Sunday, 27 February 2011

Ako si Yulie 05

Posted by iya_khin at 03:04 17 comments

Ako si Yulie 05

Itay!
Halos hindi ako makahinga na animo’y aatakihin ako. Isang nakabalot sa kumot ang tumambad sa akin.
Dali-dali ko itong nilapitan at ng sa aking pagtanggal nito ay biglang…….

Hahahahahahahaha!!! Parang naloloka sa katatawa ang Tyang Minda
Hahahahahaha!!
Timang!!
 Yari ka!! Haay naku Yulie, ang dalidali mong maloko!
Eh kung gumigising ka ba naman ng maaga di ka sana parang ulol dyan!

Napakasama mo talaga Tyang Minda! Sa galit ko’y napataas ang aking boses.
Pak! Sampal ang inabot ko. Di ko na napigilan at napaluha na ako, nanlalamig pa rin ang buo kong katawan dahil sa nangyari. Niloko lang pala ako ni Tyang Minda at iniayos nya na parang katawan ang mga unan at tinakpan ito ng kumot para maghugis tao. Napakasama nya talaga.

Hala iligpit mo ang mga yan! Sabay titig sa akin at uli na naman nagtatatawa.

Asan ang Itay? Mariin kong tanong habang patuloy akong lumuluha.

Wala kang pakialam kung nasaan sya dahil wala kang silbi! Pahiyaw nyang sagot sa akin

Meron akong pakialam, akala mo lang wala pero meron,meron,meron!!! Hiyaw ko din

Nang mag-aambang masasampal na naman ako, tinabig ko ang kanyang kamay.

Aba lumalaban kana ha!! Sabay sabunot sa aking mahabang hair.

Aray po! tama na po! nasasaktan po ako! Tama na po!

Maldita ka! Wala ka na ngang idinudulot na mabuti sa bahay na ito, umaasta ka pang ganyan!! Leche ka! Hala cge! Mag-empake kana ngayon din at sasama ka sa akin! Pang-gagala-iti ni Tyang Minda

Sasama?! Saan?! Ayokong sumama sayo! Halos di ako makahinga sa paghikbi.

Sasama ka sa akin sa ayaw at gusto mo! mariin nyang utos

Saan tayo pupunta? Paano ang itay? kailangan ako ng itay! Tuliro

Gusto mo bang matigok talaga ang tatay mo? o kung ikaw ang matitigok ko ngayon?!!

Hala! Mag-empake ka at ngayon din ay aalis kana na!


Sya ba?

Itutuloy…

Wednesday, 23 February 2011

HUGZZZ

Posted by iya_khin at 22:38 20 comments


Uuuuuuyyyyyyy!!!!
Tats na tats ako!! (teary eyes) Sobrang natuwa talaga ako sa inyo, oo SAYO! Di ko lubos inakala na ganun nalang ang soporta nyo sa akin kahit di tayo personally magkakakilala. Lab-lab ko kayo…huhuhuhu

Habang binabasa ko ang mga komento nyo sa post ko kahapon eh di ako makapaniwala sa mga nabasa kong advices mula sa inyo, feel ko talaga. Actually po magpapaliwanag ako sa inyo bakit ganun ang naisulat ko kahapon…

Sekreto po natin ito ha wag nyo pong ipagkakalat…pramis?!! Mag-pramis ka!

O sige sasabihin ko na ang totoo….

Artista po ako.

Pwede na bang pang FAMAS award?!! Kathang isip ko lang po iyon, ka-ek-ekan ko lang po. Mahilig lang talaga akong magdrama-drama. Sa totoong buhay po madali talaga akong umiyak, kahit sa commercial at balita naiiyak ako, oo talaga! Totoo po ang nickname ko na iya di ko po yun gawa-gawa, parents ko nagpangalan sa akin nun kaso ang real spelling is iah pronounced as iya kasi iyaking nga talaga. Mababaw lang kasi ang luha ko, wala ngang makapaniwala sa akin sa laki kong ito! (ba’t ba ako nageexplain??!!)

