sambit ni Carlota.

Sadyang nakakapanibago ang mga kilos nya, dati rati’y sobrang giliw nya, ngunit ngayon tila ang lamig ng pakikitungo nya at animo’y di ako kilala. Pagkatapos nyang  sabihin lahat ng mga gagawin ko agad-agad na syang lumabas. Di ko lubos maisip bakit ganun nalang ang kanyang ikinikilos. Iniisip ko kung hanggang kailan kaya ako mamamalagi sa bahay na ito, wala man lang binanggit sa akin ang Tyang Minda. Kung para naman sa kapakanan ni itay gagawin ko ang mga ito pero hanggang kailan?

Inabala ko na ang aking sarili sa pag-aayos ng aking mga gamit ng biglang……

Tok-tok-tok

Sino yan?

Tok-tok-tok

Sino sabi yan?

At ng di parin sumasagot ay nagdesisyon na akong pagbuksan ito at ng biglang….

Hhmmmmm….yapos……..mahal kita…..mahal na mahal kita……yapos….kasabay ng mapusok na halik sa akin….


Itutuloy

Sunday, 27 February 2011

Ako si Yulie 05

Posted by iya_khin at 03:04 17 comments

Ako si Yulie 05

Itay!
Halos hindi ako makahinga na animo’y aatakihin ako. Isang nakabalot sa kumot ang tumambad sa akin.
Dali-dali ko itong nilapitan at ng sa aking pagtanggal nito ay biglang…….

Hahahahahahahaha!!! Parang naloloka sa katatawa ang Tyang Minda
Hahahahahaha!!
Timang!!
 Yari ka!! Haay naku Yulie, ang dalidali mong maloko!
Eh kung gumigising ka ba naman ng maaga di ka sana parang ulol dyan!

Napakasama mo talaga Tyang Minda! Sa galit ko’y napataas ang aking boses.
Pak! Sampal ang inabot ko. Di ko na napigilan at napaluha na ako, nanlalamig pa rin ang buo kong katawan dahil sa nangyari. Niloko lang pala ako ni Tyang Minda at iniayos nya na parang katawan ang mga unan at tinakpan ito ng kumot para maghugis tao. Napakasama nya talaga.

Hala iligpit mo ang mga yan! Sabay titig sa akin at uli na naman nagtatatawa.

Asan ang Itay? Mariin kong tanong habang patuloy akong lumuluha.

Wala kang pakialam kung nasaan sya dahil wala kang silbi! Pahiyaw nyang sagot sa akin

Meron akong pakialam, akala mo lang wala pero meron,meron,meron!!! Hiyaw ko din

Nang mag-aambang masasampal na naman ako, tinabig ko ang kanyang kamay.

Aba lumalaban kana ha!! Sabay sabunot sa aking mahabang hair.

Aray po! tama na po! nasasaktan po ako! Tama na po!

Maldita ka! Wala ka na ngang idinudulot na mabuti sa bahay na ito, umaasta ka pang ganyan!! Leche ka! Hala cge! Mag-empake kana ngayon din at sasama ka sa akin! Pang-gagala-iti ni Tyang Minda

Sasama?! Saan?! Ayokong sumama sayo! Halos di ako makahinga sa paghikbi.

Sasama ka sa akin sa ayaw at gusto mo! mariin nyang utos

Saan tayo pupunta? Paano ang itay? kailangan ako ng itay! Tuliro

Gusto mo bang matigok talaga ang tatay mo? o kung ikaw ang matitigok ko ngayon?!!

Hala! Mag-empake ka at ngayon din ay aalis kana na!


Sya ba?

Itutuloy…

Tuesday, 22 February 2011

Ako si Yulie 04

Posted by iya_khin at 02:12 18 comments

Sinabi ko ng hubarin mo!!

(pigtas)

Tyang! ibalik nyo po sa akin yan! yan lang ang tanging alaala ni inay sa akin!(hagul-gol)

Tumigil ka! Ito ba? ito ba?!! Pinagyayabang mo ito?!! Ang sabihin mo,walang silbi ang nanay mong makate tulad mo! pagdut-dot sa mukha ko ng aking madrasta habang pilit kong binabawi sa kanya ang tanging bagay na iniwan ni inay para sa akin.

