Showing posts with label reality. Show all posts
Showing posts with label reality. Show all posts

Tuesday, 14 August 2018

LIFELINE

Posted by iya_khin at 05:51 7 comments

Standing alone at this bus stop
Waiting for a ride to take me home
Tired from the loads that the world has given me
On this point I am at the edge of giving up

I can’t express myself as no one is even there
The crowd is too busy to notice
People care less
To whom I would run to?

Battling with the tears that are about to fall
My chest aches as I hold my breath
This feelings that starts to engulf me
I am in distress, is this what I deserve?

I love in full, I gave in full
Now look at me, I am empty
Are those not enough that they still want to break me?
Broken I am, this I think is my destiny.

Many times I fell but I tried hard to pull back myself
This tiny heart of mine was torn apart
I mend it…I mend it…many times that i've lost count..
But now I’m too tired to do it all over again

All I asked was someone to grow old with
Someone who will choose and fight for me
They said they love me
How come now it is just me?




Monday, 17 November 2014

1st love (PART 1)

Posted by iya_khin at 04:57 1 comments
Noong unang panahon nung maliit pa ako ang sabi ng nanay "don't talk to strangers." Yan naman diba lagi ang bilin sa atin "NOONG UNANG PANAHON"..pero iba na ngayon.

"can you be my textmate?"
"Sure!"

Simple, walang kahirap hirap, old school pa nga yan eh! Nowadays makakita lang ng pogi at magaganda't seksing babae mangitian ka lang eh bibigay na agad! kaya madaming naloloko tas in the end ngangawa-ngawa! waley lang di ako makarelate :p

google image
Naalala ko tuloy yung 1st crush ko cguro nasa grade 2 palang ako nun, kyut din ng name nya di ko malilimutan.. "TON-YING" you're no cleaning!!  Yan tawag sa kanya ng mga uhuging bata dun sa may amin! Eh paano ba naman, ang dungis-dungis ng damit nya di ko alam kung saan sya nagsususuot pero sa mata ko.. "ang kyut-kyut nya ate charo!!"

google image
1st year highschool ako nung matikman ko ang matamis na unang halik....1st kiss! chaaarrrr! naset up ako ng mga jologs kong klasmayt! Napakamalas ko naman talaga!! Dream ko pa naman noon eh yung magiging first kiss ko nasa gitna kami ng hardin ng prince ko, surrounded with flowers... gumamela, santan at rosas! oh diba taray! mga ganung eksena sana ang pangarap ko...kaso planggak sa plangganang butas, gumuho ang lahat! Nayurakan ang buong pagkataon ko, dahil sa likod ng pinto ng 1st year high school classroom ako ninakawan ng halik! hayooooooppp!!! 

google image
1st kiss means 1st embarrassing moment
Alam nyo naman pag highschool di maiiwasan ang asaran, syempre nalaman ng buong bayan!!! parang gusto ko nalang mag-melt down nung mga araw na yun sa kahihiyan, dinaig ko pa ang bandera sa kahalayang ng pang aasar nila. pakssyyeeett!!

google image

1st bulakbol
At dahil mayaman si mamah at si papah syempre I studied at a private school. Private school means mahigpit ang seguridad katumbas naman ang mataas na matrikula! kamote! 
2nd year highschool - Dahil sa mga good fellow dabarkads ko, umagang-umaga palang eh nagplan na silang mag-cutting classes, diba masaya?! Ako na walang kamuwang-muwang eh kasali pala sa plano nila, asar din ako actually that day kaya wala din ako sa mood pumasok sa VALUES class ko kaya napilitan akong sumama. VALUES.... bawal ligawan ng titser ang studyante..kapalit nito 92% grade sa class! With a fake names and fake excuse letter nakalusot kami sa guwardya, nagcut class para manood ng sine! Kinabukasan, suspended kaming lahat! From head to toe ang takot namin dahil pinapatawag ang parents namin sa school..ang ginawa.. lumayas kaming lahat! kawawang nilalang..chooss... mga 1 day lang naman  kami nawala kasi nahanap kami agad ng aming mga butihing magulang..kami na ang bad cheetah! :p thanks to etchoserang frogs di tuloy kami nakatumbling papuntang cebu!




to be continue...epal 'tong amo ko!







Wednesday, 8 October 2014

LIFE vs ME

Posted by iya_khin at 06:00 2 comments
minsan di ko na talaga maintindihan bakit ganito ka shit ang buhay ko, masama ba akong tao? Yung mga masasamang tao nga di ganto ang layp nila bakit ako ganto ng ganto lagi?

Paksyet talaga nakakaurat na!! Ano ba naging kasalanan ko ha?! ha?! ha?! 

