oh well cheers to that!
Friday, 28 December 2012
Monday, 24 December 2012
simoy
![]() |
Malamig ang simoy ng hangin damang-dama ng kalamnan
Pasko na naman tila kay saya ng bawat tahanan
Mga tao'y di magkamayaw tila ba'y nag-uunahan
Lingid sa iba sa senakulo'y yaring nilalang ang syang
nararanasan.
Kisap ng mga parol di maaninag
Tila ba nabulag na, wala ng liwanag
Himig ng pasko nakakatuliro, nakakabingi
Pigil na luha, eto na, dahan-dahan, ang hapdi.
Di makahinga, dibdib yaring sasabog
Pasko dapat sanay masaya ngunit sa kalungkuta'y lubog
Ito ba ang alay mong regalo?
Tunay ngang kakaiba, aginaldong alay mo.
Dahan-dahan ako'y kinikitil
Dahil sa salang di sadya ako'y itinatakwil
Minahal nga ba o pagpapanggap lamang?
Araw ng pagkabuhay syang aking pagkamatay.
Idaraos ang gabing suot ay maskara
Pipiliting maging masaya, sa harap nila'y makikitawa
Makikisalo, ikukubli ang tunay na nadarama
Pagkatapos nito'y ako'y magpapaalam na.
Malamig ang simoy ng hangin...
Manhirin mo, bukas ay muling mag-iisa...
Thursday, 20 December 2012
Daan
![]() |
| deviant |
Patawad....patawad....hindi ko
sinasadya...please huminto ka na..
Nanginginig at pahagulgol na
sambit ni Clara habang nakalapat ang kanyang mga kamay sa kaliwang tadyang ng
asawang si Joshua habang patuloy itong tinatagasan ng dugo.
Nag-aagaw buhay...
*isa...dalawa...tatlo....
Mamatay kana!
-----
Tulong!!! Na-snatched ang bag
ko!! Pasigaw ni Maria habang hingal na hingal sa paghabol sa mamang holdaper sa
kahabaan ng Ermita. Nilalaman ng bag ang perang kanyang nalikom sa loob ng
limang araw na paglalagi sa Casa, pangpagamot sana sa anak nyang nag-aagaw
buhay dahil sa dengue.
Biglang tumunog ang
telepono...
Ate, wala na si Mina...
*Miss!!!
Isang rumaragasang kotse ang
biglang bumulaga sa kanyang harapan.
Nangingisay...
...durog ang ulo't labas at
nagkalat ang utak.
-----
Tulalang nakatitig sa kawalan
si Danilo habang nakatayo sa gilid ng ika-dalawampu't limang palapag ng gusali.
Malamig ang simoy ng hangin, nakakapanindig balahibo.
Napakawalanghiya mo Brandon!
Hayop ka! Nagawa mo pa talagang magdala ng putang babae dito sa loob ng pamamahay
ko! Matapos kong gawin at ibigay ang lahat sayo eto pangkababuyan mo ang
igaganti mo sa akin?!!
Oo! Dahil sawang-sawa na ako
sa pagmumukha mong bakla ka!! Kung baboy ako mas baboy ka, binaboy mo pagkatao
ko!!!!
*Masarap ang hangin...
Parang gahibla ng balahibo...
sarap magpatangay...
Pikit mata...eto na...
-----
anong meron sa kisame? wala
naman akong makita.
anong meron sa silid na 'to?
heto't ako'y nag-iisa.
ano ba ang meron ka? tinangay
mo pati ang aking kaluluwa.
*ano ba itong nasa leeg ko?
pisi ng buhay ko.
ano ba itong nasa paanan ko?
huling tungtungan ko.
Sunday, 16 December 2012
sasagutin na kita Part 2
Dahil tamad-tamaran ako kaya
medyo tumagal ang pagsagot ko sa mga tanong ninyo. Pero dahil nga sa tinatamad
ako ngayon magtrabaho din kaya eto't sinagutan ko na lahat ng mga katanungan
ninyo. Pasensya po kung di kayo magiging satisfied sa mga answers ko kasi sa
totoo lang din tinatamad ako..grabe dami kong antok as in!!
Question and Answer
1) Hanggang Kailang ka
magmamahal?
Ilang ulit mo bang, itinatanong sakin
Kung hanggang saan,hanggang saan, hanggang kailan,
Hanggang kailan mag tatagal,
Ang aking pag mamahal,
Hanggang may himig pa akong naririnig,
Dito sa aking daigdig
Hanggang may musika akong tinataglay,
Ako’y iibig….
Kung hanggang saan,hanggang saan, hanggang kailan,
Hanggang kailan mag tatagal,
Ang aking pag mamahal,
Hanggang may himig pa akong naririnig,
Dito sa aking daigdig
Hanggang may musika akong tinataglay,
Ako’y iibig….
Naaakss kumakanta oooowww!!
2) Kung may pagkakataon kang umibig muli, ano ang ayaw mo sa kanya na dapat nyang baguhin?
2) Kung may pagkakataon kang umibig muli, ano ang ayaw mo sa kanya na dapat nyang baguhin?
Sa totoo lang hindi naman ako
masyadong choosy when it comes to physical appearance….#top10lies
Yung sa ayaw naman..hmmm..many
to mention..pero no.1 hate ko talaga yung yosi kadiri! Ehemm....pwede po bang
itigil ang hithit buga?!! Tas yung
pagiging insensitive….
