Showing posts with label PEBA. Show all posts
Showing posts with label PEBA. Show all posts

Wednesday, 28 September 2011

speechless me...

Posted by iya_khin at 05:07 17 comments

speechless ako....

salamat po ng marami sa nagbigay oras sa pag-gawa ng pic greetings para sa akin...sensya sa kakulitan ko!
sobrang enjoy ng berdey ko! maghapong nakamukmok sa kwarto ko salamat sa HANGOUT sa G+ nag-enjoy ako sa pagtuturo kila bino at leah kung paano magluto ng hotdog n egg at salamat nakilala ko ang bago kong kras lels ako na madaming kras. salamat sa mga nagdaang kabaliwan at kaemohan na naicontribute ng mga tao sa paligid ko. salamat din sa kaplastikan at pang-aalaska sa akin akala nyo di ko alam, salamat sa mga heyters na patuloy pa din sumusubaybay sa akin, you complete me! salamat sa mga bagong kaibigan na naging close at not so close ko dito sa bloggy world. salamat sa mga kakulitan ko sa tuwetuur, salamat sa pag memention sa akin na may kasama laging @ salamat sa pagbabasa ng maemo kong mga post. salamat sa lahat ng taong naniwala sa kakayanan ko sa PEBA at sa Saranggola isama mo pa ang KM2 sir kuya kuli paramdam u salamat sa mga secret admirers ko kapal ko i admire u too lels  salamat sa pag-ibig kung meron nga ba talaga.salamat sa LUHA kontest ko naluha talaga ako lalo na sa courier sa pinas bumaha ako ng luha buhaya takte! salamat sa mga blog nyo dami kong natutunan puro kalokohan lalo na sa blog ni mocha gspot iheyt u di na me uulit! salamat sa lahat lahat ng support nyo, salamat sa berdey greetings na bumaha sa fb at tuwetuur. salamat sa prayers nyo if ever naalala nyo ako salamat sa secrets...with s talaga! o wag nyo ng alamin secret nga eh salamat sa paalala at mga alaala ng mga tunay na nagmamahal sa akin kahit sa gabi nagmemensahe kayo..alam nyo na kung sino kayo. salamat sa lahat ng concern nyo at pag-aalala. salamat din dun sa bus na nasakyan ko sana makilala ko balang araw yung driver nun at itreat ako sa chili's, mamang driver don't wori di ako pihikan! salamat sa lahat lahat....

eto seryoso na...

i thank the Lord for giving me another year to celebrate my birthday, i thank Him for everything He has given to me. i thanks Him for His mercy and love and for the forgiveness i have received from Him, in spite of all my failures and my so called FILTHY WICKEDNESS He has been so gracious to accept me again and again. I thank Him for his unconditional love and calling me as His own. I thank Him for letting me serve Him through music and publication ministry. i thank Him for the wonderful people He has given me and also for those people He has placed to challenge me and to help me change for the better. i thank Him for always being there for me when i cry for help at times i feel so all alone.

"Lord i give you me, i give you my all, i'll hold nothing back i'll answer when you call, though i live or die your glory is my life, my royal destiny.."



Thursday, 8 September 2011

MATILDA MALDITA

Posted by iya_khin at 00:52 26 comments


Hala lagot kayo kay Matilda kaya iboto nyo na ako baka masapak kayo! lels
Bumoto dito sa PEBA tandaan NO.13! PINDOT NA!


Sunday, 7 August 2011

SULAT TOTOO

Posted by iya_khin at 22:48 30 comments

Hunyo 01, 2009

DUBAI… gusto kong makapunta! Ito ang sabi ko noong ako’y nasa aming bayan pa. Ito ang hangad sa karamihan nating mga kababayan, masilayan ang rangya at kaakit-akit na buhay dito na tinatawag nilang “ the city of dreams”.

Takbo dito takbo doon, halos magkandarapa ako sa paghahanap ng pera pangprocess ng mga papeles ko, makipagsiksikan at pumila ng pagkahaba-haba makiisa sa mga taong nagnanais makatakas sa hirap ng buhay at makalaya sa inaakalang tagumpay.Sa paliparan halos mapunit ang bibig ko sa laki ng aking ngiti, halos maglupasay ako sa tuwa pagkat sa wakas ako’y lalaya na! Ramdam ko ang lungkot ng aking mga iiwan, lungkot dahil sa mahabang panahon na di ko sila makakasama, ang aking supling na walang kamuwang-muwang ay iiwan kong lumuluha at nag-iisa, ngunit linunok ko lahat ang aking pangamba dahil sa isip ko’y ito’y para rin sa kanya.

