Halos mag-aapat na taon na pala simula ng tayo’y huling magkita..tagal na pala….ang bilis di ko namalayan..
Naalala ko pa bago ako umalis, di mo pinapahalata pero alam kong nalulungkot ka bakas sayong mga mata. Di man lang kita nayakap kasi ayaw mo, isang halik lang sa pisngi ang naibigay ko kasi nakokornihan ka, ayaw mo ng ganon di ka kasi madrama tulad ko…
Naalala ko din nung bago pala ako mapunta dito, nag away tayo..nagalit ka sa akin kasi isinumbong kita kay daddy na nag sasabong ka. Galit kasi ako, lagi ka nalang walang pera dahil sinugal mo. Kaya masama loob mo sa akin kaya lumuwas ako ng manila kasama ang pamilya ko..iniwan kita..
Nakipagsapalaran ako sa manila, naghanap ako ng trabaho..ang hirap..nakitira ako sa mga byanan ko..nalungkot ako namimiss kita, mas lalo na nung umalis ang asawa ko papuntang abroad at naiwan kami ng anak ko…
Nagkaroon kami ng konting pag di pagkakaintindihan ng in-laws ko kaya tinawagan kita. Tinanong ko sayo, tatanggapin mo pa ba ako ako kung sakaling babalik ako sa atin? Sabi mo, oo naman..anak kita..
Naiyak ako, umiiyak ako ng makauwi ako sa atin.. niyakap kita…nagulat ako! Di ka pumalag…iniyak ko sayo ang sama ng loob ko..nakinig ka..sa unang pag kakataon. Naging mas close tayo, alam ko naman bata palang ako di mo kami pinapabayaan, nagkagalit lang tayo kasi naimpluwensyahan ka ng kapatid mong magsugal. Lagi ka nalang kasi wala sa bahay, sabi mo naghahanap ka ng pera pang gastos natin, pero di ako sang-ayon sa idea mo.
Natatawa naman ako..dahil sa sobrang ganda mo, parang ate lang kita. Di halatang mag-nanay tayo kaya naliligawan ka pa. Sikat ka sa atin “ikaw na ang astig” saan ka pa? nagpapalipad ng motor na ninja at nagmamaneho ng napakalaking Wrangler Jeep! Tulo laway sayo ang mga kalalakihan! Sayang lang..di ako nagmana sayo.
Naalala ko din nung araw ng nanganganak ako..halos mamatay na ako..nandun ka para palakasin ang loob ko..naghahabol na ako ng hininga..naririnig ko sabi mo kung pwede ikaw nalang manganak para sa akin gagawin mo..mahal mo nga ako..di ko kasi naririnig sayo….
Nang nandito na ako sa ibang bansa, dami nating pangarap..pero puro naging pangarap lang lahat kasi naging madamot ang tadhana sa akin dito..2 taon akong nagtiis..alam na alam mo yun…ikaw ang nagpapalakas ng loob ko..halos mabaliw na ako..di ko sinasabi sa asawa ko..pero awang-awa na ako sa kalagayan namin..sayo ko lang sinasabi mga paghihirap ko..sayo ko lang iniiyak lahat ng pagdurusa ko..ikaw din nagpatatag sa akin..muntik na akong magpakamatay..pero dahil sayo at sa mga pangaral mo..tiniis ko..umahon ako..lumaban..para sayo..sa inyo…
Last 2009 November sabi mo may parang bukol sa kilikili mo,sabi ko sayo mag patingin ka..ayaw mo. Matigas kasi ulo mo lahat ng sakit tinitiis mo. Bilib nga ako sayo, kasi ako mahina. December 2009 tuwang tuwa ako dininig na panalangin ko! Excited akong ibalita sayo kasi natanggap ako sa ibang Kumpanya! Sa wakas makakaahon na din tayo! Napawi lahat ng ngiti ko sa labi dahil iba ang narinig ko sayo….”Anak may sakit ako..wag kang malulungkot….may cancer ako stage 4 na”……di ko napigilang humagulgol…BAKIT?!!
Sobrang bilis ng pangyayari, araw-araw tinatawagan kita,di ako mapakali wala akong magawa..wala akong nagawa..araw-araw tuliro ang isip ko dahil iniisip kita, halos kada minuto gusto kitang kausap. Lahat sayo nag iba, itsura mo, pananalita mo,Ma, ikaw ba yan?!!Galit ako sa sarili ko kasi di ko magawang pagalingin ka..iniyak kita sa Diyos..iniyak kita…iniyak kita…
Humingi ka ng tawad sa amin nila daddy, sa mga kapatid ko, sa mga kaibigan mo…Ma…hindi…ok lang..ok lang…..lahat ng daing mo rinig ko..pero tiniis mo lahat para sa amin…pero ang sakit..ang sakit-sakit…
Ma, mag iisang taon na pala ngayon June… sobrang miss kita..sabi mo sa akin lakasan ko ang faith ko dahil ikaw malakas…hanggang sa huling hininga mo lumaban ka…
Ma, mahal na mahal kita…kung pwede ko lang irewind di kita iiwan…..
Ma, sobrang miss kita…alam ko masaya kana kasama si Lord pero dito sa puso’t isip ko..buhay na buhay ka pa….
Mahal kita Ma…sana nababasa mo ito gaya ng dati…
Di man Mother’s day alam mong lagi kitang naaalala….