Bipolar?!! ako na!! Ganun naman lagi, in the end kasalanan ko lagi, ako na laging mali! Ayos diba? Gusto ko lang naman ng maayos na buhay, simple lang naman ang mga pangarap ko pero bakit laging pinagkakait?

Minsan gusto ko nalang magpakamatay...

Ganto na ba talaga ako ka worthless?

Ganto nalang ba ako kapangit?

Tingin ba nila isa akong shit?!

Lahat iniiwanan ako, lahat sablay... tang-ina talaga... ano ba nagawa ko?

Lagi nalang akong naloloko..o nagpapaloko lang talaga ako?

Wala.. wala na akong gana... lahat ng gawin ko di pa din sapat.

Wakasan ko nalang kaya ang buhay ko, matutuwa siguro ang lahat!

Ako na ang madrama, ako na ang mali, ako lagi ang sablay...

kasi ako lang naman ang marunong umamin ng kasalanan ng iba..

Lahat kasi sila malinis...

Diba masaya?!!!


That's life.. so fucking life!!





Thursday, 24 July 2014

LERRRIIIITT GOOOO!

Posted by iya_khin at 01:43 5 comments

"Willingness to let go.."
Parang ang dali, pero i like that.. chaaaar!!!

Magbabalik tanaw ako, ano nga ba yung mga plano ko dati? Yung MGA PLANO ko dati..
Madami, pero ni isa sa mga planong yun wala akong maalala. Ok fine, example, halimbawa.. plano kong maging artista o diba bagay?! Dati kasi puro ako iyak sa sobrang drama ng buhay ko kaya na isipan ko dati i-approach ang GMA o ABS-CBN para isapelikula yung buhay kong puno ng kadramahan, syempre dapat ako ang magiging artista at bida. (yeah right korinks!)

Shaaakeerss wala talaga me maalala, anobeey! Ito na talaga siguro yung point na alam ko sa sarili ko na nakamoved on na ako at na-let go ko na yung mga plinano ko dati o di kaya naman natupad na yung mga plinano ko.

Sa totoo lang ang daming mga plano pero failed.. sucks!

Yaaktuwalii... from those failures natuto akong tumayo at lumaban, dahil sa mga planong naging drawing at mga pangakong napako natuto akong manindigan sa sarili ko. Bakit kamo mga planong pangako?! Ganto...

Scenario:

girl: uuyyy babe help mo naman ako, plano kong magpatayo ng palasyo tas gusto ko maging prinsesa.

boy: naku babe ako bahala sayo, ako ang magpapatayo ng palasyo para sayo.

girl: (nag-isip...) ok fine, basta 'to yung plan ko na plan na natin ha!! promise mo yan ha?!

boy: oo, i swear by the moon and the stars in the sky..

pagkatapos ng mahabang paghihintay..walang palasyo...may dumating na wicked witch...sinapian si boy..naanay ang binubuo palang palasyo...karma is a bitch..na-yolanda si boy at si wicked witch. - the end

So nasaan si girl?!

Nasa far far far far away land kumakanta ng LERRIT GO, LERRIT GO! 

Natatawa nalang ako pag naalala ko ang mga shitness sa buhay ko, PAAAAKSYYEET, buti at nagising na ako. Simple lang naman ang mga plano ko dati, maayos na tahanan, maayos na pamilya, yun lang naman.. pero it takes a lot of effort.. a life time effort which for OTHER people is very hard to handle. lels parang handle with care lang!

Pero nasaan ako ngayon? Nandito ako sa lugar na di ko naman planong pumunta, sa lugar na hindi ko planong magtrabaho, sa lugar kung saan ko nalaman na malakas pala ako at kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa. Nakaya kong mag-isa sa tulong ni AMA. oopppss wag kayong iiyak, ayoko ng drama! :p

Ang daming nangyari sa buhay ko na hindi ko naman plinano, kasi SYA yung nag-plano para sa akin.

"For I know the plans I have for you, declares the Lord, plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future." JEREMIAH 29:11

Hindi ako relihiyosa madami akong kabaliwan at madami akong naging kasalanan, pero ang masasabi ko lang wala akong inagrabyado at nilokong tao... ako kasi ang naloloko.

Heniwaaayss..balik tayo dun sa willingness to let go.

Di naman masamang mag-plano lalo na kung eager ka talagang matupad ito pero expect din sa mga failures, dapat handa ka sa mga magiging resulta mapabuti man o mapasama. Dapat tanggap mo, dapat matatag ka at the end of the day kasi pag hindi, at kung hindi mo kayang harapin ang kalalabasan it will lead you to distraction which ayaw natin lahat mangyari.