Eniwey, don’t worry mga fwenship di po ako sawi sa lab-layp, I’m 12 years happily married na po with 1 kid. Oo tama ang nabasa mo 12 YEARS in the making na po. Aga kasi kami nag asawa, I was only 17 yrs old that time.. ooooppsss wag kang magbilang kung ilang taon na ako, nasa kalendaryo pa ang edad ko!
Syempre haba ng hair ng lola mo kaya kumerengkeng nabenta agad! But to tell you I am so blessed with my family, di ko kasi akalain in early age eh maitataguyod namin ng maayos ang pamilya namin…(teary eyes again..)

Pero honestly, I appreciate your concerns ha, I’m so blessed to meet people like YOU. Though we’re all miles apart, haven’t seen each other, not familiar with each others faces, no connection at all, but the most important thing is the concern and sincerity you’re giving. Nosebleeding

Lab u guyz!

PS: please support A PRAYER FOR OFWS

T - Die

Posted by iya_khin at 00:28 17 comments

Hating gabi na ay di ko pa rin natatapos itong mga paperworks ko. Sumasakit na ang ulo ko kakarevise ng mga ito para sa deadline namin bukas meron kasi kaming submittal.

Kailangan ko na talaga itong matapos, wala ng oras… ang hirap…dahil sayo apektado ang trabaho ko pati ang buhay ko gumuho ng dahil sayo.

1 taon na ang nakakalipas pero di parin ako nilulubayan ng mga bangungot na dinulot mo, ano bang naging kasalanan ko para gawin mo ito? Sobrang sakit ng ginawa mo, lahat pala ng ipinakita mo, lahat ng mga sinabi mo ay puro kasinungalingan! Sinungaling ka! Sinungaling ka!

Pinatay mo ang pagkatao ko! Binaboy mo ako! Lahat ng sinabi mo at pinagawa mo ay sinunod ko! Pag katapos ano?!! Ano?!! Winalanghiya mo ako! Sirang-sira na ako, sa mga kaibigan ko, sa pamilya ko, oo ng dahil sayo tinalikuran ko silang lahat. Nagbingi-bingihan ako sa mga abiso nila, binalewala ko ang mga pagpapaalala nila ng dahil sayo!

Ngayon ano? Nakikita mo ba ako? Nakikita mo ba kung anong ginawa mo sa akin? Masaya kana? Iniwan mo ako sa ere! Hayop ka! Hayop ka! Wala na akong mukhang ipapakita sa kanila, wala na akong ipagmamalaki sa kanila dahil sinira mo na, durog na durog na ang pagkatao ko!

Ayoko na....hirap na hirap na ako, dahil hanggang ngayon ikaw pa rin ang mahal ko. Oo nahihibang ako dahil sa kabila ng lahat mahal na mahal pa rin kita!! Naririnig mo ba ako? Naririnig mo ba ako?!!! Sumagot ka!!!!

Tok…tok..tok..

(room mayt) Hoy iya! Nagdradrama ka naman, di talaga sasagot yang teddy bear pinagtritripan mo na naman! Matulog kana nga!


Tuesday, 22 February 2011

Ako si Yulie 04

Posted by iya_khin at 02:12 18 comments

Sinabi ko ng hubarin mo!!

(pigtas)

Tyang! ibalik nyo po sa akin yan! yan lang ang tanging alaala ni inay sa akin!(hagul-gol)

Tumigil ka! Ito ba? ito ba?!! Pinagyayabang mo ito?!! Ang sabihin mo,walang silbi ang nanay mong makate tulad mo! pagdut-dot sa mukha ko ng aking madrasta habang pilit kong binabawi sa kanya ang tanging bagay na iniwan ni inay para sa akin.

Tsaka anong silbi ng kwintas na ‘to?! Eh ang pangit-pangit naman nito kamukha mo! pinagdadamot mo pa sa anak ko?! Parang torong umuusok ang ilong ni Tyang Minda sa kakahiyaw, nakangisi naman ang kanyang anak na animo’y demonita habang kinukuha sa kanyang ina ang aking kwintas.