Tsaka anong silbi ng kwintas na ‘to?! Eh ang pangit-pangit naman nito kamukha mo! pinagdadamot mo pa sa anak ko?! Parang torong umuusok ang ilong ni Tyang Minda sa kakahiyaw, nakangisi naman ang kanyang anak na animo’y demonita habang kinukuha sa kanyang ina ang aking kwintas.

Wala akong nagawa kundi ang lumuha, inagaw na nila ang bagay na nagbibigay sa akin ng pag-asa, isang gabay na magbibigay direksyon para mahanap ang aking ina. Nagkulong ako maghapon sa aking silid, pinalipas ko ang oras na taimtim na nag-iisip at tulalang nakamasid sa babuyan ng aming kapitbahay. Maya-maya pa ako’y nakaidlip….

Kalabog-kalabog-kalabog!!

Aaaaaaaaaaahhhhhhhhh!!!!!! Pabalikwas akong napaupo at pawisan.
Panaginip lang pala.
 Ang init naman, wala bang AC?
Haay, di ko talaga maalala kung anong panaginip ko, lagi nalang ganito. (Emotera mode)
Alas-tres na ng madaling araw, dahan-dahan akong lumabas ng aking silid para kumuha ng maiinom.

Nang madaan ako sa may kwarto nila itay, narinig kong may kumakaluskos.
Umuungol si itay….

Aaahhh…uuummm….aaahhh…ang sakit na ng dibdib ko Minda, ayoko pang mamatay…
Huminahon ka Lando, paano nalang ang anak natin? Ang future? Di ka pa pwedeng mamatay.. (hmmmm….taas kilay ko.)
Bukas na bukas din, gagawa ako ng paraan para maipagamot ka, sige na matulog kana. Mahinahong sambit ni Tyang Minda kay itay na tila di ako makapaniwala sa mga naririnig ko, aba may puso din pala ang madrasta!

Pupungas-pungas pa ako galing sa pag-gising ng bigla kong marinig ang sigaw ni Tyang Minda..

Lando!!!! Lando gumising ka!!! Pahagul-gol nyang tawag kay itay
Agad-agad akong napatakbo patungo sa kanilang kwarto at nagulat ako sa aking nadatnan…

Itay!!


itutuloy

Friday, 18 February 2011

AKO SI YULIE 03

Posted by iya_khin at 00:46 16 comments


Ako si Yulie 03

Naku naman Lando, paano na yan? Ang dami-dami pa nating bayarin! Ano nalang mangyayari sa pwesto natin sa palenke kung di tayo makabayad agad? Kakarampot nga lang ang kinikita natin sa gulayan tapos magkakasakit ka pa!? Bwiset na buhay talaga ito! Kung minamalas ka nga naman! Pasinghal ni Tyang Minda

Pasensya kana Minda, ayaw na talaga akong papasukin sa talyer habang di gumagaling ang sakit ko. Nagagalit na nga ang may ari dahil kung ano na raw ang sakit ko at baka makahawa pa raw ako. Pasensya na talaga… dito ka lang ha, wag mo akong iiwan. Pagmamakaawa ng aking Itay

Eh ano pa nga ba! Wag mo akong itulad dun sa kerengkeng mong asawa, kahit ganito ako eh di ako nang-iiwan! Mariing parinig ni Tyang Minda sa akin habang ako’y nagliligpit ng aming pinagkainan.

Hating gabi na ay patuloy parin sa pagputak ng bunganga ang aking madrasta, inaantay ko ngang mabilaukan ng matigil na.

Kinaumagahan…

Ubo..ubo..ubo… (Itay)
Tay, parang lumalala na yan, dadalhin na po kita sa center ng mapatingnan ka. May konting pera pa naman po akong naitabi galing sa paglalabada dun kila Mang Oska. Mangiyak-ngiyak ako habang hinahaplos ko ang aking tatay.

Huwag na anak, itago mo nalang yan. Kaya ko ‘to, ipapahinga ko lang ito at gagaling din ako.

Pero Itay, napapadalas na ang sunod-sunod nyong pag-ubo, cge na po dadalhin na kita ngayon, as in now na! sagot ko sa kanya.