Kung beyond imagination naman ang mga plano mo, aba eh mag isip-isip ka, reasonable ba naman? Well ikaw lang ang nakakaalam.

body pump #lesmills
 when life is so hard for you to carry.... "SQUAT IT DOWN"

Hindi ko po plinanong maging GX instructor, adik lang ako dati sa gym dahil ito yung naging lunas sa kaek-ekan at depression ko before. Pero eto ako ngayon.. hindi ko aakalain... dahil sa tinding burden na pinapasan ko dati, natuto akong buhatin at dalhin ito sa ganitong paraan.. may future pala dito! LOL

Dito nya ako dinala, ni-mold nya ako para maging strong.. :)

Sana kayo din..

He has plans for you as well... just trust and hold on unto HIM.




Wednesday, 9 July 2014

ISANG BUTIL

Posted by iya_khin at 02:05 5 comments


Paano kung isang araw mag-papaalam na sya?
Paano mong haharapin?
Paano mong tatanggapin?
Paano mong makakaya?
Paano kung isang araw pag-gising mo wala na sya?
Paano kana?

Ang daming bagay sa mundo na di mo talaga maintindihan, ang daming tanong na hindi mo alam ang sagot o kaya naman ayaw mo lang talagang sagutin kahit alam mo na ang sagot. Bakit? Dahil takot kang harapin ang katotohanan, natatakot ka sa kalalabasan. Ang hirap.... damn...

Wala lang, feel ko lang mag-emo today nakakamiss din kasi mag-emo paminsan minsan. Nakakamiss minsan yung papatakin mo ng isang butil ng luha ang isa mong mata, o sige gawin nating dalawa. Nakakamiss malinisan ang mga mata dahil sa pag-luha.

Naiiyak talaga ako... 

Sabi pa lahat ng bagay may dahilan, lahat ng bagay na nangyayari sa buhay natin ay nakatakda. hmmm.. depende din siguro kung paano tayo magdesisyon sa buhay, consequences of our choices ika nga. 

"cards on the table we're both showing hearts
risking it all, though it's hard
cause all of me loves all of you.."

Paulit-ulit sa utak ko.. LSS ng million times!! 

This point of my life, eto na yata yung masasabi kong i'm risking it all... basta..putteeek naiiyak na naman ako. So hirap grabe!!!! Maraming beses na akong nag-risk pero eto buong pagkatao ko na talaga, ito na yung last card ko kung baga, no moves... 'to na talaga yun.

As you grow older you see things much clearer pero eto yung point na natututo na tayong magbulag-bulagan, kasi alam mong you cannot turn back time anymore. Hindi na tayo bumabata, yung mga choices natin ngayon matters so much, time is running. Kung yung dati carefree lang tayo during our teen days, pero ngayon naghahabol na tayo sa oras, our decision matters the most.

Sa aspeto ng kultura, pamumuhay, relihiyon di naaangkop, magkasalungat at di talaga magtutugma... wala kang magagawa... "mag-dusa ka!!!" lol

Pero bakit?!

Ang gulo....

Ang gulo ng buhay ko...

itatakbo at i-gygym ko na nga lang 'to!!!











Sunday, 22 June 2014

self explanatory

Posted by iya_khin at 01:52 5 comments
Dear You,

Kamusta kana? tagal na natin di nakakapag usap ah? Balita ko madami ka ng na achieved sa mga nakaraang taon. Himala din di kana nag-popost ng mga kaemohan, good sign yan tuloy mo lang. Alam mo miss kita, pareho na kasi tayong busy..hmmm alam mo na.. umiiwas na madapa ulit.. kakasawa na kasi diba? Positive lang tayo lagi ok, kahit madaming mga kryptonite sa paligid straight forward lang, di naman tayo pinapabayaan ng tatay natin sa itaas.

Natutuwa ako sayo kasi laki na talaga ng pinagbago mo, pero it's still the same you.. loka-loka ka pa din! :p
Believe nga ako sayo kasi di ko alam san mo pinupulot lahat ng lakas mo sa katawan, tapos nagagawa mo pa din ngumiti at bumungisngis.. kilala kita.. may kurot pa din sa puso mo di mo maitatago yan.

Alam ko na minsan sumasagi pa din sa isip mo, yang mga worries mo alam na alam ko yan, amoy na amoy kita. You're trying to fake it pero I know once in a while pumapatak pa din yang mga luha mo..naku...tama ako diba?!!

Ok lang naman yun natural yon, natural na din sayo yon, ang importante kaya mo ng dalhin ang sarili mo kaya mo ng sumabay.. di kana nagbabalak maglaslas! lol adik ka! Pero alam mo i'm really so proud of you, atleast you proved yourself na hindi ka mahina, hindi ka talunan lalo na lakas ng faith mo na ewan ko san nangagaling. (ang bait mo sana kunin kana ni..... ) hehehe!