Wala akong nagawa kundi ang lumuha, inagaw na nila ang bagay na nagbibigay sa akin ng pag-asa, isang gabay na magbibigay direksyon para mahanap ang aking ina. Nagkulong ako maghapon sa aking silid, pinalipas ko ang oras na taimtim na nag-iisip at tulalang nakamasid sa babuyan ng aming kapitbahay. Maya-maya pa ako’y nakaidlip….

Kalabog-kalabog-kalabog!!

Aaaaaaaaaaahhhhhhhhh!!!!!! Pabalikwas akong napaupo at pawisan.
Panaginip lang pala.
 Ang init naman, wala bang AC?
Haay, di ko talaga maalala kung anong panaginip ko, lagi nalang ganito. (Emotera mode)
Alas-tres na ng madaling araw, dahan-dahan akong lumabas ng aking silid para kumuha ng maiinom.

Nang madaan ako sa may kwarto nila itay, narinig kong may kumakaluskos.
Umuungol si itay….

Aaahhh…uuummm….aaahhh…ang sakit na ng dibdib ko Minda, ayoko pang mamatay…
Huminahon ka Lando, paano nalang ang anak natin? Ang future? Di ka pa pwedeng mamatay.. (hmmmm….taas kilay ko.)
Bukas na bukas din, gagawa ako ng paraan para maipagamot ka, sige na matulog kana. Mahinahong sambit ni Tyang Minda kay itay na tila di ako makapaniwala sa mga naririnig ko, aba may puso din pala ang madrasta!

Pupungas-pungas pa ako galing sa pag-gising ng bigla kong marinig ang sigaw ni Tyang Minda..

Lando!!!! Lando gumising ka!!! Pahagul-gol nyang tawag kay itay
Agad-agad akong napatakbo patungo sa kanilang kwarto at nagulat ako sa aking nadatnan…

Itay!!


itutuloy

Monday, 21 February 2011

Past Life

Posted by iya_khin at 11:43 7 comments
Gusto mong maiyak...di nga yung totoo?

Naghalungkat kasi ako ng blog ko at eto yung mga dahilan bakit ako nakapag-simulang magsulat....

Way back 2009 month of June ako ng nag start mag blog, tagal na pala di ko napansin..dami na nangyari sa buhay ko.

 Kaya ko palang mag-go on akala ko dati hindi na...wag ka munang maiyak...

Sa tulang ito malalaman mo kung ano ang past ko...wag kang iiyak ha...

click mo ito: KAPIT

Tomorrow Never Dies

Posted by iya_khin at 00:40 10 comments

Name: Iya_Khin
AKA: Tomorrow Woman

Sobrang natuwa talaga ako nung makita ko ito sa post ni kikomaxxx! Kasalukuyang naglilibot ako sa kalawakan ng hating gabi ng mapadpad ako sa kanyang batcave!! Aba-Aba-Aba!! Nakabilang ako sa kanyang mga parokya! Di ko inakala! Halos mapunit ang bibig ko sa kakabungis-ngis, take note ha bungis-ngis talaga to the maxxx! Di ko nga alam kung nagising ko yung mga ka-room mates ko kasi biglang tumigil sila sa paghihilik. Usually kasi gabi-gabi may live band sa amin, wag ka almost complete sound system pa! Dyan na ang bass, rhythm , acoustic samahan mo pa ng matinis na vocal chords at WALAH!! Instant banda na talaga dagdag mo pa pala ang taga-sutsot at yung parang naghihingalo!

Mabalik tayo, effort to the MAXX ka talaga KIKO panalo ikaw na talaga! Pero tanong ko nga sayo bakit ako naging Tomorrow Girl?!! Diba nga sa tagalog nun eh Bukas na Babae?! Sabagay marami talagang naka-bukas sa akin, matakot ka kung wala! Eh kayo may bukas din naman ha!