1. Love or friendship?
Both…co’z you’ll never be lovers if you
haven’t been friends…chaaarooooot!
2. how does blogging do to you?
Why so English me?!! I’m so
difficulting and vibrating my brains!! What da pack!! Blogging u mean?! It’s
not doing anything to me, I’m da one doing to the blog?!! So migrating!!
Seriously, this is my wayout…
Kung walang kulay pink ano na
ang paboritong kulay mo at bakit?
Yellow, kasi fave song ko yung
sa kanta ng Coldplay! Tas it always reminds me of someone special..yiiiiii….
JonDmur said...
1.Bakit tumatahimik ang tao pag nasa loob na ng elevator?
2.Bakit nga ba?
2.Bakit nga ba?
oo nga ano?!! Napaisip din
tuloy ako bigla! Siguro kasi pinipigilan nilang huminga, feeling na parang
nakasakay lang sa ferris wheel. O di kaya baka iniisip nila yung scenario sa
Resident Evil na bigla nalang may bubulaga sa kanila pagbukas ng pinto ng
elevator o kaya may biglang hahatak sa kanila galing sa taas, o kaya naman eh
may biglang may magpapakitang bata na hindi nyo naman kasama sa loob kanina.
Basta ganun.. tulad nito.. KLIKADITO.
1.kung hindi kumplikado ang
sitwasyon nating dalawa at hindi tayo mag-bff, pwede kayang maging tayo?
Oooommmmaaayyyguuulllaaaayy!!!
BFF?!!!! Shuhada what is this?!! Di ko akalaing may pagnanasa ka pala sa akin!
Wahahaha! Charoooot! Nawindang ako, pwede bang pangshowbiz ang sagot ko?! Teka
pag iisipn ko yan ng bongga! hehehe
2.kung may isang kasalanan na gugustuhin mo'ng hindi maging kasalanan, ano un at bakit?
magpakamatay.... kasi
kasalanan sa mata ng Diyos ang kitilin ang sarili nating buhay. Cguro kung
hindi kasalanan yon matagal na akong wala sa earth...basta..napapagod na ako.
Sorry sa sagot ko pero eto agad yung nag-pop-up sa isip ko.
ano ang mas pipiliin mo.
tusukin ng karayom sa mata (nang nakamulat ka malamang) or i-nail cutter ang
utong mo (purol ang nail cutter at kelangan matanggal yung utong itself, yun
yung goal)?
ang brutal mo tsong!!! pero i like that ha!!
kung tutusukin ng karayom ang mata tendency mabubulag ka, kung i-nail cut naman
ang utong masakit din yon. try muna natin sayo tas tingnan ko reaksyon mo tsaka
ako mamimili! heheheh
1.sinong blogger ang minahal mo? or mahal mo nang walang halong biro? hindi as
a friend but as a lover..
Unang-una dalawa agad ang
tanong mo sa no.1 pero dahil mabait ako sasagutin ko tanong mo. Blogger?!!!
meron ba?!! etchusera ka ah!!! wahahaha! tanong mo sa kanya kung sino sya!
2. bakit ka iyakin???
2. bakit ka iyakin???
sabi pa ni Lady Gaga, i was
born this way!
Dahil sa dami ng iyong tanong namili lang ako ng dalawa,
gusto ko sana sagutan lahat kaya lang dami kong katam sa katawan.
1. Sa isang eroplano, nakasakay ka. Nandun din ako. Nagcrash eto. Napunta sa isang isla na walang tao at mahirap hanapin. Tayong dalawa lang ang nabuhay sa plane crash. Anong gagawin natin?
1. Sa isang eroplano, nakasakay ka. Nandun din ako. Nagcrash eto. Napunta sa isang isla na walang tao at mahirap hanapin. Tayong dalawa lang ang nabuhay sa plane crash. Anong gagawin natin?
maglalaro ng bato-bato pik!
2. Anong paniniwala mo sa pag-ibig?
2. Anong paniniwala mo sa pag-ibig?
naniniwala ako na pagmaintain
ang paghuhulog mo dito buwan-buwan makakapagloan ka ng house and lot! :p
1. babae or lalaki ba si winnie the pooh?
bisexual!LELS
2. may katapusan ba ang pagmamahal?
2. may katapusan ba ang pagmamahal?
hangga't patuloy na tumitibok ang bawat puso
walang katapusan ang pagmamahal. maaring napapagod at nasasaktan ito pero sa
oras na makarecover ito in time eh uulit-ulitin parin nitong magmahal..kaboooom!
MARIA said...
1. naniniwala ka ba sa TRUE LOVE?
hindi...there's no such thing
as true love, it doesn't exist, si God lang makapagbibigay ng true love, pero
humanity..di cguro kasi all of us fails..para sa akin kasi love is a decision
hindi naman kasi all the time totoo ka sa partner mo but you still choose to
love and stay with that person in spite of indifferences.
2. nahanap mo ba yung true love mo? Who, Where and When?
2. nahanap mo ba yung true love mo? Who, Where and When?
true love?! love nakahanap na
ako, madami na, pero yung true di ko pa tiyak.
1.Madali ako maakit sa mga
babaeng mababango, kaya ang tanong ko ay ano pabango mo?
Victoria's secret Endless love :p
Pero manong, mas mabango ako
pagkatapos ko sa gym, yung moment na super pawis ko ultimo kasingit-singitan!
wahahah!