Basta relak-relak ka lang ok, dito lang ako lagi to support you. Be happy, maraming nagmamahal sayo nandyan lang sila yun lagi mong tatandaan. Lahat ng plans and dreams mo in time makukuha mo din yan, kasi alam ko ang nasa puso mo.. alam ko ang motives mo. chillax, wag kang nerbyosa!

Cge basta sa susunod usap ulit tayo ha, wawa naman din 'tong blog mo di mo na nauupdate! namimiss ko na mga tula mo at ka ek-ekan mo dito! hmmmm.. in fairness di na bumabaha ng luha dito ah! (pwera usog!!)

Cheers!!

me xoxo




Sunday, 4 May 2014

the truth....

Posted by iya_khin at 23:35 0 comments

Anong mas gusto nyo, yung totoo o yung totoo?!

Maraming pangyayari sa paligid natin na di natin maintindihan at in the first place kung bakit nangyayari yung mga sitwasyong di natin inaasahan.

Gusto mo ba masampal at ang sasampal sayo ay yung katotohanan? Mas masakit kesa sa pisikal na dadapo sa mukha mo ang isang malapad na kamay, panandalian masasaktan ka, medyo mabibingi pagkatapos paglipas ng mga 1 minuto mamumula at mamamanhid pero mawawala din bago matapos ang araw.

Pero ang malaman ang katotohanan, yung inaakala mong perfect life, perfect friendship, work, marriage, heatlh..ect.. balat kayo lang pala. Binulag ka ng mga taong nasa likod nito, binulag ka para di mo makita ang tunay na sitwasyon.. handa kana ba malaman ang totoo? Mas masakit sa sampal.. mas masakit.. dahil buong pagkatao mo masasaktan.. ilang oras? ilang araw? depende sa kakayanin at malalagpasan mo.

Masakit malaman ang totoo lalo na kung ikaw pa yung huling makakaalam nito.

Ang totoo kasi.....


END -






Thursday, 18 July 2013

nang dahil sa init mo....

Posted by iya_khin at 00:47 9 comments
Nakakainit na ng ulo talaga!!!!!!!!!!!!!!!!!!! waaaaaaaahhhhhhhh!!!! Sobrang init na nga ng weather dito sa disyerto pati ba naman 'tong bwiset kong telepono nakikisabay din!!! Haaay naku! kaloka na talaga! kabibili ko lang netong phone ko na 'to 4 months ago eh binibigyan na ako ng problema kabwiset talaga! Actually 2weeks palang to sa akin sakit na 'to ng ulo! pero dahil sa tamad-tamaran ako eh di ko napapalitan.... my bad....


Di ko alam kung bakit pero lagi 'tong nag-iinit na halos pwede ng mag-gisa dahil sa init, minsan nakakatakot kasi baka bigla nalang sumabog tas pansin ko din mas lalong umiinit 'to pag nasa bulsa ko! kaloka? lalaki ata 'tong phone ko lagi syang hot pag hawak ko! Sarap ibalibag at durugin! 


Can you feel me peeps?!! Diba nakakainit naman talaga ng ulo lalo na pag laging nag-hahang ang phone mo 'tas natataon pa lagi na pag may importanteng kausap ka sa text, fb, twitter, bbm, whatsapp, wechat at kung ano-ano pang social network! Tas kakacharge mo lang eh lowbat na kaagad?!!!! waaaahhh!!! 'nyeta!! katweet-tweet at ka-PM mo pa naman si crush mo!

goggle
Diba tama 'tong piktyur?!! nowadays di ka mapapalagay pag wala kang teleponong bitbit, mas importante pa nga to kesa sa wallet mo.. lalo na pagnaka-unlimited call and text ka at connected to wifi! Sosyal!! Haaayyy! nakakaurat lang talaga at dahil dito nakapagblog tuloy ako!

mecometer
Kita nyo yang chart? Di naman gaanong halata na mahilig sa telepono ang pinas kahit recession na eh pataas pa din ang bilang ng mahilig makipag txt at tawag ultimo si lola at lolo may hawak na celphone khit malabo na ang mata. dabaaaah?!!!! The Mobile cellular subscriptions of Philippines is 99.3 (per 100 people) with a global rank of 99. Oh diba taray!!! nakapagresearch pa talaga ako dahil dito!!! waaaaaah!!!

google
Ang totoo... gusto ko lang bumili ng bagong phone.. mawala ng lahat ng lalaki sa mundo wag lang ang celphone ko.. chaaaaarrrr... gusto ko yung phone na malakas magvibrate para feel na feel ko pag meron akong message! hehehe!

Anong brand and model ng phone ang maganda? Help me gad! :p





Tuesday, 11 June 2013

Naka-apat na si Iyakhin, pumayat kana ba?

