Wednesday, 2 February 2011

AKO 'TO

Posted by iya_khin at 04:42


Ipokrita….

Ipokrita ako kung sasabihin kong ok lang ako..(I’m fine thank you!)

Ok ako kasi atleast dito pamilya ko, pero completely…I’m still a lousy loser!

Sa nakalipas na araw lagi kong napapanaginipan mga kapatid ko at tatay ko kasama na ang mama ko…which I’m only seeing them in my dreams co’z in reality ni sa chatroom di ko sila matanaw sa kadahilanang:

1. Nasa bartolinang kwarto ang 2 kong utol…literally homeboy..roomboy..preso sa loob ng kwarto ng bahay ng lola ko..(bawal daw silang lumabas)reason?? ewan ko…

2. Palutang-lutang ang tatay ko sa laot..meaning seaman sya..di ko alam sang antartika sya ngayon maliban nalang pag-dumaong at maalala akong tawagan…

3. Ang pinakamamahal kong ina, grabeng miss ko sya to the highest level..di ko na kasi sya mareach..out of coverage na kasi sya eh…

Oo, malungkot ako, hanggang ngayon di ako nililibanan ng kalungkutan ko..ang hirap..sana di naging ganito, kelan kaya ako makakawala sa hawlang ito?

Nakakabagot na ang ganitong buhay, sa araw-araw kong pag-gising alam ko di pa rin tapos mga trainings ko sa buhay, kelan kaya ako mag-a-upgrade?

Simpleng buhay lang naman ang hanggad ko, ni di nga pumasok sa isip kong mag-abroad wala sa plano ko ang mga ito….teka wala naman talaga akong kahit anong plano dati, sumasabay lang ako sa agos ng buhay.

Di naman ako tamad, di naman din ako salbahe at di din ako madamot, madali akong magtiwa at madali din akong magmahal pero parang di ito sapat para makamit ko ang salitang SIMPLE..

Pasensya na sa nakakabasa nito nilalabas ko lang uhog luha’t damdamin ko. Sa mundo ko ngayon di ko pwedeng ipakitang mahina ako, ayokong mandamay ng kapwa ko. Sabi nila para daw akong loka-loka pag humahalakhak ako, totoo nyan sakit na ng puso ko, ayoko na ng ganito…

Buti nalang laging nandyan si Papa Jesus, minsan gusto ko ng bumitaw pero di ko magawa kasi lagi syang nakahawak para di ako makawala..ilang beses ko na syang binigo pero patuloy parin nya akong tinatanggap,mahina nga ako aaminin ko sobrang hina, pero Sya ang lakas ko.

Ako ‘to, at ito ang nararamdaman ko..

nilalabas ko lang baka kasi umalingasaw…

9 comments:

Jag said...[Reply]

*hugs* and *tapping your back*

everything will be fine...

iya_khin said...[Reply]

@jag wink..wink..sniff..sniff...

Adang said...[Reply]

kya mo yan:(

TAMBAY said...[Reply]

iya khin ka nga ehheheh

hindi sa lahat ng pagkakataon, kailangan natin sumunod sa agos ng tubig, magpadala at bahala na kung san dadalhin.. may mga pagkakataong kalingan natin sumulungat, sa daloy nito. Lumaban ika nga.

Salamat po sa pagbisita.. nakiepal lang :)

2ngaw said...[Reply]

ang hirap nga ng sitwasyong ganyan, pero lahat naman nalalagpasan natin...kaya mo yan, ikaw pa! :)

Nortehanon said...[Reply]

Happy thoughts lang, iha, happy thoughts. Tulad mo, nanirahan din ako malayo sa pamilya ko and I was only 13 when I left them. At sa tuwing nalulungkot ako, happy thoughts lang ang panlaban ko sa lungkot. The happy memories have kept me afloat during those times. At lagi mo lang iisipin that your mom doesn't want you sad kahit nasaan ka man and I'm sure that she misses you, too! So smile :) At ipagpatuloy lang ang pagkapit kay Papa Jesus.

God bless.

EngrMoks said...[Reply]

kaya mo yan...ang problema at sakit nalalagpasan lumilipas...

Thanks nga pala sa pagdalaw mo sa site ko... Folow kita!

iya_khin said...[Reply]

@adang kinakaya...

@istambay salbabida pwede?

@lordcm hahah! cute mo!

@nortehanon agii kagu-ol naman day...

@moks pinalow din kita! tenk u

rolito said...[Reply]

Like you, meron din akong moments of terrible lonesomeness. Kahit andaming tao sa paligid, damang-dama ko ang pag-iisa. I guess there is nothing wrong about such feeling. Ganun talaga ang pagiging tao, nagkakaroon ng moment para mag-isa, para mag-isip kung anong kulang, kung bakit mali. What is important is that in the end, we know and understand, who, what and where we are and where we are going. Reality check baga.

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review