DUBAI…wow!! Humahagik-hik akong mag-isa na parang sira ng makatungtong ako sa magarang paliparan nila, bungad palang ay batid mo na ang magarbong klase ng buhay na meron sila. Napakaganda ng paligid ni wala kang makikitang dungis, mga iba’t-ibang lahi ang aking kasabay nakikipagsabayan ako sa kanila habang masayang kumakaway.Paglabas ko ay biglang bumilis ang lahat, mga pangyayaring di ko sukat inakalang ito ang sasambulat sa aking harapan ng makita ko ang reyalidad ng bansang aking pinuntahan. Ito ang titirhan ko?? Bulalas ko sa aking sarili, masikip, makipot na kwarto na di ko alam kung aatakihin ako. Ni sa panaginip di ko inakalang ganito ang buhay ng mga kabayan ko, dahil sa tuwing sila’y makakausap di mo aakalain ganito ang kalagayan nila, may ngiti sa labi ni walang bahid ng lungkot ngunit sa gilid ng kanilang mata alam kong puno ng tiis at hirap.

Sa unang linggo ng pagdating ko’y napasabak agad ako sa trabaho, masasabi kong maswerte pa rin ako, di tulad ng iba ilang buwan at araw ang ginugol para makakuha ng trabaho. Sa mga nakalipas na araw ininda ko ang reyalidad isip ko’y di magtatagal at lilipas din ito, ngunit nagkamali ako habang tumatagal simisikip ang mundo ko. Di tulad sa atin may nanay at tatay na mag-aasikaso sayo, mas maswerte ka rin kung may katulong na magsisilbi sayo, ngunit dito sarili mo’y karga mo. Gigising ng napakaaga maliligo sa napakainit o napakalamig na tubig dahil nagmamadali ka, ni hindi pa nag aalmusal ay aalis kana. Kumakalam ang tiyan mo habang nagtratrabaho ka, iniinuman nalang ng kape para kumalma ang sikmura, mas mainam talaga kung may kaibigan ka dahil meron naman may tiyagang magdala ng pagkain at walang humpay ang pasasalamat ko sa kanila. Lumipas ang mga araw salamat pa rin dahil buhay pa ako, ni hindi alam ng mga magulang ko na halos mabaliw na ako…lalo na ng dumating ang hagupit ng krisis na patuloy na hinaharap natin ngayon, hay naku po paano na ako?

Di ko sinisisi ang nangyari sa akin sa simuman dahil niyakap ko itong buhay na sa akala ko’y mag-aahon sa akin at marangyang hihimlay, ngunit kung maiisip kong napakaraming bayarin  na naghihintay haay.. parang gusto ko ng mahimatay. Anim na buwan walang sahod, kinakapalan ang mukha kahit tuhod ay nangangatog malagyan lang ng kaunting laman ang tiyan na kumakalog di mo mahahalata dahil nagpapanggap na busog. Pilit na ngumingiti kahit sa loob-loob ko’y nagngingitngit, walang magawa kundi ang tumahimik. Paligid ko’y unti-unting lumilipas mga kasama’t karamay ko’y unti-unting nalalagas, sabi pa ng iba’y tayo na’t tumakas, pero may takot itong si kabatak sa itaas kaya’t heto ako’t lalaban hanggang manigas.

DUBAI.. di ko gustong dito mamatay, nasaan na ang rangyang pinangako? Ako sayo’y sumasamo, sa matataas mong gusali sa kinang ng iyong ginto sa lawak ng iyong paligid at sa rangya ng iyong palasyo ngunit bakit iniwan mo akong nagdudusang mag-isa sa disyerto.

Augusto 05, 2011

DUBAI..mga kabayan taas noong patuloy na lumalaban sa hamon ng buhay…mga kabayan hanggang ngayo’y umaasang sa dulo ng lahat ng pagsisikap at tiyaga, sa bawat usal ng panalangin, sa kada patak ng luha..uuwi parin sa sariling bayan na may dalang tagumpay at oo isa ako sa kanila!


LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review