Posted by iya_khin at 05:40 25 comments
deviantart
Sa wakas ginagahan na naman akong mag-update ng blog kong 'to, sabi pa nga panapanahon lang talaga! hehehe! So anong meron dito?! Wala namang bago same old shitness ko pa din at kung ano-ano lang, hmmm...sensya na kung di ko talaga madalas nadadalaw at di ako gaano nakakapag-update kasi nga...MASAYA AKO! Lels! Antayin nyong ma-emo ako tiyak araw-araw nasa tuktok ako ng bloglist nyo.

Shoot! Naka-apat na taon na nga talaga itong bahay ko! Akalain mo yun?!! Di ko kasi inakala eh! Pero masaya ako kasi atleast di ko talaga 'to tuluyang iniwanan... sabi pa nga "once a blogger always a blogger"  tama ba?!! ay ewan!

So ayun nga sabi ko gusto kong magpakontest kaso wala naman pumatol magcomment sa box ko, hahaha! wala na atang nadadalaw dito! Pero ganun pa man masaya pa din ako sa mga secret and silent readers ko thanks to all of you, mahal ko kayo! :p

Dahil sa wala akong maisip na idea siguro ganto nalang ipapacontest ko...gumawa ulit ng TULA! Opo, tula ulit! wala akong maisip eh! Pero this time hindi na about sa mga kaemohan or ano pang mga kadramahan sa buhay...teka ok binabawi ko na sinabi ko..cge pwedeng emo. ;p

Ang tema naman ay patungkol sa kalusugan, opo tama kayo ng basa about sa HEALTH! Dahilan nauuso ang mga marathon at kung ano-ano pang mga Thon nowadays kaya eto ang temang napili ko.

Dahil 4 na taon na ang blog ko kaya 4 na beses ko din pinag-isipan 'to! lels! wala lang mairelate lang.

So ok, basahin mabuti at sundin ang panuto, kung sa salitang banyaga..read and follow the instructions carefully! Intendes?!!

PAANO SUMALI:

1. Kahit sinong pinoy na blogero't blogera basta't may blog na kung saan pwede nyong iposte ang inyong ilalahok na tula.

2. Gumawa ng tula na may tema tungkol sa KALUSUGAN. (kahit anong istilo, drama, humor, ect basta tumutukoy ito sa kalusugan.)

3. Ang tulang lilikhain ay dapat hanggang 4 NA STANZA O SAKNONG lamang! Diskwalipayd ang hihigit dito!!! OK?!!

4. Ang tula ay dapat nakasulat sa sarili nating wika..TAGALOG.

5. Ipadala ang inyong opisyal na tulang ilalahok na nakatipa sa MSWORD sa email na ito: extreme.sportaholic@gmail.com

6. I-LINK ang post na ito sa inyong mga entry, eg: 


 7. At magcomment sa post na ito sa gantong paraan:

Name / Alias: Iyakhin
Entry Title at URL: Nang ako'y Pumayat / http://susulatako.blogspot.ae/nangakoypumayat

8. Huwag din kalimutang ilagay ang link sa inyong mga lahok ang ating sponsor:

SHUT UP AND BURN
Maaari nyong ipasa ang inyong entry / lahok simula ngayon June 11, 2013 at ang deadline ay hanggang June 30, 2013. Ang mapipiling manalo ay syempre tatanggap ng premyo!! At i-a-announce ang nanalo sa July 05,2013. Kung nasa ibang bansa ang gustong sumali /nakilahok at kung sakaling manalo, ang premyong inyong matatanggap ay ipapadala lamang sa Lupang Ating Sinilangan..Pinas!

Isa lamang ang pwedeng manalo pero tiyak na masisiyahan kayo sa magiging premyo. sana nga :p  Kung ano man ito....may kaugnayan ito sa ating tema! Naman!!

Kaya't umpisahan nyo ng tumula ng mahabang-mahaba at mag-exercise tuwing umaga! hehehe!



Wednesday, 24 April 2013

MAGPASEXY TAYO!

Posted by iya_khin at 05:45 4 comments
Yes mga kiddo's nandito na naman ako at ganadong-ganadong magposte! Dahil summer na summer pa eh nagkaroon na naman ng idea ang lola nyo na gumawa ng blog! Yeaaaahbaah! Why not coconut?!!! 

And because of course napag-usapan na din naman ang summer sa tag-araw gumawa ako ng bagong blog. hehehe! In fairness nakakadugo ng utak ang bago kong blog kasi trying hard talaga akong mag-english spokening dolyar doon! Takte ang hirap pati ngalangala ko dumudugo!

So ayun nga meron akong bagong blog, it will discuss more about health and fitness! O ha!!! :p

O hala support nyo ako dun sa isa kong blog ha, di ako emo doon at di ko kayo paiiyakin kundi papapayatin ko kayo! wahahaha!

Suportahan nyo at follow nyo ako mga friendship ha!!! Eto yun click nyo sa baba! hehehe! Thanks guys!!!



