I’m really sorry…nakalimutan ko…
Sorry talaga, marami lang talaga
akong iniisip lately. Hindi ko talaga sinasadyang makaligtaan ko ang pinaka
espesyal na araw mo…
Tatlong taon na pala tayong
magkasama, matagal tagal na din pala. Hindi ko inakalang magkakasama tayo ng
ganito katagal, ilang beses na din kasi kitang iniwanan at binalak na talikuran
at tuluyang kalimutan, pero heto’t tayong dalawa pa din ang magkadamay hanggang
ngayon..
Salamat dahil sayo nailalabas ko lahat ng nararamdaman
ko.
Salamat dahil di mo ako iniiwan kahit may topak at
baliw-baliwan ako.
Salamat din kasi lagi kang nariyan para pakinggan lahat
ng mga kwento kong walang kalutay-lutay.
Salamat nandyan ka
parin kahit sabaw-sabawan na talaga ang utak ko.
Salamat at nananatili kang FREE kasi di ko alam paano
kita i-lelevel up para magka DOMAIN ka, natatakot akong bigla kang mawala..wala
pa naman akong mga back up sayo.
Masaya ako kasi dahil sayo marami akong nakilala at
naging kaibigan, hindi man sila lahat nakilala ko personally pero at least alam
kong nariyan sila para damayan tayo sa mga kadramahan nating dalawa. Nakakataba
din ng puso ang mga taong nag iiwan ng bakas nila na kahit nonsense ang mga
pinagkukwento natin eh nakaready ang mga panyo nila para makiiyak at pawiin ang
luha natin na hindi maubos-ubos.
Happy 3rd years anniversary sayo blog ko! Sana tumagal pa
ang pagsasama nating dalawa!
Mahal na mahal kita!


