Biyernes araw ng pahinga sa trabaho ng mga taga-disyerto, araw na laging inaabangan ng halos lahat ng tao mapa-pinoy man o ibang lahi…
Lablayp: labs gising…aalis tayo…
Ako: hmmmm…ano ba antok pa ako…
Lablayp: may pupuntahan tayo samahan mo ako…
Ako: whhhaaaaaattt??!! Naman eh!
So ayun backstroke ang beauty ko..alas syente ng umaga parang papasok lang sa opisina tumayo akong pupungay-pungay.
Jobfair…sa apat na taong inilagi ko dito sa Dubai 1st tym kong makadalo sa ganitong programa para sa mga OFW. Pagdating namin doon saktong 8:30am late ng 30minutes sa pag aakala namin na di pa naman agad magsisimula, so tambay sandali sa labas ng stadium. Syempre majority puro kabayan ang nandun kaya chika-chika muna sandali..ako na ang Ms. Congeniality! Mga ilang minuto pa ay niyaya na ako ni Lablayp pumasok sa loob. Sa may lobby sobrang tahimik aakalain mong wala pang tao, pero nung makarating na kami mismo sa loob ng basketball court…HOMAAAYYGAAAADD!!! Ito ang aming dinatnan.....
Nung una aakalain mong nasa tyangge ka or yung mga sale pag may fiesta dahil sa dami ng stands. Nagmasid-masid ako sa paligid……nagsimulang madurog ang puso ko……
Pinoy…lahat gagawin para sa kinabukasan ng pamilya..lahat nangangarap..lahat nagbabakasakali…lahat nag-aabang..lahat umaasang ito ang paraan para makaahon sa kahirapan at makamit ang kaginhawaang inaasam-asam…sa totoo lang nakakaawa….
Habang nakaupo kami doon at nag-aabang na matawag ang kanya-kanyang numero napansin kong lahat nakangiti, pero kahit anong tago nila sa tunay na nararamdaman bakas parin ang kalungkutan at umaasa na baka sakaling dito nila makuha ang trabahong hinahangad. Naiiyak ako…kung bakit naging ganito ang kapalaran ng mga kabayan ko..nandyan ang mga naka visit visa, terminated sa trabaho, takas sa malulupit na amo at kung ano-ano pang dahilan kung bakit sila nandidito ngayon.
Bakit pa kailangan lisanin ang bayang sinilangan, sino ba talaga ang nagkulang? Bakit kailangan pang magsakripisyo na malayo sa mga mahal mo kung ang kapalit naman nito ay walang kasiguruhan…bakit kailangan pang humantong sa pag-iibang ibayo? Sabihin na nating oo nandito nga ang mag-aahon sayo…pero hindi ba’t ang dami din nawasak na mga pamilya dahil dito? Ano ba talaga ang mas mahalaga?
Ang daming tumatakbong katanungan sa isip ko, kung bakit kailangang pang humantong sa ganito ang kalagayan ng mga kababayan ko…at isa na ako dun…nakakapanlumo..isama mo na ang mga walang awang kurakot sa ating gobyerno..ginagatasan ang mga kababayang masahol pa sa kalabaw kung magtrabaho..at eto pa ang masaklap..wala pa ngang trabaho peperahan na agad bago ka muna makalabas ng Pinas! Saan ka pa?! Sarili mong bayan winawalang hiya kana, kaya siguro mas ninanais pa ng mga kabayan na balahurain sila ng ibang lahi kesa sa atin na wala kang mapapala..tsk..tsk..tsk…
360…numero ni Lablayp..nag-aantay..nagbabakasakali…paano pa kaya ang sunod sa kanya +++?….reyalidad..lahat nag-aabang..umaasa na isang araw maabot din nila ang kinang at talim ng tala…
 |
| sila kuya posing ng pag-asa |