Thursday, 31 January 2013

let's get physical!

Posted by iya_khin at 00:26 11 comments

Yeeeaah!! ewan ko pero excited much ako!! parang may bulate sa wetpaks ko na parang may kiti-kiti at di ako mapakali!

Adik ako! oo, adik daw ako sabi nila, adik na ako kakagym and everything! Ayoko na maging majomba kaya last year kinareer ko na talaga ang pagkuskos sa mga baby fats ko. Actually tagal ko ng plan magpapayat ever since the world began?! Pero last year lang talaga pinag-isipan kong mabuti at dibdiban kong ginawa.

Halos araw-araw laman ako ng gym kulang nalang ilipat ko lahat ng gamit ko at dun na ako tumira, ganto routine ko every week:

6am - gigising to prepare myself to work

7am - sasakay ng metro dubai train at makikipagsiksikan at balyahan! joke

8am to 5pm - workaholic churvaness ek-ek kunyari

6pm to 10:30pm - patayan blues sa gym #extremeworkout

and oooppss every tuesday nasa park ako ng 7pm to 8:30pm nakikipaghabulan at takbuhan sa mga hunky-punky dun sa loob ng paikot-ikot na maze! nakakahilo! :p

thursday - cheatday at lumalablayp?!! lels

friday - labada and linis mode at ito yung quality time namin ng best friend ko, depende din kasi minsan sa hapon pag feeling namin eh para kaming stagnant eh kakaripas kami ng takbo, saan pa eh di sa gym!

ganto lang layp namin, gym dito gym doon ganun daw pag walang lablayp o kung by schedule ang lablayp! dito ko lang nalaman na meron palang ganung by schedule!! kaloka! Anyway, masaya ako kasi may nagpapatibok ng puso ko..eheeem! ily yellow! :*

Pero pansin ko lang, 80 percent ng may mga issue sa layp, lablayp ect.ect eh nasa loob ng gym! takbuhan daw 'to ng mga sawi o depressed o yung mga naghahanap ng lablayp at kung ano-ano pa. Ako sa totoo lang gym din ang outlet ko pagdepressed at pagsinusumpong ako ng kaemohan at topak ko. Mas nag-eenjoy ako kasi full force ako dun hanggang sa lumawit dila ko. minsan sa totoo lang di ko na ramdam pagtibok ng puso ko dahil sa pagod.

Maximum weight na na-gained ko from my 5yrs stay here sa abroad is 74kg! kulang nalang ng 1 para maging pasang awa. naexperience ko din mag-mild stroke dahil sa super duper kakyutan ko dati at ang mas masaklap eh favorite kang asarin at kutyain ng mga taong mapang-api sa paligid-ligid. kaya pag umuuwi ako sa bahay lagi akong humaharap sa salamin at ito lagi sinasabi ko..."bukas luluhod ang mga tala!" Paksyet kayo pag ako pumayat di ko na kayo papansinin!!! :p

napapagod na ko magtipa..eto nalang sample ng bunga ng aking pag-papagal at patayang pag-eehersisyo..

BEFORE
jordan 2011
desert safari, dubai 2011
me and bff bino @saranggola blog awards 2011
axl,xander,anciro,cj,zyra and me..yung isa sorry nalimutan ko name.. :(

AFTER


me and my best
mga Feeling Group! lels
fitness first Running Club
marathoners
i'm sexy and i know it! :p
Maraming nagsasabi sa akin dati hindi ko daw kaya, they're all wrong! Kaya ko! Kinaya ko! and no doubt makakaya nyo din! Kung gusto maraming paraan kung ayaw eh kayo din ang mapag-iiwanan. Sobrang hirap talaga pero kung isasapuso mo magagawa mo, remember ikaw din mismo magsusuffer sa mga pang-aabuso mo sa katawan kaya mag-isip isip ka.

Great changes may not happen right away, but with effort even the difficult may become easy. 
-- Bill Blackman

Decide carefully, exactly what you want in life, then work like mad to make sure you get it!
-- Hector Crawford


Wednesday, 16 January 2013

mamatay kana!!

Posted by iya_khin at 04:25 10 comments
message from FB 10:54pm (dubai time) 2:54am (philippine time)

bunso :ate
na balang kami ni mark
nakuha ung pang tuition ko.
pati cellphone ko
tae

wala na sakin
cellphone ko
nakuha
d kami naka galaw ni mark
may mga dalang kutsilyo
bnigay ko na lahat
buti ung kay mark d nakuha
ung akin lang nbigay ko
pati pang tuition ko
nakuha nila
kakain kasi sana kami.

inaya ako n mark kumain
muntik na ko masaksak
bnigay ko nalang
lahat


d kami pinasok
nasa labas kasi
kami
kakain
Tsk


Sunod-sunod na mensahe ng bunso kong kapatid at yung tinutukoy niyang si mark...anak ko. Halos atakihin ako sa puso ng nabasa ko 'tong mga messages nya sa telepono ko. Hindi ko alam ang gagawin ko, parang sinisilaban ang pwet ko sa sobrang nerbyos! Sinubukan kong tawagan kapatid ko sa phone, enggot lang kasi nakuha nga pala telepono nya pero sinagot pa talaga ng mga holdaper! kaloka!