Henywey, my wey, seg wey ngayon ko lang narinig si Tomorrow Girl, siguro sa palabas pagnakikipaglaban sya sinasabi nya sa kaaway nya ganito…
Heh!! Tumigil ka, bukas ka nalang mag-inarte! O di kaya hoy! Bukas nalang tayo magtu-os! Bukas nalang wat-eber!

Hala cge bukas naman!

Sunday, 20 February 2011

CYBER

Posted by iya_khin at 00:23 13 comments


What if….?

Sorry if I have felt this way for you
This is all so wrong but just can’t help it I’m stuck with you.

Please stop, you’re messing all things up
You know I can’t be with you, and this world of mine is all untrue.

…It just happened; I’ve fallen for you…

Please stop…

Please stop…

Please stop…

Loading……………………………

Hanged

Unplugged

End 

Friday, 18 February 2011

AKO SI YULIE 03

Posted by iya_khin at 00:46 16 comments


Ako si Yulie 03

Naku naman Lando, paano na yan? Ang dami-dami pa nating bayarin! Ano nalang mangyayari sa pwesto natin sa palenke kung di tayo makabayad agad? Kakarampot nga lang ang kinikita natin sa gulayan tapos magkakasakit ka pa!? Bwiset na buhay talaga ito! Kung minamalas ka nga naman! Pasinghal ni Tyang Minda

Pasensya kana Minda, ayaw na talaga akong papasukin sa talyer habang di gumagaling ang sakit ko. Nagagalit na nga ang may ari dahil kung ano na raw ang sakit ko at baka makahawa pa raw ako. Pasensya na talaga… dito ka lang ha, wag mo akong iiwan. Pagmamakaawa ng aking Itay

Eh ano pa nga ba! Wag mo akong itulad dun sa kerengkeng mong asawa, kahit ganito ako eh di ako nang-iiwan! Mariing parinig ni Tyang Minda sa akin habang ako’y nagliligpit ng aming pinagkainan.

Hating gabi na ay patuloy parin sa pagputak ng bunganga ang aking madrasta, inaantay ko ngang mabilaukan ng matigil na.

Kinaumagahan…

Ubo..ubo..ubo… (Itay)
Tay, parang lumalala na yan, dadalhin na po kita sa center ng mapatingnan ka. May konting pera pa naman po akong naitabi galing sa paglalabada dun kila Mang Oska. Mangiyak-ngiyak ako habang hinahaplos ko ang aking tatay.

Huwag na anak, itago mo nalang yan. Kaya ko ‘to, ipapahinga ko lang ito at gagaling din ako.

Pero Itay, napapadalas na ang sunod-sunod nyong pag-ubo, cge na po dadalhin na kita ngayon, as in now na! sagot ko sa kanya.

Makulit na bata karin ano?! Hayaan mo na nga ako, malakas pa ako keysa kay machete! Pilit na pabiro ni Itay sa akin.
Sya nga pala anak, patawarin mo pala ako kung di ko pa natutupad ang pangako ko sayo. Pag-gumaling ako…..(tikom ko sa kanyang bibig)

Sssshhh….ok lang po itay, naiintindihan ko naman po. Pwede pa naman akong maging nurse ha! Katulad ngayon, ako ang mag-aalaga sayo! Round the clock! (sabay padiak!) nagaya ko lang sa TV ng kapitbahay.

Pilit kong pinapasaya ang aking itay sa kabila ng kanyang karamdaman, kailangan ko pa rin ipakita sa kanya na ok lang ang lahat para di sya mag-alala. Alam kong sa kabila ng kanya mga ngiti bakas parin sa kanyang mga mata ang lubos na kalungkutan at pag-aalala. Alam kong hindi ito ang buhay na kanyang hinangad para sa akin, para sa amin ni inay noong buo pa ang aming pamilya.


Hubad!!! Sigaw at pag-pupumilit nya sa akin.

