New year na pala, di ko namalayan ang takbo ng oras at panahon..langgo pa ako dahil sa nakaraan kong bakasyon..oo..nakaraaan na...dahil heto't nagsisimula na naman akong magbanat ng buto...given...naiiyak na naman ako habang tinitipa ito. Tsk!
Ang dami kong dapat ipagpasalamat sa nakaraang taon, ang daming pagsubok at blessings ang napagdaanan at natanggap ko at kung iisa-isahin ko baka makagawa na ako ng libro.
Sa totoo lang tamad pa ako, siguro dala lang ng pagod sa byahe pabalik dito...siguro...
Ayoko na sanang bumalik, mas mahirap pala ang nagbabakasyon dahil ramdam na ramdam mo na sa huling araw ng bakasyon mo eh may iiwanan ka na naman at may mga matang luluha...ang hirap-hirap palang talaga..kung gaano ako ka-excited umuwi sya namang pananakit ng dibdib ko pabalik sa ibang bansa.
Ang bilis lang talaga ng panahon, parang kahapon lang kasama ko pamilya ko, pero heto ako ngayon muling nag-iisa....ang emo ng pasok ng blog ko ngayong taon...walang pinagbago...
Haayyy life.....
O sya...makaupdate lang....tama muna ang drama....pero naiiyak talaga ako now...dahil sa tambak ang trabaho ko!!! Waaaaahhh!!!