Nakakapanghina... I thank God kasi walang nangyari sa kanilang masama, I thank God yun lang kinuha sa kanila at hindi ang buhay nila, ikamamatay ko na talaga.

Di ko alam kung bakit ganto nangyayari sa akin ngayon, hindi ko alam kung hanggang saan ako tatagal...nanlulumo na ako pero need kong tumayo para sa anak ko...para sa anak ko nalang..

May mga bagay na sadyang di ko maintindihan at mahirap maipaliwanag kung bakit sa dinami-dami ng tao parang sa akin ibinato lahat ng gantong mga pangyayari... ewan...

Ang hirap na din magtiwala, dahil pati yon binasag na ng mga taong mga mapang-abuso kahit yung pinakamalapit sa buhay mo na akala mong mapagkakatiwalaan mo, yun pa ang susungab sayo.

google
ganto gusto kong gawin sa mga taong walang hiya!!!! sobra na talaga!!!!

ayoko munang mag-blog.



Sunday, 13 January 2013

liars go to hell!

Posted by iya_khin at 03:55 4 comments
google


“There were lies we told to save ourselves, and then there were lies we told to rescue others. What counted more, the mistruth, or the greater good?” ― Jodi Picoult, Handle With Care

2013 goodbye na talaga 2012...

Pero pagpasok palang ng taong 'to ang dami ko na agad sablay...haaaaiiiist... ang dami ko na agad palpak at ni hindi pa nga nangangalahati ang buwan ng enero. Paksyet talaga! Kaasar!

Naaasar ako sa sarili ko, kung pwede ko lang sana irewind kaso hindi...

Just the other night and dami kong narealized bigla, para akong binuhusan ng napakalamig na tubig na bigla akong napabalikwas. Ang gaga ko talaga...kung hindi pa muntik ng mabaon ang kaliwang paa ko sa hukay hindi pa ako magigising.

I'm not a perfect person you think I am, hindi ako mabait at lalong hindi ako santa. Kahapon nung nasa mall ako may nakita ako dun sa window ng isang store na nakaagaw pansin sa akin, title ng book..  "Trust me, I'm Lying: Confessions of a Media Manipulator" by Ryan Holiday. Wala po akong alam kung anong nilalaman ng book na 'to ang concern ko lang ay yung title.

"Trust me, I'm Lying" yeah I lie and I lied...sa araw-araw ng buhay ko nagsisinungaling ako, kayo ba naisip nyo ba yon?! May araw ba na hindi ka nagsinungaling? Kahit sa pinakamaliit na bagay?! Halimbawa sa pakikinig sa kaibigan mong paulit-ulit ang kwento at wala ka ng ganang makinig dahilan sa nakakaumay na, at pagtinanong ka ng kaibigan mo kung nakikinig ka sa kanya tas sasagutin mo lang ng oo kahit hindi, diba kasinungalingan na yon?!

Magmasid ka sa paligid mo, wala ka bang napapansing nagkukubling mga kasinungalingan?! O sadyang nagbubulag-bulagan lang tayo sa katotohanan?

Nung bata pa ako laging panakot sa akin para magsabi ako ng totoo eh, liars go to hell daw! Sino ba gustong mapunta sa hell?! kaloka! Pero kung iaapply mo yun in reality, wala na sigurong matitirang tao dito sa earth, nasa hell na lahat!

Gusto kong ilublob ang sarili ko sa kumukulong tubig kung ito lang ang paraan para maalis ang kasinungalingang nababalot sa katauhan ko...

Hindi pa naman siguro huli ang lahat para baguhin ko ang landas na tinatahak ko, hindi pa naman siguro huli para baguhin ko ang pananaw ko sa buhay, hindi pa naman siguro huli para makinig naman ako sa payo ng mga taong totoong nagmamahal at nagpapahalaga sa akin, at hindi pa naman siguro huli para mahalin at irespeto ko ang sarili ko..

Ayoko na...

Tama sila...

Mali ako...

Pinagsisisihan ko na talaga...

oo, nagsisisi na ako..

 pero mananatili pa din akong magsisinungaling para sa ikabubuti ng iba...

ang gulo...

ewan....

patawad...


Friday, 28 December 2012

jealous is the girl

Posted by iya_khin at 07:18 16 comments
oh well cheers to that!