Hubarin mo na sabi eh! kundi malilintikan ka sa akin!

Parang awa nyo na po….

Itutuloy




Wednesday, 16 February 2011

YOU ARE SO FAT

Posted by iya_khin at 04:27 23 comments
OO inaamin ko "I'M FAT" and so are YOU!

Dahil sa wala akong magawa buong araw na nagbabad ko sa opisina, cge boss sweldohan mo lang ako kunwari busy ako ay napansin ko halos lahat pala ng nakilala kong blogero't blogera dito eh FAT!

Eto ang list ng mga FAT:
ISTAMBAY
LORDCM
KAMILA
KIKOMAXXX
SUPERJAID
AYU
ADANG
POY
KIKILABOTZ
UNO
EMPI
RAZZZ
JAG
SUPERG
MIDNIGHTDRIVER

Sa ibang di ko nabanggit eh,pataba muna kayo, as in pataba muna kayo sa puso ko.....emo....emo....
Lab-lab ko kayo,kasi kahit walang kakwenta-kwenta mga post ko eh pinapatulan nyo kaya nakaka-FREAKIN' kayo!

Grab-grab nalang po AWARD nyo!! Cge magpa-FAT pa kayo ha, akong bahala sa kolesterol nyo!



Tuesday, 15 February 2011

Ako si Yulie 02

Posted by iya_khin at 22:27 9 comments
Eto na ang karugtong ni Yulie. Pansamantalang naantala kahapon sa kadahilanang nag-iinarte ang may akda!


Ako si Yulie 01



Ako si Yulie 02

Magandang araw ho Mr. Castillio, tuloy ho kayo! Nakangiting parang bruha sa pagbati ng aking madrasta.

Magandang araw din sayo Minda. Seryosong tugon ni Mr. Castillio

Di na ako magpapaligoy-ligoy pa, tulad ng pinag-usapan natin ito ang pera, limang-libong piso, asan ang dalaga?! Tanong ni Mr. Castillio

Dalaga? sino? Tanong ko sa aking sarili habang nagkukubli sa likod ng pinto ng aming kusina.

Sir, sandali lang ho at aabisuhan kong gumayak na at ng maisama nyo na agad. Maaring mag miryenda muna kayo sandali. Pabungis-ngis na alok ni Tyang Minda habang binibilang ang pera.

No, thank you, busog pa ako. Pasinghal na sagot ni Mr. Castillio na parang nandidiri sa inihanda kong pansit.

O sya,sandali lang ho at tatawagin ko na. Nakangising sagot pa din ni Tyang Minda at patuloy parin sa pagbilang ng pera na animo’y milyones ang hawak nya.

Yuliiiieeeee!!! Tawag nya.

Pakiramdam ko’y bigla akong namutla, napakalas ng pintig ng puso ko habang ako’y maingat na tumakbo patungo sa aking silid. Masakit sa tenga ang bawat tibok ng aking puso,nakakanginig,nakakangilo, habang nararamdaman kong papasok na sya sa aking silid. Pigil ang aking hininga at ang maluha-luha kong mata habang nakatutok ang aking tingin sa papabukas na pinto…..

Huwag po!!!!  Pasigaw ko.

Anong huwag po??!!  Bruhang babae ka!(sabay pingot sa tenga ko)
Nandito ka lang pala, pinapahirapan mo pa akong maghanap sayo!!
Tawagin mo si Carlota sa bahay nila at sabihin mo nandito na si Mr. Castillio para sunduin sya, putek na ire!!

Huh?! Pagtataka ko sabay lunok (pawisan)

(biglang batok) Dalian mo na! Ang kupad-kupad mo talaga kahit kelan hhhmmmpp!(gigil)

(Himas sa ulong nabatukan) oho,tatawagin na ho…

Ng makaalis na sila Mr. Castillio, doon ko lang nalaman na may utang pala ang nanay ni Carlota kay Tyang Minda.
Sa di sila makabayad napilitang magpahanap ng mapapasukan si Carlota upang iyon ang ipambayad nila, namasukan sya  bilang katulong sa…….