Makulit na bata karin ano?! Hayaan mo na nga ako, malakas pa ako keysa kay machete! Pilit na pabiro ni Itay sa akin.
Sya nga pala anak, patawarin mo pala ako kung di ko pa natutupad ang pangako ko sayo. Pag-gumaling ako…..(tikom ko sa kanyang bibig)

Sssshhh….ok lang po itay, naiintindihan ko naman po. Pwede pa naman akong maging nurse ha! Katulad ngayon, ako ang mag-aalaga sayo! Round the clock! (sabay padiak!) nagaya ko lang sa TV ng kapitbahay.

Pilit kong pinapasaya ang aking itay sa kabila ng kanyang karamdaman, kailangan ko pa rin ipakita sa kanya na ok lang ang lahat para di sya mag-alala. Alam kong sa kabila ng kanya mga ngiti bakas parin sa kanyang mga mata ang lubos na kalungkutan at pag-aalala. Alam kong hindi ito ang buhay na kanyang hinangad para sa akin, para sa amin ni inay noong buo pa ang aming pamilya.


Hubad!!! Sigaw at pag-pupumilit nya sa akin.

Hubarin mo na sabi eh! kundi malilintikan ka sa akin!

Parang awa nyo na po….

Itutuloy




Tuesday, 15 February 2011

Ako si Yulie 02

Posted by iya_khin at 22:27 9 comments
Eto na ang karugtong ni Yulie. Pansamantalang naantala kahapon sa kadahilanang nag-iinarte ang may akda!


Ako si Yulie 01



Ako si Yulie 02

Magandang araw ho Mr. Castillio, tuloy ho kayo! Nakangiting parang bruha sa pagbati ng aking madrasta.

Magandang araw din sayo Minda. Seryosong tugon ni Mr. Castillio

Di na ako magpapaligoy-ligoy pa, tulad ng pinag-usapan natin ito ang pera, limang-libong piso, asan ang dalaga?! Tanong ni Mr. Castillio

Dalaga? sino? Tanong ko sa aking sarili habang nagkukubli sa likod ng pinto ng aming kusina.

Sir, sandali lang ho at aabisuhan kong gumayak na at ng maisama nyo na agad. Maaring mag miryenda muna kayo sandali. Pabungis-ngis na alok ni Tyang Minda habang binibilang ang pera.

No, thank you, busog pa ako. Pasinghal na sagot ni Mr. Castillio na parang nandidiri sa inihanda kong pansit.

O sya,sandali lang ho at tatawagin ko na. Nakangising sagot pa din ni Tyang Minda at patuloy parin sa pagbilang ng pera na animo’y milyones ang hawak nya.

Yuliiiieeeee!!! Tawag nya.

Pakiramdam ko’y bigla akong namutla, napakalas ng pintig ng puso ko habang ako’y maingat na tumakbo patungo sa aking silid. Masakit sa tenga ang bawat tibok ng aking puso,nakakanginig,nakakangilo, habang nararamdaman kong papasok na sya sa aking silid. Pigil ang aking hininga at ang maluha-luha kong mata habang nakatutok ang aking tingin sa papabukas na pinto…..

Huwag po!!!!  Pasigaw ko.

Anong huwag po??!!  Bruhang babae ka!(sabay pingot sa tenga ko)
Nandito ka lang pala, pinapahirapan mo pa akong maghanap sayo!!
Tawagin mo si Carlota sa bahay nila at sabihin mo nandito na si Mr. Castillio para sunduin sya, putek na ire!!

Huh?! Pagtataka ko sabay lunok (pawisan)

(biglang batok) Dalian mo na! Ang kupad-kupad mo talaga kahit kelan hhhmmmpp!(gigil)

(Himas sa ulong nabatukan) oho,tatawagin na ho…

Ng makaalis na sila Mr. Castillio, doon ko lang nalaman na may utang pala ang nanay ni Carlota kay Tyang Minda.
Sa di sila makabayad napilitang magpahanap ng mapapasukan si Carlota upang iyon ang ipambayad nila, namasukan sya  bilang katulong sa…….

 Hacienda de Monstrilla.

Itutuloy…

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review