2.Pangalawa, kung nagkita tayo tapos ay
accidentally nahalikan kita sa lips, would you mind it?
lol manong napakawholesome mo naman, talagang
halik lang ba gagawin mo I mean sasadyain mong gawin?!! di cguro, maputol na
ang dapat maputol pero di ako naniniwalang magbebehave ka pagnagkita tayo!
wahahah! kaya huwag na tayo magkita!!! wahahahah!
1.Pwede rin ba akong
magtanong?
OO
2. Ay nakapagtanong na ako ng
1, so 1 na lang?
OO ulit! :p ang tipid mo sa tanong kuya!
1.why the sky is blue? blue
ba?!!
hindi naman ahh, kulay grey
dito! :p
2.bakit may hole ang donut?
kasi mas masarap at madaling
maluto yung may butas sa gitna..hmmm..ang boring ng sagot ko...lels
END
Thursday, 6 December 2012
sasagutin na kita...
Matatapos nalang ang week na 'to pero ni hindi man lang ako nakapagtipa! shuhada!! Madami dami akong work lode ngayon pero nitatamad pa akong magtrabaho. Hindi ko din maintindihan bakit ganto ako nowadays, gustong-gusto kong magsulat at gumawa ng kung ano-anong anik-anik pero di ko mapilit ang sarili ko..haay ka-sad.
Actually tinatamad na din akong magblog, ewan...wala naman kasing kakwenta-kwenta 'tong mga isinusulat ko.hmmmm....
ganto nalang...
Dahil wala akong mahagilap na maikwento, ito na yung chance nyong makapagtanong sa akin. Oo, tanungin nyo ako ng kahit ano, question and answer portion ang drama. You are free to ask me questions under the sun open to all kahit ano at susubukan kong sagutin ng madibdiban. charrr
maximum 2 lang po ang pwede nyong itanong.
Send nyo yung tanong nyo sa email na 'to iahdz09@gmail.com or di kaya pwede nyo din itipa dyan sa baba ng comment box.
Hanggang sabado ko lang aantayin ang tanong nyo, parang deadline of submission ang arte eklabooo!
Ang pinakamagandang tanong may premyo sa akin.. kiss sabay hug! hehehe
Tuesday, 27 November 2012
wishlist 101
![]() |
Pasko na naman o kay tulin ng
araw, paskong nagdaan tila ba kung kailan lang….
Walang pasko…
Walang pasko dito sa disyerto,
di ko rin naramdamang magpapasko na nga pala. Noong nakaraang taon excited ako
to the hayest level kasi magbabakasyon ako, bawat araw binibilang ko dahilan sa
4 na taon bago ako makauwi. Pero ngayong taon, malamig ang pasko ko…..
Kakalungkot pero ganun talaga
ang layp, minsan mapaglaro at mapagbiro. Kailangan mong maging matatag at
kailangan mo din maging matapang, hindi ka pwedeng manghina kahit hinang-hina
kana. Nakakaloka….
Dalawang araw nalang sana
simula sa araw na ito ang schedule ko pauwi sa atin, nakaempake na sana ako
nakaready na sana ang mga bagahe’t pasalubong…pero nabagong lahat ng plano…naglaho
parang isang bula…sakit sa dibdib ngunit kailangan kong tanggapin..
Pero ok lang..araw-araw naman
pasko diba? Hindi naman necessary na mag-antay pa ng Disyembre para maging
pasko.
Malungkot..totoo..
Kaya gumawa nalang ako ng
wishlist para maibsan naman ang kalungkutan ko, ito yung mga gusto kong gift na
sana kahit isa man lang dito eh maambunan ako..
WISHLIST 101
1.ipad tab mini
2.iphone 5
3.blackberry 9900
5.longchamp leather sling bag
6.kipling leather sling bag
7.vans rubber shoes
8.baby-G watch
9.nike-fuelband
10.converse shoes
Hindi naman ako masyadong
maluho diba? Simple lang naman yung mga gusto ko diba?! LELS
Sa totoo lang hindi po talaga
ako materialistic na tao, mga pantasya ko lang ang mga yan, mamumulubi muna ko
bago ko mabili lahat yan! Hehe! Kaya hanggang wish nalang sila..
At sa totoo lang ulit, isa
lang naman talaga ang gusto kong regalo sa pasko, yung hindi nabibili at hindi
napepeke, yung hindi nasisira at yung hindi kumukupas dumaan man ang madaming
panahon…
Ito ang gusto kong gift…
….TRUE LOVE.
Monday, 26 November 2012
Liebster Award
Patok sa akin ang tanungan
portion habang balisawsaw ako ngayon, kaya eto’t sasagutin ko din ang hamon ni
JonDmur. Hindi ko namalayang napili nya ako maging isa sa pinagkalooban nya ng Liebster Award. I’m so touched, salamat ng
maraming marami di ako makapaniwalang napasali ako.
11 things about me
(ano ba meron ako na hindi pa
alam ng lahat?!!)
1.Ma-L ako!! (As in
Ma-Lambing.)
2.Madali akong ma-L!! (as in
madali akong Ma-in-LOVE.)
3 Ma-L talaga ako before. (Ma-Lamon.)
4.Hate na hate ko ang ma-L na
tao.( Ma-Lokong tao, ayoko ng lokohan.)
5.Lagi akong L na L.(Late na
Late sa pagpasok sa opis.)
6.Ayoko ng ma-L. (Ma-Lungkot.)
7.Madali din akong ma-L.(Ma-Luha.)
8.Masarap akong mag-L. (Mag-Luto.)
