Showing posts with label kulay. Show all posts
Showing posts with label kulay. Show all posts

Monday, 14 March 2011

Para kay Anton

Posted by iya_khin at 02:04 22 comments
Para sayo Anton,

Matagal tagal ko na rin pinag-isipan ito at halos may katagalan na din tayong magkakilala. Naglalaro ako nun ng paperdolls na gawa ni ate na jinekwat ko sa bag nya ng masilayan kita sa labas ng bakuran namin habang naglilipat bahay kayo. 9 years old palang ako noon at di ko maintindihan ang naramdaman ko, parang biglang nag-palpiteyt ang inosenteng puso ko. Tandang tanda ko pa din kung anong itsura mo nun, may sipon ka ata ng panahon na yun kasi labas pasok ang uhog mo. Sige nga ang punas mo sa damit mo ng bigla kang mapatingin sa akin at nagulat ka, bigla kang tumakbo at pumasok sa inyo. Pero ok lang yon kasi super cute ka pa din sa paningin ko.

Lumipas ang mga araw naging klasmayt pa tayo sa elementarya, halos araw-araw magkasabay din tayong pumapasok at umuuwi. Nalulungkot nga ako minsan pag-absent ka kasi nakakabagot mag-isa nasanay na kasi akong kasama ka. Hanggang sa grumadweyt tayo ng highschool parang magkarugtong na ang bituka natin, in good terms din ang mga magulang natin kaya sobrang saya ko. Halos  gabi-gabi nasa inyo ako minsan naman dito ka tumatambay sa bahay namin at may pagkakataon pa ngang sa amin ka natutulog. Alam mo bang pinagmamasdan kita sa iyong pagtulog?! Ang pogi mo talaga! Nakakabighani ang iyong mala-anghel na mukha, ang mapupulang labi at ang makisig mong pangangatawan, I love everything about you!

Pero biglang nagbago ang lahat, simula ng dumating si Anna.

Si Anna, klasmayt mo sa kolehiyo, si Anna na maganda, si Anna na sexy, si Anna matalino, lagi nalang si Anna! Paano na ako, anong nangyari? Madalang ka ng tumambay sa amin ngayon, lagi ka ng nasa lakwatsa dahil kasama mo si Anna iniiwan mo na ako sa ere. Minsan naglasing ka sinamahan pa kita dahil sabi mo ayaw ng magulang ni Anna sayo. Bakit kailangan mo pang maghanap ng iba eh nandito naman ako? Bulag ka ba?

Dapat dati ko pa ito sinabi sayo, dapat pinagtapat ko na agad sayo na mahal kita, oo mahal kita simula pa noon. Ngayon nalulungkot ka kasi di ka kayang ipaglaban ni Anna, ako eto ipaghahamon pa kita! Sana mapansin mo din ako, sana malaman mong may feelings din ako. Sana balang araw di mo na din ako tawaging TOL…..
Mahal kita, dito lang me….

Loving you,

Tikboy
galing deviantart

Tuesday, 17 November 2009

Dahil Sayo

Posted by iya_khin at 23:50 10 comments
Sa mga nakalipas na araw di po ako masyadong nakapagblog at nakabisita sa lungga ninyo sa kadahilanang pang-personal..emote..emote…
Medyo magulo ang isip ko dahil sa mga panyayaring kinakaharap ko ngayon. Sa mga panahong linagi ko sa Dubai ay marami-marami na talagang pinagbago sa buhay ko, naiba ang takbo ng pananaw ko, naiba ang kilos ko, nag-iisip na ako, dati-rati’y sige lang ako ng sige kahit wala sa plano, tuloy puro palpak ang kinalalabasan ng mga desisyong ura-urada.
Sa katunayan pinatatag na ako ng panahon, dati takot akong ipaglaban ang sarili ko dahil ayokong may masasaktan tuloy sa tingin ko’y pasan ko lahat ang pasakit ng mundo. Actually related ito sa SMILE ni lordCM ( o ha special mention! )
Dahil sa kakulitan nya eh bigla akong natauhan…..kelan ba ako huling nagpapicture na naka-SMILE??!
Sa libong litratong meron ako ay nagsimula akong maghalungkat….nabigla ako sa hubad…hubad na katotohanan, wala akong picture na nakaSMILE!!!! Mga litrato ko’y karamihan ay pacute, emo, pawting nguso, sudako, at daring….ehem…joke! Ewan ko ba at bakit ganun lagi ang mga posing ko at nakalimutang kong mag-smile…sa personal naman ay bungis-ngisin ako isama mo pa ang loka-lokahan kong tawa. Siguro nga ay tama, tama na ang larawan ang makapagsasabi ng totoo mong nararamdaman (take note ang sabi ko po ay SIGURO lang) Sa kagustuhan kong mapaSMILE eh pinilit ko ang sarili ko, yung una kung picture naku ang sagwa kasi nga pilit, kung baga-plastik ang ngiti ko. Haay ang hirap dayain kasi sa mata palang eh alam mong nagsisinungaling.
So bago ako nagpicture ulit eh nag-isip muna ako, paano ako makakaSMILE nito lalo na sa panahong ito, may sakit ang nanay ko at di ko mapadalhan dahil nga sa di kami sumasahod, kailangan ng kapatid ko ng pangtuition ganun din ng anak ko. Maraming bayarin sa bangko at di ko alam baka bigla nalang akong damputin at ikulong, di pa ako agad makahanap ng bagong trabaho,etchetera at etchetera… haay sa patong-patong na problema sa tingin mo ba madaling pa akong makaSMILE?! Para na nga akong bato eh!
Pero may isang napakahalagang bagay na nagpukaw sa akin..
Sa kabila ng lahat marami mang bagyo akong sinusuong ngayon, ilugmok man ako ng mundo…

