Sunday, 22 May 2011

PROPERTY FOR SALE

Posted by iya_khin at 23:48

THIS PROPERTY IS FOR SALE….

Halos madurog ang puso ko….di ko alam kung paano at biglang sabay-sabay pumatak ang luha ko…ang sakit-sakit at ang bigat-bigat ng pakiramdam ko ngayon lalo na ng makita ko ang larawang ito….

Isang linggo na akong ganito na hohomesick na ako masyado. Dala na rin siguro na sobrang stressed na ako sa trabaho at sa totoo lang pagod na pagod na ako…

Anong nangyari? Bakit? Bakit ganyan na ang itsura mo? di ka naman ganyan nung umalis ako, napakasigla mo, napakaganda at punong puno ng saya sa paligid mo..

Naalala ko pa nung una kitang makita tuwang-tuwa ako, walang keming pinatuloy mo ako. Gandang-ganda talaga ako sayo lalo na nung inilaan mo sa akin ang napakagandang silid ko, salamat sayo. Ilang taon din ba tayong nagsama, labing-dalawang taon ba?!

Ang dami nating alaala, alam mo lahat ng sekreto ko, alam mo lahat ng kalokohan ko buong pagkatao ko nakita mo wala na nga akong naitago sayo. Ang saya-saya natin dati, paminsan-minsan lang kita nakikitang malungkot pagwala kang kasama kaya nga di kita maiwan-iwan kaya maghapon tayong dalawang nagkukulong sa kwarto.

Pero ano ‘to? Anong nangyari sayo?! Bakit di mo ako nahintay? Bakit nangyari lahat ng ito?! Diba sabi ko naman sayo babalik ako, sabi ko sayo konting tiis lang…..konti nalang….

Nahihirapan akong huminga…nahihirapan akong malaman at makitang ganyan ang nangyari sayo, di na nga kita nakilala, nasaan na ang datin ikaw…nasaan na sila? Nasaan na ang mga mahal kong inihabilin ko sayo? Iniwan nyo na ako….iniwanan nyo na akong mag-isa….

Mama? Daddy? Brian? Aj? Asan na kayo? Bakit kailangang maging ganito? Bakit hanggang ngayon pinaparusahan pa din ako…ano ba ang naging kasalanan ko?

Wala kana, wala na akong babalikan, wala na din sila, wala ng lahat, puro alaala nalang ang iniwan mo..alaalang ngayong binabalikan ko, alaalang ngayon ay kay pait na dinadala ko sa dibdib ko…..

Kailan ba titigil ang pagluha ko? kailan ba matatapos ang lahat ng ito?
Kailan ba matatapos ang pasakit mo? Kailangan ko na bang wakasan ang aking paghinga?

Ayoko na….

Pagod na ako….


home no more

15 comments:

Anonymous said...[Reply]

oh my god! nanikip ang dibdib ko dito.. napaano ba cla? lumipat ng bahay? im sure hinihintay ka pa ng mga yon.. homesick lang yan iya.. mwahugs sau.. haist nakakalungkot..:( tahan na iya ko.. gusto mo patawanin kita ulit sa ym? hehe! smile na gaya nito ow weeeeeeeee ^__^ bigyan kita ng spongebob para sumaya ka..tahan na.. OK

bulakbolero.sg said...[Reply]

hmmm... di ko alam ang storyahan neto, pero may purpose daw ang lahat ng bagya kaya eto nangyayari. magpakatatag lang.

on the brighter side. buti pa ang bahay/kwarto at nakita ang lahat ng iyong tinatago. LOL.

eMPi said...[Reply]

di ko ma-gets... ano to? binenta ang tirahan niyo?


you'll be fine... pray lang! :)

Anonymous said...[Reply]

condolence sa bahay :)

Jag said...[Reply]

I'm sorry...I know everything will be fine in time... *tapping your shoulder*

Sey said...[Reply]

ang damin kong naiisip sa post na to. Yung feeling na aalis ka sa isang bahay na minahal mo na, ang sakit sakit sa dibdib. Ganun ako ka-attach sa mga bagay na minamahal ko. Kaya madalas kahit cellphone lang pag may bago ako, tinatago ko yung dati kasi minahal ko na. Pero ang paglipat ng bahay ay isa sa mga bagay na nahihirapan akong gawin.

Iniisip ko nung una tao ang kinakausap mo pero sa huli naisip ko yung bahay ang kinakausap mo. Kung nasan man sila ngayon for sure they're waiting for you. SAka yung house siguro destiny niya yun.

Relax ka lang, wag masyadi ma-stress, nakakamatay yan, though alam ko ang feeling ng ganyang sitwasyon. Ilabas mo lang kung makakagaan.

Bino said...[Reply]

sabi nga ni bulakbolero , everything happens for a reason. siguro nga. pero nakakalungkot lang.

pmm012 said...[Reply]

bakit? ano nangyari?? pero kapit lang...

Akoni said...[Reply]

Nalungkot me, hindi ko alam kung paano ka pangingitiin...

emmanuelmateo said...[Reply]

halla.anong nangyari frendship..
just pray and evrything will be ok ha..

kae said...[Reply]

hays.. im sorry.. ); anong nangyari sa tahanan mo? ); hope you're okhey..

musingan said...[Reply]

sorry po sa nangyari sa kanya.. alam mo.. may bahay rin kami.. na binenta duon.. kaso.. wala lang sa akin.,. kasi bata pa kami ng umalis duon.. mga 10 years din ata kami... siguro bata pa ako.. noon.. kaya di ko naisip ang lahalagahan niya.. eheheh

Hua Hin Property said...[Reply]

Commercial property management can be made easier by implementing at least one rule, which is to keep the building in good repair and the exterior trash area clean. This tells prospective tenants that this is a well-run, clean building. 

Sacramento Property Management said...[Reply]

Building management is a new concept and is offered by many companies who provide the services of management of properties.

Anonymous said...[Reply]

This is a really good post.Must admit that you are amongst the best bloggers I have read.Thanks for posting this informative article. Property for sale in Sahl Hasheesh

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review