9.Hindi ako madaling ma-L. (Ma-Lasing.)
10.hindi po ako mahilig sa L. (Lalaki.)
11.Hindi ko rin po payborit
ang letter L.
At eto naman po ang personal na katanungan ni JonDmur na buong giliw kong sinagutan, nahirapan akong sagutan!
11 Questions:
1. Motto in Life: motto talaga
hindi ba quote?! Lels
ENGLISH: “be curious, not
judgemental.”
TAGALOG: magpakatanga ka;
hayop ka!
2. Any unforgettable Dream?
Madalas pagnanaginip ako
nakakalimutan ko agad pagkagising ko. Cguro yung di ko malilimutang dream ko eh
yung umiihi daw ako tas nagising akong bigla kasi basa na kama ko.
3. Most Happy Moment in Life?
Ang hirap ng tanong mo
friend!!
4. Do you believed in love at
first sight?
Eh paano kung bulag ako paano
ako maniniwala?! Mas naniniwala pa ako dun sa “make love at first sight!” LELS
lang! Sa panahon ngayon madami ng manloloko kaya mahirap magtiwala! Ayy pwede
palang mangyari pa ang love at first sight, it applies to mandurukot at
magnanakaw! Love ka nila agad, love ka nilang dukutan! :p
5. If you are granted one wish
what would you wish?
I wanna be a billionaire so
freaking bad!
6. What is your aim in life?
AIM - To direct (a weapon)
toward an intended target. To
determine a course or direct an effort.
Mag-eefort talaga akong
asintahin sa ulo yung mga lokolokong dumurog at bumasag sa puso ko! Charroott!
7. What is your favorite blog
post written by other blogger?
Syempre yung “Mahal kita friend” posted by my bff Bino ng Damuhan.
8. Any message to your reader?
Dear Readers (if ever meron),
Mahal ko kayo, make peace not
war. Pagpasensyahan nyo po ako kung madalang lang ako sumagot sa comments nyo,
feeling artista kasi ako, laging busy! Chooos! Salamat pala sa mga nagcocomment
na nagfofollow back astig ang comments nyo, parang ganto lang.. “nice post you
should write more often! Please follow me back!” LELS lang! stone-stone! :p
9. Please give some tips for a
beginning blogger.
Sumulat ng naaayon sa dikta ng
puso at isip nyo, hindi dahil sa gusto nyo lang gumaya. Naku hirap na baka
makasuhan kayo ng cyber crime!
10. What is your blog’s best
entry? Or any blog post that you can recommend to me?
Syempre lahat ng entry ko eh
best! Naman! Magbubuhat ako ng bangko eh blog ko ‘to!
Recommend?!! Hmmmm…pwede bang
lahat?!! From 2009 up to present date?!! Pwede ba?! Hehehe!
Most of or majority pala ng
entries ko eh kaemohan, kaya hirap akong magrecommend baka madepressed ka lang!
hehehe! joke
11. What is your definition of
a best friend?
Best friend – someone who
loves and accepts you inside and out. Yung ookrayin ka harap-harapan kulang nalang sabunutan ka dahilan sa ayaw ka
nyan mapahiya sa iba. Partners in crime. Simply…di yun nadedescribe talaga eh
kasi nararamdaman yun hindi lang basta ipinapakitang magkaibigan kayo. Parang
sa love din, alam mong may spark! Ganun!
Salamat ulit JonDmur,
pagpasensyahan mo na po ako’t ibre-break ko ang rules. Mahirap kasi akong
magpasa sa 11 na bloggers baka magtampo yung iba kong friends kasi they all
deserve this Liebster Award! Hehehe!
Thursday, 22 November 2012
pumatol ako kay Akoni R-18
Dahil wala na naman akong
magawa at as always sabaw ang utak ko kaya naisipan ko (may isip pa pala
ako!) munang maglibot-libot sa himpapawid. Dumalaw at naki-usyoso sa mga blogger friends
ko tungkol sa mga latest post nila at waaaapaak na malagket maiiwasan ko bang
hindi makiboso sa Kaharian ni Akonilandiya?!! Ooooyyy manong di kita
prinopromote kasi ala naman nadalaw na dito sa bahay ko! I hayt you!!! :p
Ano pa ba ineexpect nyo sa
blog nya?!! Kal-kal-kal-kali-kali-kalandian!!
Ewan ko ba pero parang magnet
na hinahatak ako lagi sa blog bahay nya, kahit sa name ng blog nya nakakabit pa
din ako! O analyze nyo – AKONILANDIYA
Anyway na challenge ako sa mga
walang kakwenta-kwentang katanungan nya kaya eto’t sasagutin ko ng
bonggang-bongga tulad sa planganang butas-butas ang pwet!
1.Naniniwala ka bang may dulo
ang mundo? Kung oo, bakit at nasaan? Kung hindi, bakit at sino ka?
SAGOT: OO, bakit? Dulo na ng
mundo mo o katapusan mo na pagnahuli ka ng asawa mong nasa kandungan ng iba!!
Saan?! Lights off ba o light on?! O kung feeling nyo si Eba at Adan kayo
malamang sa kakahuyan na ang huling kan.. hantungan nyo.
2.Halimbawang ikaw ay isang
kulangot. Ano’ng mas gusto mo, idikit sa pader o bilogin at ipitik nalang kung
saan? Kung bibilogin, bakit? At kung ididikit sa pader, bakit at ano paborito
mong pagkain?