Monday, 24 December 2012

simoy

Posted by iya_khin at 01:40 14 comments
google

Malamig ang simoy ng hangin damang-dama ng kalamnan
Pasko na naman tila kay saya ng bawat tahanan
Mga tao'y di magkamayaw tila ba'y nag-uunahan
Lingid sa iba sa senakulo'y yaring nilalang ang syang nararanasan.

Kisap ng mga parol di maaninag
Tila ba nabulag na, wala ng liwanag
Himig ng pasko nakakatuliro, nakakabingi
Pigil na luha, eto na, dahan-dahan, ang hapdi.

Di makahinga, dibdib yaring sasabog
Pasko dapat sanay masaya ngunit sa kalungkuta'y lubog
Ito ba ang alay mong regalo?
Tunay ngang kakaiba, aginaldong alay mo.

Dahan-dahan ako'y kinikitil
Dahil sa salang di sadya ako'y itinatakwil
Minahal nga ba o pagpapanggap lamang?
Araw ng pagkabuhay syang aking pagkamatay.

Idaraos ang gabing suot ay maskara
Pipiliting maging masaya, sa harap nila'y makikitawa
Makikisalo, ikukubli ang tunay na nadarama
Pagkatapos nito'y ako'y magpapaalam na.

Malamig ang simoy ng hangin...
Manhirin mo, bukas ay muling mag-iisa...


Tuesday, 27 November 2012

wishlist 101

Posted by iya_khin at 22:29 24 comments
google

Pasko na naman o kay tulin ng araw, paskong nagdaan tila ba kung kailan lang….

Walang pasko…
Walang pasko dito sa disyerto, di ko rin naramdamang magpapasko na nga pala. Noong nakaraang taon excited ako to the hayest level kasi magbabakasyon ako, bawat araw binibilang ko dahilan sa 4 na taon bago ako makauwi. Pero ngayong taon, malamig ang pasko ko…..

ito ang patunay na excited ako last year...pindutin ITO at ITO.

Kakalungkot pero ganun talaga ang layp, minsan mapaglaro at mapagbiro. Kailangan mong maging matatag at kailangan mo din maging matapang, hindi ka pwedeng manghina kahit hinang-hina kana. Nakakaloka….

Dalawang araw nalang sana simula sa araw na ito ang schedule ko pauwi sa atin, nakaempake na sana ako nakaready na sana ang mga bagahe’t pasalubong…pero nabagong lahat ng plano…naglaho parang isang bula…sakit sa dibdib ngunit kailangan kong tanggapin..

Pero ok lang..araw-araw naman pasko diba? Hindi naman necessary na mag-antay pa ng Disyembre para maging pasko.

Malungkot..totoo..

Kaya gumawa nalang ako ng wishlist para maibsan naman ang kalungkutan ko, ito yung mga gusto kong gift na sana kahit isa man lang dito eh maambunan ako..

WISHLIST 101

1.ipad tab mini
2.iphone 5
3.blackberry 9900
5.longchamp leather sling bag
6.kipling leather sling bag
7.vans rubber shoes
8.baby-G watch
9.nike-fuelband
10.converse shoes

Hindi naman ako masyadong maluho diba? Simple lang naman yung mga gusto ko diba?! LELS
Sa totoo lang hindi po talaga ako materialistic na tao, mga pantasya ko lang ang mga yan, mamumulubi muna ko bago ko mabili lahat yan! Hehe! Kaya hanggang wish nalang sila..

At sa totoo lang ulit, isa lang naman talaga ang gusto kong regalo sa pasko, yung hindi nabibili at hindi napepeke, yung hindi nasisira at yung hindi kumukupas dumaan man ang madaming panahon…

Ito ang gusto kong gift…

….TRUE LOVE.


Thursday, 8 November 2012

separate lives...

Posted by iya_khin at 02:17 6 comments
Someday you'll forget about me..
it will hurt just a little while...
but sooner or later..
we'll be better in time.


SEPARATE LIVES
Phil Collins & Marilyn Martin

You called me from the room in your hotel
All full of romance for someone that you met
And telling me how sorry you were, leaving so soon
And that you miss me sometimes when you're alone in your room
Do I feel lonely too?

You have no right to ask me how I feel
You have no right to speak to me so kind
We can't go on just holding on to time
Now that we're living separate lives

Well I held on to let you go
And if you lost your love for me, well you never let it show
There was no way to compromise
So now we're living (living)
Separate lives

Ooh, it's so typical, love leads to isolation
So you build that wall (build that wall)
Yes, you build that wall (build that wall)
And you make it stronger

Well you have no right to ask me how I feel
You have no right to speak to me so kind
Someday I might (I might) find myself looking in your eyes
But for now, we'll go on living separate lives
Yes for now, we'll go on living separate lives
Separate lives

 



LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review