Lord Jesus, andyan ka pala para damayan at palakasin ako……
Sa kabila ng lahat nananatili kang nakagabay…Salamat…dahil sayo….ako ay napa-
SMILE.

Friday, 13 November 2009

BISITA....

Posted by iya_khin at 22:31 19 comments
Haha! back to work naman po malipas ang isa't kalahating araw ng day-off ko. As usual Sabado naka-off ang amo ko kaya heto't papetix-petix lang at pabasa-basa lang ng manga anime online, actually i'm reading HANA YORI DANGO , alam naman nyo siguro kung ano yun...sa mga di nakakaalam eh sabihin ko na din..yung ang original version ng F4. Nakakaaliw lang kasi eh ang cute ng mga anime pics nila. enyweyz so much about that.....


Yesterday during our Friday Church service we had a visitor...


Actually ganito kasi ang nangyari...the worship leader told us to stand up to greet and mingle around para kamustahin ang bawat isa syempre para masaya, so i was busy to beso-beso my friends whom i haven't seen for a week and greet new people na first tym palang maka-attend sa church...to make the long story short kasi hirap mag-every detail eh....


I greeted one of our girl visitor and as usual beso-beso din, i was not really paying attention kasi the praise and worship was about to start but when i was about to turn my back from her...bigla akong napaisip..teka.. parang kilala ko itong girl na ito ah...so i turned around ulit to check...

and wooh!!!


Kitchie Nadal?!


Kitchie in Dubai? and not only that she's really in our church! Natuwa lang ako kasi sa dinami dami ng christian churches dito pero sa amin sya umattend! diba ang saya! tutugtog pa sana sya kaso nasira yung electric guitar ng habibi ko kasi bumagsak kaya nawala lahat sa tono kaya di nalang sya kumanta...naku kung nag kataon baka maiba ang praise and worship namin kasi baka kumanta sya ng..wooohhooo wag na wag mong sasabihin na di mo nadama itong pag-ibig kong handang ibigay kahit pa kalayaan mo...woohooo.... eheheh!


Saya! Wala lang...gusto nyo ng pweba?


Ganda namin no?!

Thursday, 1 October 2009

LIWANAG

Posted by iya_khin at 00:00 0 comments

Sa pagsapit ng takip-silip
Mga mata’y nakatingin sa kawalan
Nagbabadyang pagsapit ng gabi
Nananatiling nakaupo’t nakamasid.

Ang inaakalang lumbay sa gabi
Nasa dilim ang sugat at paghikbi ay maikukubli
Ngunit sa munting liwanag at hiwaga’y naaninag
Katotohanang di nagiisa tumambad sa aking pangungulila.

Sa himpapawid ako’y napatingala
Papalubog na araw sadyang kay tingkad sa aking mga mata
Kulay dilaw at abo sa paningin ay kay ganda
Sa paglubog nito’y bukas ay may hatid na pag-asa.

Buhay, sadya nga itong makulay
Sa bawat pinta may iba’t ibang tema
Kalawakang akala mong kay dilim
Tingnan mabuti’t bituin ay sadyang kay ganda’t nagniningning.

Dati’y puno ng takot at pagkahabag
Sa sariling mundo pilit giniit ang sarili
Naging manhid sa pag-mamahal ng iba
Kinulong ang sarili tanging isip ay katapusan ko na.

Sa gitna ng dilim ay nakaaninag ng munting liwanag
Liwanag na kay liit ngunit sadyang nakakahalina
Ngayo’y pilit na inaabot ng sa kadiliman makawala
Pag-asa sa munting liwanag ngayo’y kalayaan makakamtan ko na.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review