SAGOT: kung kulangot ako eh
ano ka?!! anyway kung sticky kulangot malamang ididikit ako sa pader kasi kahit
anong pitik mo di tatalsik yan! Yeeaahh bebe madikit!! Parang nasa sticky situation
lang! Ayoko ng bibilugin kasi halintulad yun sa pambobola tas pagnasundot na
yung kulangot itsapwera na, ipipitik nalang kung saan-saan! (teka may
pagka-emo?!!)
Paborit food: STICK - O
3.Ayos lang ba sa’yo na maging
gamot sa lahat ng uri ng sakit ang semen mo o tam*d mo? kung oo, apir tayo.
Gawa tayo ng group, tawagin natin the C-MEN or the T-MOOD! Kung hindi naman,
mamatay ka sa sakit 'di kita gagamotin, basag trip ka.
SAGOT: May tam*d ba ako?! Di
ko kasi namamalayan eh nakapikit ako! LELS
Sa pagkakaalam ko magandang gamot
nga yun, pampawala ng stress at pampabata! MAGIC! After 9 months mawawala stress
mo kasi may batang lalabas! O ha!! Yun lang pag ginawa mo yun sa 1 night stand
patay kang bata ka!
PS: Dati nung nasa ilalim ako
ng kama ng pinsan ko naglalaro, nakita ko sa pinapanood nila nilalagay nila yun
sa mukha, pang facial din pala yun ano?!
4.Naranasan mo na bang matae
sa pantalon? Kung oo, braahahahahahahaha, ngowahahahaha. Kung hindi pa, sana
mangayri ‘yun soon!
SAGOT: Matae?!! Maipot oo! Nung
isang linggo lang, natutulog na ako tas bigla akong nautot, tas feeling ko
nawiwiwi ako tas antok na antok akong tumayo punta ng banyo, tas nung nakikilig-kilig
na ako sa pagwiwi ko eh biglang may tumambad sa white na panty ko!!
oh-lah-lah!! Feels like M&M, melts in your mouth not in your hand!
5.Kung papangalan mo ng ibang
pangalan ang kamay mo maliban sa mariang palad, ano ito? Sa akin ay My
Beautiful Affair (kanan) at My Secret Affair (Kaliwa).
SAGOT: (left hand) CALI CULLEN
– inspired sa Twilight Saga
(right hand) INDIANA JONES – fave ko kasi yung song
na 1 little 2 little 3 little indians
6.Kung mababaliw ka ano gusto
mo, baliw na kinakausap ang sarili o baliw na hinahanap ang sarili? Bakit at
sino ang tunay na baliw?
SAGOT: manong inborn ako dyan!
ALL OF D ABOVE! Madalas kong kausapin ang sarili ko lalo na pagnakaharap ako sa
salamin. Madalas din hinahanap ko yung sarili ko lalo na pagwala ako sa sarili.
Ay ewan! Tulad ngayon wala ako sa sarili ko kasi nawiwindang ako at pinapatulan
ko pa din tong mga kabalahuraan mong tanong! I hayt you talaga manong!!
PS ulit: naalala ko nawala din
ako sa sarili ko dati tas namalayan ko nalang nanghihina ako, umabsent ako nun
eh! :p
7.Ano sa palagay mo ang nasa
isip ko ngayon habang sinusulat ito? Wild guess lang. Makatama, may tama din.
SAGOT: ngayon ko lang nalaman
manong na may isip ka din pala!!! LELS
Nasa kubeta ka’t umeebs habang
tinitipa mo to sa isipan mo! I smell you from head to toe!
8.Naniniwala ka bang tae ng
isang hayop ang itlog (ng manok)? Kung oo, kumakain ka pala ng tae? Kung hindi,
ipaliwag kung bakit masarap ito lalo na kapag binateee…aahhh…oohh…yeeahhh! At
ikumpara sa itlog ng tao.
SAGOT: nasubukan mo na bang
obserbahan ang manok kung may keps sila?! Hmmm…sabagay yung wetpaks nila
pagniluluto mo korteng keps! Favorite ko yung pwet na nilalabasan ng itlog ng
manok at oo kumakain ako ng itlog, ayoko ng binate gusto ko yung hard!
Teka, tao ba kamo?!! :P
9.Payag ka bang ibalik ang
pinoy bold movies?
Piliin ang sagot;
A. OO, payag na payag *Slurp*
B. Letter C
C. Letter A
SAGOT: sa totoo lang di ako
nanonood ng mga ganyan, pero kung ikaw ang gaganap eh malamang A B C ang sagot
ko! nakakaexcite kaya manood lalo na kung alon-alon ang abs na makikita mo kay
Akoni! LELS ulit!
10. Expected mo na bang may
mga pang R-18 sa mga tanong ko? Kung oo, kiss mo ko. Kung hindi, magtanong ka
sa buwan.
SAGOT: Manong di na
itinatanong yan likas na yan sayo! Kiss lang ba gusto mo?! eh more than that pa
ang naibigay ko sayo… ang aking pu-pu-pu……. puteeeek dito na amo ko!!!!
-END
Tuesday, 13 November 2012
fickle..
“you’d think that silence would be peaceful. But really, it’spainful.” – David Levithan
Lying in my bed
Turbulence inside my head
This loneliness inside of me
Damn, why you just don’t kill me.
Yeah, maybe I’m better off alone
Rather than to be with someone who can’t be my own
I rather be sad and empty
Than live surrounded by lies and wary.