 Hacienda de Monstrilla.

Itutuloy…

Bad Mood

Posted by iya_khin at 00:39 12 comments
Notice me?!!
I don't feel so well today....
I'm looking at myself right now...
I feel so fat....

and so...
am I??

Nag-eemote lang......

Saturday, 12 February 2011

Ako si Yulie

Posted by iya_khin at 23:56 12 comments

Ako si Yulie, 19-anyos, probinsyana…
Ito ang buhay ko.

Bata pa lamang ako hanggad ko ng makatapos ng pag-aaral.

Itay , balang araw gusto kong maging nurse! ito ang laging kong sinasabi sa kanya araw-araw.

Leche tumigil ka nga! Naku Yulie sa araw-araw nalang nakakatulili kana! Hetong atupagin mo,magluto kana at pagkatapos ihatid mo si Linda sa skwelahan, bumalik ka kaagad ha at maglilinis ka pa ng bahay! Bwiset! Sagot ng aking madrasta.

Hayaan mo anak, pag nakaluwag-luwag tayo pag-aaralin kita ulit, wag mo ng intindihin ang Tyang Minda mo. Tugon ni Itay.

Sanggol pa lamang ako ng iwan kami ni Inay, di nya nakayanan ang hirap kaya sumama sa iba. Halos mabaliw ang Itay ko ng mga panahon na yon, hanggang sa nakilala nya si Tyang Minda ng minsang dumalaw sa amin ang pinsan ni Itay na kasama sya.

Madalas sa kalagitnaan ng gabi napupukaw ako ng aking paghagulgol, wala naman akong maalala sa mga panaginip ko pero pakiramdam ko’y pawang kay bigat.

Kinabukasan…

Hoy ate!  Sabi ni nanay maghanda ka daw ng miryenda may dadating na bisita bilisan mo!

Dyaskeng batang ito walang respeto, hmmmp! Kundi batukan kita dyan eh!

Umaangal ka?! Nay o si ate ayaw!

Yulie!!!!!! Sigaw ni Tyang Minda

Heto na po!! Naku talaga, pahamak na batang ito!

Itutuloy….

Thursday, 10 February 2011

SAKRIPAYS

Posted by iya_khin at 11:27 12 comments

Sa nakalipas na 4 na araw, di ako nakadalaw at nakabisita sa blospera at na miss ko kayo kunwari.
Nasa ospital po ako nung mga araw na yun at kasalukuyang binabantayan at lubos na nag-aalala sa kabiyak ng aking puso at buhay…nakss! I thank God magaling na sya at eto kasalukuyang nag-dodota dis-oras ng gabi kalaro ang uniko iho namin..naman talaga abuso!

Napakahirap talaga kung nasa ibang bansa ka at tatamaan ka ng sakit, lalo na siguro kung mag-isa ka lang at walang mag aasikaso sayo… di tulad sa atin may mga kamag-anak tayo  may magulang, kapatid, mga tyahin at tiyo, pinsan at mga kapit bahay na mga tsimosa dadamay sayo. Sa ibang bansa madalang lang.

Di po related dito ang kuwento ko.. may isa lang akong katanungan dahil 4 days na lang at valentines na..

Anong kaya mong isakripays sa mahal mo?
Tatagal ka ba?
Kakayanin mo ba?
May K ka ba?

Cge nga! Sensya na carried away ako eh kaya naging apat ang katanungan, hayaan nyo na minsan lang naman ako mag tanong eh!

wink-wink!!! 

Sunday, 6 February 2011

BLEEDING LOVE

Posted by iya_khin at 22:18 10 comments


Dahil sa buwan ng mga puso ngayon at naumpisahan ko na ng medyo pang-arouse sizzling sa nakaraan kong blog dirty mind kasi kayo eh eto muna ang ipo-post ko.