I'm selfish, impatient and a little insecure just likeMarilyn Monroe
I make mistakes, I am out of control and at times hard tohandle.
Yes, I’m a psycho, a freak or maybe a bitch
A ragged doll, used and ditched.
But I’m just a girl who’s just protecting herself
I live in the past that nobody wants to watch
Nobody understand and no one can stand
No one to save me…I can’t even demand.
So silence is all that’s left in me
My cure even everyone else don’t agree
In quietness I hide
Bleeding and slowly restoring myself.
Thursday, 8 November 2012
separate lives...
Someday you'll forget about me..
it will hurt just a little while...
but sooner or later..
we'll be better in time.
SEPARATE LIVES
Phil Collins & Marilyn Martin
You called me from the room in your hotel
All full of romance for someone that you met
And telling me how sorry you were, leaving so soon
And that you miss me sometimes when you're alone in your
room
Do I feel lonely too?
You have no right to ask me how I feel
You have no right to speak to me so kind
We can't go on just holding on to time
Now that we're living separate lives
Well I held on to let you go
And if you lost your love for me, well you never let it
show
There was no way to compromise
So now we're living (living)
Separate lives
Ooh, it's so typical, love leads to isolation
So you build that wall (build that wall)
Yes, you build that wall (build that wall)
And you make it stronger
Well you have no right to ask me how I feel
You have no right to speak to me so kind
Someday I might (I might) find myself looking in your
eyes
But for now, we'll go on living separate lives
Yes for now, we'll go on living separate lives
Separate lives
Monday, 5 November 2012
food-tasy
![]() |
Haaaissst hirap na talaga akong
mag-update ng blog ko puro sabaw na nasa utak ko, ay mali pala tuyot na! Dami
ko sanang gustong ikwento pero masyadong personal kaya huwag nalang, baka kasi
di nyo makayanan tsaka kahit ako hirap na hirap kayanin..ayyy ewan!
Nagugutom ako...
Parandom post muna, ‘to yung mga
food na pinagpapantasyahan kong kainin sa mga oras na ‘to:
1. adobo (atay at balunbalunan)
liver and gizzard – gusto ko yung pinatuyo!
2. prito/inihaw na tilapia w/
bagoong at kamatis – kumakain ako habang nasa gilid ng ilog.
3. bulalo – para sipsipin ang
utak at humigop ng sabaw.
4. crispy pata – aaayayayyy magdagdag
ng kolesterol!
5. bopis – yung madaming sili!
6. tinolang manok – native na
manok o yung namurder sa sabong!
7. sinaing na tulingan – dapat
madami sinaing na kanin.
8. pulang itlog w/ kamatis at
manga – walang kaeffort-effort pero dami kong kain nito.
9. daing / tuyo / bulad – samahan
mo ng pinakurat na suka at sili!
10. letchon – mag- bp muna bago
lumapa!
11. balot – nangangatog ang tuhod
ko kaya need ko nito.
12. laeng – madaming madaming
sili at baboy at dilis!!!
13. adobong tahong – namiss ko ‘to
samahan mo ng alak on da side!!
14. barbeque na isaw baboy /
manok – sarap isawsaw sa sukang punong-puno ng sibuyas bawang at sili!
15. inihaw na pusit – amoy palang
napapa- ummmmm na ako.
16. sushi / maki rolls – wasabi and
soy sauce my all time favorite!!
17. adobong kangkong / sitaw –
something green.
18. fried chicken thigh part -
yung jumbo tas maraming-maraming ketchup or oyster sauce or maggi savor sa
mainit na rice.
19. pasta / noodles / pizza – any
of the three!
20. steak - medium rare yung madugo-dugo pa...sarap!
Lastly ito pinakagusto ko….
21. lalaki – finger licking good!
Yummy! LELS
Epekto na ‘to ng gutom ko last
kong kain nung sabado pa ng umaga…naghahallucinate na ata ako…
Wednesday, 31 October 2012
tula 101
![]() |
| wagas |
Basag basag na pangarap isa-isang pinupulot
Pirapirasong alaala unti-unting hinahabi
Sa pagkakalugmok dahan-dahang bumabangon
Bangungot ng kahapon syang ibinabaon sa limot.
Sa kabila ng lahat puso’y patuloy na nanaghoy
Mga patak ng luha sadyang di mapigilang dumaloy
Pagsapit ng dilim pilit itinatago’t inililihim
Damang dama yaring sakit naninimdim.
Makakaya mo bang mahalin ang isang tulad ko,
Yaring sira-sira buong pagkatao ko?
Hindi perpekto’t madungis ang nakalipas
Kung di rin lang nanaisin nalamang magwakas.
Hanggad ko lamang na ako’y mahalin
Tunay at wagas yung matatawag kong akin
Hindi ako laruan para iyong pagkatuwaan
Ako’y tao lang marupok nasasaktan.
Hawakan mo ang aking mga kamay
Damhin mo ang mga yakap ng katawan kong lupaypay
Tamis ng aking mga halik sayo’y iaalay
Puso kong sawi wag mo sana hayaang mamatay.
Tuesday, 23 October 2012
undercover
![]() |
| tumblr |
Side by side laying down next to you
Touching you as I feel the warmth of your skin
Never have I imagined that we’ll be as close as this
Too good to be true but here now I’m with you.
I’ve searched for you all my life
Been into many places high and low
Crossed the deep blue ocean,
Gazed upon the
city skyline
and might see you in the twilight.
In the midst of my sanity I’ve waited
Listened to music ‘til my head bleeds
Held back myself though I’m about to fall
Clock’s ticking I’m almost tired chasing.
Then suddenly a door has opened
Went inside this cold dark room I was about to trip
And to my surprise someone was waiting
It was hiding underneath those black sheets.
You’re so cryptic never gave me a clue
All these years I’ve been looking for you
You’re supernatural that’s why I love you
Yes I found you covered with your tattoos.
Sunday, 21 October 2012
it's sunday...emo day...
![]() |
“ Minsan kailangan mong pakawalan yung mga bagay na nagpapasaya sayo,
lalo na’t sa umpisa palang alam mo ng hindi ito laan para sayo.”
“Paano mo ipaglalaban ang isang bagay na alam mong wala ka naman
talagang kalaban-laban?”
“Paalam....salitang kay hirap bitawan, isang salitang malalim kung
makatagos sa puso lalo na’t ang salitang ito ay nagmumula sa isang taong
napakahalaga sayo o nagmumula sayo mismo. “
Eto na naman at inaatake na naman
ako ng kaemohan sa katawan ko, kelan kaya ako maglelevel up at iba naman ang
maitipa ko. Omen na talaga siguro sa akin ang pagiging madrama, aba ewan! Kung
sana man lang eh may makadiscover sa akin para naman pagkaperahan ko ‘tong
kakanguyngoy ko at kakaiyak, sana yung luha ko kumikita ng salapi! Tsk! Asa!
Hindi naman ako mahilig manood ng
teleserye, di din naman ako mahilig talaga manood ng tv lalo na kung kadramahan
ang palabas. Madrama na nga ako sa totoong buhay makikidrama pa ba ako sa mga
palabas sa tv hindi siguro!
Ewan ko ba pero nung isang araw
umiyak lang ako ng umiyak magdamag, di ko din maintidihan sarili ko. Basta
umiyak lang ako ng bonggang bongga hanggang sa magmugto ang mga mata ko
hanggang 1pm til 5am. Oo ako na! Basta pag uwi ko ng bahay nagpalit lang
ako ng damit pambahay tas nahiga tas nagpatugtog sa ipod ko..playing..album ni
Adele, tas yon..BOOM!
Hiding my Heart Away by Adele, ‘to
yung song na paulit-ulit kong niplay, paulit-ulit…….hanggang mag-sink
in..aaaggghh…dinama ko talaga ang lyrics ng song na ‘to..kakalungkot
talaga..putek naiiyak na naman ako.
"I wish I could lay down beside you
When the day is done
And wake up to your face
Against the morning sun
But like everything I've ever known
You'll disappear one day
So I'll spend my whole life hiding my heart away."
When the day is done
And wake up to your face
Against the morning sun
But like everything I've ever known
You'll disappear one day
So I'll spend my whole life hiding my heart away."
Sabi nila huwag kang makikinig ng
songs ni Adele lalo na pag nag-iisa ka, pero matigas ang ulo ko nakikinig pa
din ako. Di ko talaga mapigilan yung sarili ko sa pag-iyak para tuloy akong
lokaloka! As if naman hindi! Ang daming pumapasok sa utak ko na nagdulot
o ha dulot talaga ng pasakit sa puso ko nahirapan tuloy akong makahinga….
Sa aking silid ako’y
nagkubli
Mga matang luhaan
sarili ko’y sinisisi
Mga bagay na sa aki’y
bumabagabag
Pag-ibig ang
kailangan hindi ang iyong habag.
Sa aking pag-iisa
kalungkuta’y damang dama
Pangunguli sa
kahapong kay ganda’t kay saya
Ngunit naglahong
lahat ng siya’y lumisan
Pighati’t pasakit
ang kanyang idinulot ng ako’y kanyang iwan.
Ngayon heto ka’t
nag-aalay ng iyong pag-ibig
Pag-ibig nga ba at
hindi kasinungalingan ng iyong bibig?
Sa tulad kong
nakakulong sa hawla
Makakaya mo bang
ako’y mapalaya?
Kung hindi lang
tunay itigil mo na
Masasayang lang ang
pahon masasaktan mo pa
Pagkatao ko’y yaring basag na basag na
Mas mabuti pang
mag-isa kung wala din naman pag-asa.
Haaayyy…it’s Sunday at nasimulan ko ng ganitong post,
saya….
Monday, 15 October 2012
Si Aida, Si Lorna, Si Fe at AKO
Tatlong babae, di magkamayaw kung sino
Tatlong alas, ang pang-apat ay ako
Tatlong mukha, kaakit-akit, nakakalito
Tatlong eba, sinong pipiliin mo?
Si Aida, isang babaeng mayumi
Di makabasag pinggan animo di’y pipi
Kagandahang taglay, ika’y lubos na mawiwili
Huwag kang palinlang, si Aida’y may sapi.
Si Lorna, kakaiba parang lalaki kung umasta
Takot sa kanya maging mga basagulero sa kalsada
Maliksi, palaban di patutumba
Ngunit sa tuwing nag-iisa, luha’y dumadaloy sa kanyang
mga mata.
Si Fe, haliparot, pokpok, malandi, kaladkarin
Walang modo, bastos, boba ganun kung sya’y tawagin.
Kaliwa’t kanan lalaki nya’y kay dami-dami,
Isa,dalawa,tatlo, kasinungalingang kanilang sabi-sabi.
Si Aida, Si Lorna, Si Fe
Iba’t ibang karakter, iba’t ibang pagkatao
Balat kayo, balat kayo, sino ba sa kanila ang totoo?