Usapang dugo naman tayo! I really love this song lalo na ang version ng Boyce Avenue (Bleeding Love).
This song was originally sung by Leona Lewis, but I still love the way Angelo sang it! Ipromote ba!

So just sit back and relax and enjoy the music and be inlove while eating puto at dinuguan!!

BLEEDING LOVE
Closed off from love
I didn't need the pain
Once or twice was enough
And it was all in vain
Time starts to pass
Before you know it you're frozen

But something happened
For the very first time with you
My heart melts into the ground
Found something true
And everyone's looking round
Thinking I'm going crazy

But I don't care what they say
I'm in love with you
They try to pull me away
But they don't know the truth
My heart's crippled by the vein
That I keep on closing
You cut me open and I

Keep bleeding
Keep, keep bleeding love
I keep bleeding
I keep, keep bleeding love
Keep bleeding
Keep, keep bleeding love
You cut me open

Trying hard not to hear
But they talk so loud
Their piercing sounds fill my ears
Try to fill me with doubt
Yet I know that the goal
Is to keep me from falling

But nothing's greater
Than the rush that comes with your embrace
And in this world of loneliness
I see your face
Yet everyone around me
Thinks that I'm going crazy, maybe, maybe

But I don't care what they say
I'm in love with you
They try to pull me away
But they don't know the truth
My heart's crippled by the vein
That I keep on closing
You cut me open and I

Keep bleeding
Keep, keep bleeding love
I keep bleeding
I keep, keep bleeding love
Keep bleeding
Keep, keep bleeding love
You cut me open

And it's draining all of me
Oh they find it hard to believe
I'll be wearing these scars
For everyone to see

I don't care what they say
I'm in love with you
They try to pull me away
But they don't know the truth
My heart's crippled by the vein
That I keep on closing
You cut me open and I

Keep bleeding
Keep, keep bleeding love
I keep bleeding
I keep, keep bleeding love
Keep bleeding
Keep, keep bleeding love
You cut me open and I
Keep, keep bleeding love



Saturday, 5 February 2011

First Time

Posted by iya_khin at 21:56 12 comments


Aaaarraaaayyyy!!!!! Di ko na kaya ang hirap talaga, tingnan mo nagdugo na tuloy!

Sa unang pagkakataon namin ginawa ito eh nahirapan talaga kami, halos lumuwa at maluha na mga mata ko sa pagpilit, ang liit at kitid kasi ng butas eh!

Talagang napakahirap ipasok pag-first time mo, dinilaan at nilawayan mo na di pa din ma-shoot, gumamit na nga kami ng pampapasok ayaw parin, pawis na pawis na kami di pa rin namin magawa….haaayyy…..

Ilang beses na akong natusok, ang sakit-sakit na nga eh, gusto ko na ngang sumuko pero kailangan namin maipasok kung hindi di magiging successful ang likha namin…

Whalah!!! At last sa tiyaga namin nashoot din sa butas! Kung anu-ano ng position ang ginawa namin para lang mairaos ito, nanginginig na nga ako. Sarap talaga ng feeling pagnapasok na, sabi ko nga sa kanya wag masyadong over-excited baka lumabas agad.

Ganito talaga kapag first time mong manahi, napakahirap i-shoot sa butas ng karayom ang sinulid…

Ano bang iniisip mo?! ba’t nakangisi ka?

Thursday, 3 February 2011

Adik!

Posted by iya_khin at 04:19 12 comments

Oo adik ako! Kakabangag ka kasi! Drugstore ka ba? Nalululong na kasi ako sayo eh!

Malamang nagtataka kayo ba’t ganito mga write ups ko, lokaret kasi! At sinong tinutukoy ko?

Actually marami sila di ko na mabilang..teka tumutunog telephone ko….

Sensya naman, sa opis ako eh!

Saan na ba tayo? Ah the who etetch na made me drugged…..