Tatlong babae, mga mata’y imulat ninyo.
Si Aida, Si Lorna, Si Fe
Hulaan mo, kilala mo ba sila?
Masasabi mo ba kung sila’y nasa harapan mo na?
O sandyang bulag ka, ayan na’t di mo pa rin alintana.
Si Aida, Si Lorna, si Fe at Ako
Bakit pati sarili ko’y idinadamay ko dito?
Tatlong babae, ano ba ang mapapansin nyo?
Katulad din nilang tatlo…
……..hindi ako perpekto.
Tuesday, 9 October 2012
Sa Aking Paglisan
Sadyang kay bigat ng nadarama
Mistulang istatwang di makawala
Pangamba sa buong katauha’y hindi maikaila
Sadyang kay bilis di makapaniwala.
Sa aking paglisan bitbit ang iyong larawan
Masasayang mga alaala aking binabalikbalikan
Mga ngiting alay ng iyong mga labi
Mistulang bahaghari, pag-asa na aking minumutawi.
Sa aking paglalakbay milya-milyang daa’y tinatahak
Karagatan na sadya nga namang napakalawak
Himpapawid, alapaap halos abot kamay
Oo nga’t nakakamangha, ngunit sa puso ko’y may lumbay.
Malibot ko man ang buong mundo
Mapuntahan ko man ang iba’t ibang palasyo
Masaksihan at malasap ko man ang mga rangyang alay nito
Aanhin ang lahat, kung nag-iisa naman sa ibang ibayo.
Sa aking paglisan bitbit ang iyong larawan
Syang tanging lakas upang patuloy na makipagsapalaran
Araw-araw walang patid na nananalangin
Na sana’y dumating na ang araw na ika’y makasama’t
makapiling.
Sa aking paglalakbay….
Ang tulang ito ay aking opisyal na lahok para sa SARANGGOLA BLOG AWARDS 4
Categories
LAHOK,
saranggola blog awards,
tula
Monday, 1 October 2012
i'm loving angels instead
I sit and wait
Does an angel contemplate my fate
And do they know
The places where we go
When we're grey and old
'Cause I have been told
That salvation lets their wings unfold
So when I'm lying in my bed
Thoughts running through my head
And I feel the love is dead
I'm loving angels instead
Eto na naman mga emoshits ko, my
gwaaaadddd ganto nalang ba lagi?!!
Huwag kasing mag-eexpect ng
sobra! Nakamamatay!
Tough?! Who?! Me?!! In denial
pwede pa siguro, nakakapagod na… lagi nalang umaasa, lagi nalang nag-hihintay,
magmamahal, masasaktan… iiwan.. paksyet!! Wala ba akong K na maging masaya?
Sukang-suka na ako sa paulit-ulit na pangyayari sa buhay ko, para tuloy
panandaliang aliw, parang 1 night stand, parang isang kisap mata….
Little tongue be careful what
you say, what you say… natatablan din ako sa kataliman nito...
Nasasad lang ako now…na naman…yoko
ng i-elaborate..it’s just the same topic different stories..yaan na nga..sanay
na naman akong nasasaktan ng paulit-ulit…bbbrrrrrrrrr…..
Last week pala I celebrated my
25th birthday…chooos! Di ko pala isinelebrate, nisuprised dinner
treat pala ako ng mga kaopismayt ko courtesy of our very BIG boss MD. Thank you
talaga sa inyo pinaiyak nyo na naman ako… dahil pala birthday ko binigyan ko ng
gift ang sarili ko..asa pa ba akong may magreregalo sa akin?!! Di siguro.. I’m
nobody kaya di ko na inaasahan yon..
Last, last, last at isa pang
last week eh nihalughog ko si mang-google… naghahanap ako ng sakit sa katawan!
Puro kasi puso at utak ko lang ang nasasaktan kaya para maiba naman katawan ko
naman ang sasaktan ko…yeeeah let’s get physical!!
Alam nyo ba na mahilig ako sa
angels?! Isali nyo pa si Angel Locsin basta angel gusto ko, mapapicture,
wallpapers, figurines, books, ect.. anything basta about angels. Pinaayos ko
kasi yung old tattoo ko which I have since 1998. Ayun magbilang kayo! Actually I was inspired by it because of my mom;
she’s the most beautiful angel I’ve ever seen! I love her so much…hala…naiiyak
na naman ako…oh I’m missing her so much.
Hindi lang basta angel ang
tingin ko sa kanya, she’s my everything. Sa lahat ng bagay she’s always there
for me that’s why I feel so secure because of her.
So last week I found this
website and met this AWESOME tattoo artist! Click nyo DITO!
Una ko palang makita yung blog
nya ramdam ko na talaga na HE’s D ONE! Where have you been all my la-hahahaaayypp??!
LELS
Tagal ko na talaga kasing
naghahanap ng gagawa ng tattoo ko as in! See it took me more than a decade searching
for the right person and baby now that I found you I won’t let you go…yiiiiiii!
| my old tattoo |
![]() |
| needles... |
![]() |
| and there she is! |
Thank you po, you just don't know how much it means to me.....
And through it all she offers me protection
A lot of love and affection
Whether I'm right or wrong
And down the waterfall
Wherever it may take me
I know that life won't break me
When I come to call, she won't forsake me
I'm loving angels instead
Subscribe to:
Comments (Atom)






