Kilala nyo ba si Katniss Everdeen at Peeta Mellark? O si Gale Hawthorne nalang? malamang baka nakasalubong nyo na yan o di kaya nakatabi nyo na sa jeepney. Si Estella o Edgard kaya? Ano ba?!! o sya sige ito siguro kilala nyo na, Edward and Bella?!!! Oh alam nyo na?! Dahil sa kanila ba’t nanumbalik ang pag-kaadik ko, maliban sa kanila marami pa as in many to mention.

Sabi ko nga kanina, oo adik ako, adik sa kakabasa…kala mo kung ano ‘no? kaadik kasi sila eh, dinadala nila ako kung saan-saan dey make me high! Hirap nilang bitawan,kakagigil sila masyado, feeling ko nga minsan ako na sila.Talagang nakaka-aliw magbasa,ultimo matutulog na ako sila parin ang hawak ko, halos maluha-luha at mamanhid na utak ko di ko sila matigilan..

Sa mundo ng mga libro ako’y nagkubli

Dito sa mundong pantasya’y humahalili

Binabalot ng tuwa,lungkot,panganib, at pasakit

Ngunit sa huli, syempre ENDING ang kapalit..

Ang baduy ko, etchos ka blog ko to!

Wala lang magawa, petiks ika nga!

Adik ka din, nagtyaga kang basahin ito..

Kakaadik ka rin ba?!

Wednesday, 2 February 2011

AKO 'TO

Posted by iya_khin at 04:42 9 comments


Ipokrita….

Ipokrita ako kung sasabihin kong ok lang ako..(I’m fine thank you!)

Ok ako kasi atleast dito pamilya ko, pero completely…I’m still a lousy loser!

Sa nakalipas na araw lagi kong napapanaginipan mga kapatid ko at tatay ko kasama na ang mama ko…which I’m only seeing them in my dreams co’z in reality ni sa chatroom di ko sila matanaw sa kadahilanang:

1. Nasa bartolinang kwarto ang 2 kong utol…literally homeboy..roomboy..preso sa loob ng kwarto ng bahay ng lola ko..(bawal daw silang lumabas)reason?? ewan ko…

2. Palutang-lutang ang tatay ko sa laot..meaning seaman sya..di ko alam sang antartika sya ngayon maliban nalang pag-dumaong at maalala akong tawagan…

3. Ang pinakamamahal kong ina, grabeng miss ko sya to the highest level..di ko na kasi sya mareach..out of coverage na kasi sya eh…

Oo, malungkot ako, hanggang ngayon di ako nililibanan ng kalungkutan ko..ang hirap..sana di naging ganito, kelan kaya ako makakawala sa hawlang ito?

Nakakabagot na ang ganitong buhay, sa araw-araw kong pag-gising alam ko di pa rin tapos mga trainings ko sa buhay, kelan kaya ako mag-a-upgrade?

Simpleng buhay lang naman ang hanggad ko, ni di nga pumasok sa isip kong mag-abroad wala sa plano ko ang mga ito….teka wala naman talaga akong kahit anong plano dati, sumasabay lang ako sa agos ng buhay.

Di naman ako tamad, di naman din ako salbahe at di din ako madamot, madali akong magtiwa at madali din akong magmahal pero parang di ito sapat para makamit ko ang salitang SIMPLE..

Pasensya na sa nakakabasa nito nilalabas ko lang uhog luha’t damdamin ko. Sa mundo ko ngayon di ko pwedeng ipakitang mahina ako, ayokong mandamay ng kapwa ko. Sabi nila para daw akong loka-loka pag humahalakhak ako, totoo nyan sakit na ng puso ko, ayoko na ng ganito…

Buti nalang laging nandyan si Papa Jesus, minsan gusto ko ng bumitaw pero di ko magawa kasi lagi syang nakahawak para di ako makawala..ilang beses ko na syang binigo pero patuloy parin nya akong tinatanggap,mahina nga ako aaminin ko sobrang hina, pero Sya ang lakas ko.

Ako ‘to, at ito ang nararamdaman ko..

nilalabas ko lang baka kasi umalingasaw…

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review